Ep. 11: Here we go!

110 6 2
                                    

Kinabukasan maaga akong nagising at pumasok na agad sa school. May test kami mamaya at kailangan ko pa magreview.

Diretso na agad ako sa library. Dito ako madalas dahil libre gamit ang computer. Dito rin lagi ang meeting place namin ni Grace. 7 am pa lang kaya wala pa halos nakapila sa computer. Ayos at makakapagreview ako ng mahaba haba.

Isang oras na rin ang nakalipas ng mapansin kong parang may nakatayo sa likod ko. Tiningnan ko ku g sino at nakitang si Grace pala. Napakaganda talaga nya. Amoy na amoy ko yung pabango nya na sobrang nakakagising ng ulirat. Sabayan pa ng ngiti nya na nakakainlove talaga. Walang sinabi si Marian Rivera sa Grace ko. Hay at ang kinis ng mukha nya kasing kinis ng kay Sig. Ha? Pota. Panira naman. Ano ba ito.

Natauhan naman ako bigla nung nagsalita na si Grace.

"Good Morning Jejeko!" Nakangiting sambit sa palayaw na binigay sa akin ni Grace.

"Ang sipag talagang mag-aral ah. Pakopyahin mo ako mamaya ah. Tatabi ako sayo. Hihi." Dagdag pa niya.

"Good morning Angel ko!" Sagot ko pabalik. Talaga naman kasing parang anghel si Grace. Mula ng naging kami e lagi na syang nandyan para sa akin. Complete package ika nga. Maganda, sexy, matalino at napakabait! Minsan nga lang masungit haha!

"Alam mo namang mas matalino ka sa akin. Baka imbes na makaperfect ka e bumagsak ka pa dahil.sa akin. Saka miss, magkatabi talaga tayo ng upuan sa lahat ng klase!" Sabay pimdot ko sa ilong nya. Gustong gusto kong ginagawa yun sa kanya kahit sobra syang naiinis kapag ginagawa ko sya. Baka daw lalong mapango yung ilong nya. Tinapik nya kung kamay ko sabay kurot sa tagiliran ko.

"A-aray. Ang sakit nun ah" tumatawng sabi ko sa kanya.

"Ang kulit mo kasi! Tara na nga magbreakfast na muna tayo." Sabay hila nya sa akin palabas ng library.

Pagkatapos pumili ng pagkain ay naghanap na kami ng mauupuan. Pagkaupo ay may kinuha si Grace sa bag nya sabay inabot sa akin.

"Oo nga pala. Pinabibigay ni kuya Sig. Nalimuta  daw niyang iabot kahapon nung nagpunta sya sa inyo." Sabay bigay ng charger. Di ako kumibo at inabot ko lang ang binigay nya.

"Diba binigay nya sayo yung CP nya?" Sambit ni Gra e.

"Ah oo nga pala. Nalimutan ko. Alam mo namang hindi ako mahilig sa ganun." Sagot ko.
"Saka ang weird lang bakit niya ako binigyab ng CP?" Tanong ko sa kanya.

"Nako ganun talaga yun kapag may nagustuhan." Sagot ni Grace sabay subo ng spag. Wala man lang kung anong reaksyon sa mukha niya.

"Nagustuhan?! Anong ibig mong sabihin?!" Bigla akong napalunok.

"Nagustuhang maging kaibigan! Ano ba iniisip mo?" Pagpapaliwanag ni Grace. Nakahinga naman ako ng maluwag na bilang kaibigan lang pala. Assumero kasi ako bigla. Pero napansin ko nay pilya ang pagkakangiti nya.

"Bakit Jejeco? Iniisip mo ba na nagkakagusto sa iyo si Kuya Sig? Sa tingin mo crush ka nya?" Makulit na sabi ni Grace habang pasundot sundot sa tagiliran ko at nandun pa rin ang pilya nyang ngiti.

"Ano ba ang pinagsasabi mo! Bakit bakla ba si Sig? Bilisan mo ngang kumain at malelate na tayo!" Inis kong sabi.

"Haha eto naman di na mabiro. Bakit ka namumula? Ui nag blublush sya!" Aba talagang ayaw akong tigilan. Tiningnan ko sya ng masama sabay tayo.

"OA ah. Jinojoke ka lang. Malabong mangyari yun! Sangkaterbang babae nga ang nahuhumaling dun. At sakali mang maging bakla sya e choice nya yun pero hinding hindi ako makakapayag na agawin ka nya sa akin!" Hays kala ko titigil na sa pangaasar ito hindi pa rin pala. Ganyan kasi talaga si Grace malakas mangalaska. Ako naman pikon. Kaya ako ang laging talo. Tumayo na rin sya at kumapit sa kamay ko at naglakad na kamo papunta sa room. Bigla syang kumanta ng "Si Sig ay inlove with you pare! Haha" to the tune of this gus is inlove with you. Bwiset. Buong araw nya yang gagawin. Haaaay.

Mabilis lumipas ang mga araw. Salamat sa cp na bigay ni Sig dahil nakakapagtext na ako kay Grace. Wala naman ako nakuhang ni isang text o kaya ay tawag lay Sig. Naisip ko na baka naman talagang walang ibig sabihin yung mga ginawa nya para sa akin at talagang ganun lang sya. Mabuti na rin yun kesa magulo na naman ang isip ko.

Sabado ng umaga maaga akong gumising. Ngayon ang unang araw ko sa bago kong trabaho. Mabilis akong naligo at kumain. Pagkatapos ay dumiretso na sa construction site. Dito kasi ako tatagpuin ng bago kong amo. Sana naman maging maayos ang lahat.

Pagdating ko sa site nakita ko na agad si Mr. Sabihon at may kausap na isa pang lalaki. Ipinakilala ako ni Mr. Sabihon sa kausap nya. Tantya ko ay halos pareho lng sila ng eded. Siguro mga nasa 50 yrs old. Halata mong mayaman ito sa kutis tindig at pananamit. Sana naman e mabait ito at hindi masungit.

"Nice to finally meet you Jerico. I have heard so many good things about you. At nagaaral ka pala sa Deux La Sabrieno University? Tanong nito. Mukha namang mabait eto.

"Opo." Tipid kong sagot.

"Good. Then that is where I want to go first. By the way my name is Frederiko Atienza. But just call me Fred." Pagpapakilala niya.

Atienza? Parang pamilyar yung apelyido di ko lng maalala kung san ko narinig yun pero walang bumalik na memorya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trapped (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon