A/N: Minabuti kong ituloy dito yung last part dahil lumampas na akong 100 words. Ayoko namang paiksiin kaya eto enjoy... P.S. More than your votes I would appreciate if you guys comment on my work. ^_^
Paglabas ko ng C.R. hinanap ko agad ang room ko buti na lang at yun pala e katabi lang ng C.R. Pumasok na ako ng room at napansin kong may isang matandang lalake na nakatayo na sa harap.
PAKTAY KANG BATA KA...NA NAMAN
"Malas. Mukang masungit pa itong si Sir". Bulong ko sa sarili ko. Akmang uupo na sana ako ng bigla akong tinawag ni Sir.
"You! Come here and explain yourself!" Pasigaw na utos ni Prof.
"Ah, eh. Sorry Sir I'm late," Yun lang ang nabigkas ko. Pakiramdam ko pulang pula ako nun at sobrang nagiinit ang tenga ko. Hindi naman nila mapapansin na namumula ako dahil nagkulay brown na ang balat ko sa matagal na pagkakabilad sa araw dahil di ba nga nagtrabaho ako sa construction.
"Ang gwapo naman nun." "Oo nga, ang kisig pa!" Dinig na dinig kong naguusap yung tatlong babae sa harap. Hagikgikan sila ng hagikgikan. Napansin kong sila lang tatlo ang babae sa klase. Inasahan ko na rin naman dahil ng Civil Engineering ang kurso ko. Yung mga lalaki naman sa klase e masama ang mga tingin naring ko pa ang isa na nagsabi ng "Angas". Hays. Wala naman akong ginagawa.
"And how will you explain your fashion statement Mr..,?" pagtatanong ni prof na halatang inis na sa akin.
"Ah Jerico Noriega po." mabilis kong sagot.
"Mr. Noriega, I believe that you were able to attend the orientation last Saturday?"
"Y-yes Sir."
"And I know for a fact that the policy on dress code is part of the topics covered during your orientation. Is it not?"
"Uhm, it is oart Sir" nakayuko na ako ng mga sandaling to dahil alam ko naman ang tinutumbok nya.
"Kung ganun, bakit nakasando ka lang!" Pasigaw na sabi ni Sir.Pansin ko na lahat ng kaklase ko e napaayos ng upo ng sumigaw si Sir. Pero ang mga babae sa harapan e patuloy pa rin sa pagbungisngis. "Grabe ang Hot nya talaga." sabi ng isa. "I know right. Saka defined na defined na agad yung muscles nya. Bakas na bakas yung abs nya sa sando nya." Hindi ko mapigilang mangisi.
"Did I say anything funny Mr Noriega?"
"No sir!" Ewan ko ba sa gulat e napasudo ako sa kanya na sya namang nagpatawa sa mga kaklase ko.
"And you haven't answered my question yet. Why are you dressed like that?"
"Natapunan po kasi ako ng inumin nung isang estudyanteng nakabangga ko nung papunta ko dito sir." Pagamin ko."Ang laki-laki ng katawan, lampa!" Sigaw ng isang lalaki sa likod na sinundan naman ng malakas na tawanan. May isa pang humirit at sumigaw naman ng "Pasikat. May abs din kami!" at nagtawanan silang muli.
"Stop your boisterous laughter or I will make sure that you will never laugh again! Mr. Noriega, take your seat. But let me warn you, never come to my class again dressed in that manner and don't you dare be late again!" Madiing pagsabi ni prof.
Hindi ko alam kung ano ang meron sa araw na ito at ganito ang sinasapit ko. Malayo ito sa inimagine ko na magiging first day ko. Hays. Napagpasyahan kong maupo sa may likuran at noon ko napansin na may isang babae pa pala sa klase. Nakayuko lang sya at mukhang nababadtrip. Siguro dahil nadisrupt masyado yung class dahil sakin. Naisipan kong tabihan sya para humingi ng dispensa.
"Ahm, miss okay lang ba na dito ako umupo? May nakaupo na ba dito?" pagtatanong ko.
Tumingin sya sa akin at iang matalim na ismid lang ang sagot nya.
PAKTAY si Miss Sungit kaklase ko!
Mali atang dito ako napaupo.
Pagkatapos na pagkatapos ng subject ko e kumaripas ako ng takbo papuntang CR. Patutuyuin ko na yung t-shirt ko dahil ayaw ko ng maulit yung nangyari kanina sa next subject ko. 15 mins lang ang pagitang ng fisrt and second subject ko kaya naman nagmadali ako.
Hays buti naman at natuyo rin. Sa may tapat na rin ako ng hand dryer nagbihis dahil puno ang mga cibucle. Napansin kong may ilang lalaki na napatingin sa katawn ko paghuba ko ng sando. Bigla rin naman silang umiwas ng tingin nung tiningnan ko sila. Siguro eh nagtataka sila, sabagay medyo formed na nga ang muscles ko dahil din sa bigat ng mga trabahong pinasukan ko bago magcollege. Hindi ko pinansin at dali-dali akong nagsuot ng t-shirt at lumabas ng CR.
BLAG!!!
"Aray!!!" tili nung babaeng nakabangga ko.
"Naku miss sorry di kita napansin." Namutla ako nung makita ko kung sino ang nakabanggaan ko. Si Miss Sungit!
"Alam mo ikaw kanina ka pa! Nananadya ka ba? Ha?! O sadyang sinto-sinto ka lang!" nanlilisik yung mga mata nya habang sinasabi nya yun.
"Sorry" Yun na lang ang nasabi ko dahil talagang napahiya ako. Medyo madami kasing tao at ang siste e hindi ko pa lubusang naisusuot yung t-shirt ko. Yung kaliwang manggas pa lang tapos yung sa leeg. Mukha nga naman akong abnoy sa itsura ko. Peroe masakit din yung sinabi nya. Tiningnan ko siya at parang medyo nagbago yung reaksyon nya. Siguro nahalata nya yung sakit sa mukha ko. Tumaikod na ako at naglakad palayo habg inaayos ang t-shirt ko.Pagpunta sa sumunod na klase swerte naman at hindi ako late. Dun pa rin ako sa may bandang likod umupo pero nagulat ako ng tinabihan ako ni Miss Sungit. Tumingin sya sa akin tapos ngumiti. Baliw ata itong babae na ito. Kanina lang kala mo papatayin ako ngayon naman kung makangiti wagas.
"Hi. Sorry kanina ha. Nabigla lang ako." Sambit nya. "Ha wala yun, kaslanan ko naman lahat." sagot ko sa kanya.
"Medyo di lang talaga maganda simula ng araw ko kaya nasungitan kita. Ako nga pala si Grace." inalol nya ang kamy nya na sya rin naman kunuha ko.
"Napansin ko lang kanina, may malaki kang tahi sa likod mo. Napano yun?" tanong nya sa akin.
AHA! So tumingin din pala sya sa katawan ko. Hehe. Napangisi ako bigla na sya namang kinunot ng noo ni Grace. Buti na lang ant dumating na ang next prof namin. "Sige ikwekwento ko nalang mamaya, andyan na si Ma'am."At mula ng araw na yun lagi na kaming nagkasama ni Grace at unti-unti e naikwento ko sa kanya ang buong buhay ko. Maliban dun sa parteng kasali si Mik-mik.
****End of Flashback****
"Hoy! Natulala ka na naman? Aba mukhang malala na yan? Tayo na ang kasunod." Sambit ni Grace habang hinihila ako papasok ng EAP office.
"Huh? Sorry. Tara ng matapos na to at makauwi." Sinundan ko na sya sa loob at kunwari eh di ko nariniig ang sinabi nya.