Part 16.

736 13 0
                                    

“Bakit biglang nag-iba wallpaper ko?” tanong ko sa kanya, siya huling gumamit nito e.

“Ayaw mo ba? Ako nagset up niyan, blinuetooth ko pa para parehas tayo..” oh syet. What’s happening? Anong gusto niyang parating? Mag-eexpect na ba ako?

“Parehas tayo?” I asked.

Yup!” kinuha niya yung cp niya tapos pinakita niya yung wallpaper niya. Picture nga naming dalawa. Feeling ko tuloy, MU kami. Hay, expectations talaga.. “Let’s eat.”

Then, we eat.

“Ansarap naman Babe.” Sabi ko.

“wag mo nga akong tawaging babe.” Sabi niya.

“baket? Kaw nga hinahayaan lang kitang tawagin mo akong babe and GF e.” sabi ko saka sumubo pa ng isa.

“Feeling ko, ako yung pig in the city.” Napahagikhik ako.

“Tawa ka jan.” sabi niya habang kumakain.

“Pano ka natutong magluto?” tanong ko sakanya. Ang sarap kasi e. tamang tama lang ang timpla. Parang si mama din ang nagluto.

“HRM student ata ako GF.” sabi niya sakin. Ay oo nga pala no.

“Sorry naman. Alam mo ang swerte ng mapapangasawa mo.” Sabi ko. Sana ako yun.

“Bakit naman?” Tanong niya.

“gwapo ka na. Mabait. Charming, at higit sa lahat magaling pangmagluto. For sure, tataba yung mapapangasawa mo.” Sabi ko. Lamon lamon lamon.XD

“oo nga. Siguradong tataba ka.” Sabi niya.

“huh? Ako?” wait lang! ano yun? Bakit ako? Thinking of the idea of marrying Joseph, that’s one of my greatest dreams.

“wala.” Sabi niya.

“wait lang, bakit ang dami mo palang niluto?” tanong ko. May nasa Tupperware pa kasi eh.

“ah, nagrequest kasi sina Ate jo na dagdagan na yung iluto ko. Para daw may kakainin tayo dun sa studio.” Sabi niya.

“so, pupunta tayo dun?” tanong ko.          

“oo.” Sabi niya. “After mong kumain, mag-ayos ka na huh?” sabi niya.

“aye aye! Captain!” sabi ko. Nakadalawang pinggan ata ako sa sobrang sarap ng niluto ni Joseph. Haha! Eto na, we’re heading to Dance Studio.

-

“wew! Bati na ata ang dalawa?” sabi ni Gio na siyang unang nakakita samin pagkadating namin.

“Dinaan ata sa Luto ni Joseph eh.” Sabi ni Pat. Nagtawanan sila.. Anong pinagsasasabi ng mga ‘to? Oo na lang ako.

“Ang cute mo pala habang natutulog baby sis!” sabi ni Kuya Louie.

“kuya naman e.” sabi ko. Asarin ba?

“sa sobrang cute mo, di namin naiwasang picturan ka.” Sabi ni Kuya Louie nagkatinginan sila ni Ate Jo.

“Pinicturan niyo ako? Yih! Ganyan kayo no. Joseph, wag mong ibigay sa kanila yung linuto mo. Ako nalang kakain.” Sabi ko. HAHA!

Fangirling Overload [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon