Part 17.

699 14 0
                                    

“Di ba tayo dudumugin niyan?” tanong ko. Sa North Edsa niya ako dinala. di kalayuan naman yung mall, almost an hour kaming nagbiyahe. Traffic e.

Nagkantahan lang kami ng We Could happen habang nagbbyahe. Ulit ulit niya ngang pinapakanta sakin ako naman na uto uto, sinusunod naman siya. Pinanuod din namin yung livestream ng LCM with ate Jo. LS kasi siya ngayon. Nang-asar pa sila.. magddate daw kami ni Joseph. Haha! Andami tuloy nagtweet sakin nung nagpost ako ng picture na we’re going to somewhere.

“May shades ako GF.” Sabi niya sakin saka niya sinuot yung rayban niya.

“Para kang abnormal, gabi na nakashades ka pa.” sabi ko. Papasok na kami ng mall.

“oh, eto, suotin mo to.” Hinubad niya yung jacket na suot niya. Binigay niya saakin.

“Ang init kaya.” Sabi ko. Para kaming eng-eng.

“Gusto mong makilala ka nila? Tapos dudumugin tayo? Basta suotin mo na yan, wag ng matigas ang ulo.” Sabi niya. Sinuot ko na lang.

“Di naman ako kasing sikat na kagaya mo no, no need.” Sabi ko.

“Anong hindi? You had a thousands of followers, ang dami mo pang subscribers.. kilala ka na ng marami.” Sabi niya sakin saka niya nilagay yung hood ng sweater na pinasuot niya sakin. Yih. Grabe. Kinikilig ako. HAHA! I’m dating the Dayne Joseph of LCM.♥ Pumasok na kami ng mall. Ewan, anong trip niya, bakit kasi dito pa kami sa mall nagpunta. Pano kapag may nakakilala sa kanya? Lagot na.

“Hey, dun tayo.” Nagpunta kami sa Penshoppe.

“bibili ka ng damit mo?” tanong ko.

“mo.” Pagtatama niya. Huh? Akin? May damit naman ako a?

“uy, wala akong dalang pera.” Sabi ko. Though, meron naman talaga. Ayaw ko lang kasing gumastos. Nagtitipid ako e. hahaha! Pinag-iipunan ko pa yung future namin ni Joseph. Lewls.

“sino ba maysabing ikaw magbabayad? Gift ko yun para sayo. Suotin mo bukas huh?” sabi niya. Ayih! Susuotin ko bukas yung damit na ibibili ni Joseph para sakin. Yehey! Ang sweet. Kahit wala na akong pag-asa sa kanya, kinikilig padin ako.

“Mamili ka jan.” sabi niya sakin. Namili nga ako ng damit. Ang gaganda. Halos di ako makapili. Kung meron man, mahal naman.

“oh? Ang tagal mo atang mamile?” tanong niya sakin.

“di kasi ako makapili ng maganda pero mura.” Sabi ko sakanya. Lumapit yung saleslady samin.

“Mam Sir, anong pong gusto nila?” sabi samin nug saleslady. Tinitigan niya kaming dalawa ni Joseph. Hala, baka namukhaan niya kami. Lagot!

“Ah, miss. Can you find clothes for her? Yung bagay sa kanya. Never mind the price.” Sabi ni Joseph sa saleslady.

“Sure Sir. Mam, dito po tayo.” The lady led me to the women’s wear section.

Andami niyang sinuggest sakin. Magaganda lahat. Pero, I choose the white and blue above the knee dress. Ang cute kasi eh may ribbon pa sa may bewang. Hehe. Bumalik kami kung saan nagpaiwan si Joseph.

“Nakapili ka na?” tanong niya. Pagkalapit ko sa kanya.

“Eto oh.” Saka ko pinakita sa kanya.

“Diba masyadong maiksi yan?” tanong niya sakin nung dinikit ko sa katawan ko yung dress.

“hindi sir. Sakto lang po yan.” Sabi ng Saleslady.

Fangirling Overload [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon