Ang bilis, Saturday na agad. Ambilis, parang kelan lang pinagpapantasyahan kong makita siya kahit sa malayuan lang, pero ngayon.. siya pa susundo sakin.
Pagkatapos naming mag ayos at idouble check ang mga dadalhin ay tumulak na kami paalis.
"Ma, nasan yung iPad?" tanong ko kay mama habang nagdidrive siya, papasok kami ng NLEX. Ito muna gagamitin ko para hindi malowbat 'yung phone ko agad para macontact si Joseph.
"Sa glovie," sabi niya sabay nguso sa glove compartment. I opened it and fished for my mom's tablet.
Pagkakuha ko ay agad kong ni-log in iyong twitter ko para macheck kung may message ba siya. Habang hinihintay mag-load iyon ay nagpicture muna ako. I took a shot of the dashboard making the road visible.
Pinost ko iyon sa Twitter.
'See you, K's.' –I captioned.
Marami akong natanggap na notification sa caption na 'yun. They are asking if I'm going to meet the Kairos since I'm south bound.
"Anak, tell me. Ano ba talagang gagawin mo sa Manila?" mom asks suddenly which delayed me from checking the DM's.
Kinabahan ako sa tanong ni mama. Halata bang may iba akong imi-meet?
I bite my lip and look at mom. I will tell her the truth, ang paalam ko kasi'y may bibilhin akong gamit para sa project namin na sa Manila lang makakabili.
"Ma, actually..." I'm very hesitant, what if hindi niya ako payagan? But then guilt will be with me if I don't tell her the truth. Baka hindi ako mag-enjoy mamaya kakaisip na what if malaman ni mama na nagsisinungaling lang ako? "I will meet the Kairos."
"Kairos? Yung sa TV?" kunot noong tanong ni mama.
"Kilala mo sila, ma?"
"Lagi sila sa Asap, lately. Saka lagi ko silang nakikita sa Facebook. Iyon ba yung laging pinopost ng kapatid mo?" Mukhang hindi naman galit si mama. But I could hear suspicion in her voice.
"Sila po yung imemeet ko..."
"Really? Bakit hindi mo sinama si Sunshine? Alam mo namang gustong gusto yun ng kapatid mo."
"Eh may assembly po sina Sunshine ngayon sa school, hindi ba? Saka, ma, ako lang po ininvite nila, eh."
"Sandra, baka naman anong gawin nila sayo?" Nag aalalang sabi ni mama na nagpatawa sa akin.
"Susunduin po ako ni Joseph sa SM North ma. Kung gusto niyo tingnan niyo muna siya, like if he looks decent, or pulsuhan niyo kung bad ba siya at dun ka na magdecide if papayagan mo ako or hindi." I smiled at her, "Okay lang naman po sa akin if hindi niyo ako payagan."
"Guilt tripping ka pa ha?" Napahalakhak ako sa sinabi ni mama, "Teka, sinong Joseph 'yung susundo sayo?"
"Member po ng Kairos," I fish for my phone to show her his picture, "Eto po siya..."
Tumango tango si mama nang makita niya ang picture ni Joseph.
"Anak, baka hindi sila yun." Pag-aalala ni mama.
"Naka-live sila nun ma nung sinasabi nila yun e."
Hindi na sumagot si mama, she focused on driving which worried me. Baka hindi ako payagan...
"Ma..." I called her out, pleading.
"Oh?" she looked at me.
"Payag ka ba?"
"Hindi ba sabi mo mamaya nalang ako magdecide kapag nakita ko na siya?"
My worries turned to hope, I can't stop smiling right now. Not bad though. I turned back my attention to my phone and check the messages. I just receive six messages from the Kairos.
Three of them are from Joseph:
"Sandra, where are you?"
"Hey?"
"What are you wearing?"
One from Pat:
"Sandra, can't wait to see you."
Then, Kern:
"Sandra, ingat po sa byahe."
Last one was from Gio:
"Yo. Ingat!"
I replied them all and told Joseph where exactly I am and what am I wearing—a denim sleeveless dress.
Ako:
'Blue dress po. Malapit na kami sa SM North.'
Joseph:
'Okay, kita nalang tayo sa may sky garden?'
'Malapit na ako.'
'Wait for me, okay?'
No matter what, no matter when, no matter where, Joseph. Yes, I'll wait for you.
BINABASA MO ANG
Fangirling Overload [COMPLETED]
FanfictionThis is a story of a fangirl who fell inlove with his idol. Will he catch her? //ongoing edit