Ang buhay ng tao ay sadyang mahiwaga. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Kahit anong paghahanda ang gawin mo marami pa ring ang pwedeng mangyari na taliwas sa inaasahan at inaasam mo. You just need to have an open mind in accepting things that you never thought possible. Ang importante e wag kang susuko. Kahit na pakiramdam mo olats ka na, sige lang. Kahit kadalasan puro kamalasan na ang nangyayari, kapit lang. Alam ko madaling sabihin pero mahirap gawin. Pero may choice ba tayo?
Ako nga pala si Jerico. At eto ang istorya ng buhay ko. Naisip ko lang na ilathala dahil sa totoo lang matagal ko ng gusto ishare ang mga karanasan ko pero dahil na rin sa takot at pag-aalinlangan kinailangan kong mabuhay sa mundong gawa-gawa ko lang para matiago ang katotohanan. Pero dito, malaya kong maibabatid ang kwento ng kapalaran ko.
Pasensya na kung medyo mahaba ang panimula, gusto ko lang magkaideya kayo kung sino ako at ano ang pinagmulan ko.
Hiwalay ang mga magulang ko. Grade 4 ako nang mangyari ito. Sa totoo lang wala naman ako masyadong pakialam. Ang onti nga lang ng memorya ko sa pangyayaring yun. Siguro kasi pareho ko naman silang hindi masyado nakilala. Yaya ko ang nagpalaki sa akin dahil si Daddy sa ibang bansa nagtratrabaho samantalang si Mommy naman e laging wala sa bahay at kasama ang mga kaibigan nya.
Maraming nagbago, una e kinailangan naming lumipat ng bahay ng Mommy ko at ng nakababatang kapatid ko. Mula sa Pasig lumipat kami sa Pampanga. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Daddy ang sabi sa akin ni Mommy e sa Cebu sya pumunta kasama ng bago nitong kinakasama.
Pagdating naming sa Pampanga, nagulat ko at may makakasama pala kami sa bahay. Ang bagong asawa ng Mommy ko. Dito na ako naguluhan dahil hindi ko na alam kung sino ba ang iniwan, sino ba ang nanloko. Ah ewan ko. Sa totoo lang hanggang ngayon hindi ko pa rin alam pero wala na akong balak alamin pa. Maraming nagbago, agad na nagbuntis ang Mommy ko at di kinalaunan e nasundan pa ng isa. Parehas lalaki. Bale apat na kami ngayong magkakapatid. Weird lahat para sa akin.
Una, walang naipon na pera si Mommy kaya asa lang kami sa kung magkano ang kitain niya sa trabaho at sa kung anong iaabot ng bago nyang asawa. Well, technically kabit ang Mommy ko dahil nalaman ko na may pamilya pala ang mokong nyang kinakasama. Mabait naman ito at kahit kalian hindi ako pinagbuhatan ng kamay o sinabihan ng kung anong masasakit na salita. Pero kabaligtaran ito ng naranasan ko sa Mommy ko. Dahil hindi talaga kami close e hirap kaming magkasundo. Lagi akong napgbubuhatan ng kamay at sankaterbang mura ang inaabot ko araw-araw mula sa kanya. Siguro dahil kamukha ko ang Daddy ko at hindi nya pa rin malimutan ang nagyari sa kanila. Ewan.
Hindi madali ang nagging buhay ko kasama sila. I mean, mahal na mahal ko ang half-brothers ko at sila lang talaga ang dahilan kung bakit nakakangiti pa ako noon. Ganun din naman sila, sa tuwing gugulpihin ako ng Mommy ko, ihaharang nila ang sarili nila para matigil lang si Mommy dahil alam nilang hindi sila kayang saktan nito.
Pero si Martin, na buo kong kapatid, siya pa ang hindi ko makasundo. Di ko alam kung ano ang meron pero sadyang may agwat sa aming dalawa. Maliban sa edad, which is 7 years ang gap namin, ibang-iba ang ugali nito sa akin. Paborito rin ito ni Mommy kaya di nakakapagtakang may natural na pagitan sa aming dalawa.
Lumaki akong kitang-kita ang kaibahan ng trato ni Mommy sa akin at sa mga kapatid ko. They all went to private schools na kahit hirap, pinilit ni Mommy gumawa ng paraan para makapagaral sila doon. Ako sa isang public school na medyo malayo-layo din. Para bang tele-novela? Sa maniwala kayo o hindi e totoo ito. Naglalakad lang ako papasok samantalang ang dalawa kong kapatid e may school bus. Masyado pang bata ang bunso namin at hindi pa sya nag-aaral.
Mahabang istorya kung ikwekwento ko lahat kaya ibubullet ko na lang. Kung gusto nyo malaman ang buong kwento ng buhay ko mula Grade 4 to 4th Year High School pwede naman. Siguro gagawa ako ng para bang prequel. ^_^
So eto na:
· I had the same set of clothes from Grade 5 to 3rd Year. Briefs, socks, uniform and shoes.
o 4th year may minana ako na school uniform from a really close friend na ahead ny 1 year sa akin. 3rd year Christmas Party ang nilagay ko sa wishlist ko e – 1 Brief, 1 pair of Socks and 1 Sando. Pero eto yung nabibili lang sa palengke and luckily I got these. Teacher ko ang nakabunot sa akin may swerte pa rin naming nangyayari sa akin
· Isang peklat sa kaliwang kilay, dalawang poknat sa ulo, isang baling daliri sa paa (hintuturo ng paa – haha di ko alam tawag dun!) at tahi sa likod sa ilalim ng kanang shoulder blade.
o Lahat ito ay courtesy ng Mommy ko.
· Had my first puppy love nung Grade 6 ako. 12 ako noon at sya naman ay 16. May nangyari sa amin. Oo alam ko sobrang bata pa ako nun pero ano magagawa ko, #mapusok! ^_^
o Michelle ang pangalan nya, magulo din ang buhay nya. I won’t go in to details it is not my story to tell. Pero wala naman talaga kaming nagging relasyon at isang beses lang may nangyari sa amin. Kadalasan puro kiss lang, Di ko na rin sya nakita muli dahil lumipat kami ng bahay nung kalagitnaan ng 1st year High School.
· 3rd Year High School – I had my first boy crush??? – to be continued