Buong araw kong binuhos ang atensiyon ko sa trabaho. Ayoko nang isipin ang mga pangyayari kahapon. Isa pa, ayokong may masabi sakin sina Mr. Sabihon. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanilang magasawa.
Matapos ang trabaho tumungo ako sa opisina ni Mr. Sabihon dahil pinapatawag ko nito.
"Magandang hapon po Sir." Pagbati ko.
"Magandang hapon din iho, halika at maupo ka." Sambit ni Mr. Sabihon.
"Kamusta naman ang pag-aaral mo?" Tanong nya sa akin.
"Ayos na ayos na po. Sa katunayan medyo matataas ang marka ko ngayon kumpara nung unang sem." Masaya kong sagot. Gusto ko kasing malaman nila na pinaghuhusayan ko talaga para hindi nila maisip na sayang ang pagtulong nila sa akin.
"Mabuti kung ganun. Hindi ko gusto na mapabayaan mo ang pagaaral mo dahil yan ang magaangat sa iyo. Saludo nga ako sayo dahil bukod sa pagigigng student assistant mo e kinakaya mo pang pumasok dito." Sambit nya.
Tuwing Martes, Huwebes at Linggo kasi ay pumapasok pa rin ako sa construction.
"At dahil nga ayokong maapektuhan ang pagaaral mo kaya naisipan kong pahintuin ka na sa construction." Seryosong sabi nya na siya namang kinagulat ko.
Napatayo ako sa upuan ko at lumuhod sa harap nya. Hindi pwedeng mawala sa akin ang trabaho na ito. Bukod sa allowance sa pagiging student assistant; e etong trabahong ito lang ang pinagkukunan ko ng panggastos. 1.5k ang allowance ko mula sa school sa isang buwan at 3000 naman ang sahod ko dito kada buwan.
"Sir may nagawa ba ako? Pakiusap wag niyo po ako tanggalin sa trabaho. Pakiusap po kahit hanggang matapos lang ang sem na ito." Pagmamakaawa ko.
"Tumayo ka nga dyan. At kahit magmakaawa ka pa e hindi kita talaga papabalikin sa construction." Sabi nya.
Hindi ako makasagot at sumalampak ako sa upuan.
Ano na lang ang mangyayari nito. Nagsimula ng umandar ang utak ko para magisip kung saan ako maghahanap ng trabaho na hindi maapektuhan ang schedule ko sa school. Magiging mahirap ito.
"Hoy! Jerico! Haha!" Pasigaw na tawag sa akin ni Mr. Sabihon na may halong pagtawa. Naguluhan ako sa reaksyon nyang yon.
"Hindi pa kasi ako tapos e nagdrama ka na dyan" sambit nya. Siguro nahalata nya ang pagkalito sa mukha ko.
"Marunong kang magmaneho diba?" Tanong niya sa akin.
"O-opo". Sagot ko na naguguluhan pa din. Natuto akong magmaneho dahil na rin sa trabaho ko sa construction. Tinuruan akong magdrive ng kasamahan ko dito. May pagkatamad kasi kaya para makapgpahinga kapag nadedeliver kami ng buhangin e tinuruan nya akong magmaneho ng truck. Ayos lang naman sa akin kasi gusto ko rin matuto. Hindi ko alam na alam pala ito ni Mr. Sabihon dahil kahit kelan hindi ko nasabi. At sa tuwung malapit na kami sa site e nagpapalit na kami nung talagang driver dahil baka matanggalan sya ng trabaho pag nakitang hindi naman pala sya ang dridrive ng truck.
"Paano nyo po nalaman?" Tanong ko.
"Hindi na importante yun. Ang importante e yung sasabihin ko. Ang isa kong kasyosyo sa negosyo e nagpapahanap ng mapagkakatiwalaang driver. Dun kita naisip. Kada sabado at linggo lang naman ang trabaho. 5k kada buwan. Naisip kong mas makakabuti yun sa iyo." Pagpapaliwanag niya.
Medyo nakahinga ako ng maluwag pero parang ayokong tanggapin. Masaya ako sa trabaho ko ngayon at kasundo ko lahat. At sobrang mabait ng mag-asawang Sabihon at diba nga nangako ako na gagantihan ko ang kabaitan nila sa akin.
"Sa darating na Sabado ka na maguumpisa. Bumalik ka na lang dito sa Sabado para makilala mo ang amo mo. Mabait ang magiging amo matagal ng kaibigan ng pamilya namin ang pamilya nila." Sambit ni Mr. Sabihon.
Wala na akong nagawa at tumango na lamang ako. Nagpasalamat na rin ako sa kanya sa pagtulong sa akin. Sinabi naman niya na kung sakaling hindi ko magustuhan ang magiging trabaho ko e malaya akong bumalik dito. Gumaan naman ang pakiramdam ko nang marinig yun pero pinangako ko sa sarili ko na paghuhusayin ko ang trabaho dahil ayoko silang mapahiya. Nagpaalam na ko sa kanya at ganun din sa mga kasamahan ko sa trabaho. Pagkatapos e dumiretso na ako sa apartment dahil pagod na rin ako.
Naligo lang ako ng mabilis dahil nanlalagkit na ako sa pawis. Pagkatapos e nahiga na ako. Ilang sandali lang e may narinig akong tumutunog. Pinakinggan kong maigi at hinanap kung saan ito nagmumula. Nakita kong may nagliliwanag sa may ilalim ng kama. Inabot ko at nakita ko ang isang Cellphone. Teka CP ito ni Sig. Bakit nandito ito? Baka nahulog kagabi. Naupo nga pala sya sa may kama. Hindi ko alam kung sasagutin ko yung tawag dahil ayaw kong makialam ng hindi sa akin. Isa pa, naalala ko kung ano ang naging reaksyon ni Sig nung nakita nyang hawak ko yung wallet nya. Kahit ba sabihin niyang biro lang yun e mahirap na. Tumigil saglit amg pagring ng cp at dun ko nakita na may 38 miss calls na. Naku baka importante ang tawag na yun. Biglang nagring uli yung cp at sa gulat ko e napindot ko yung answer!
PAKTAY.
Inilapit ko yung cp sa tenga ko at hindi ako nagsalita. Pinakinggan ko muna kung sino ang nasa kabilang linya.
"Hello? Hello? Jerico?" Sabi ng nasa kabilang linya.
Nagulat ako nung narinig ko yung pangalan ko. Pero mas nagulat ako nang mabosesan ko yung nasa kabilang linya. Si Sig! Bigla akong natigilan. Well, kung sabagay baka nga naisip nya lang na baka dito nya naiwan yung CP nya. Pero natakot ako baka sabihan na naman akong magnanakaw.
"Sig. Ah. Na-n-naiawan mo CP mo dito. Ipaabot ko na lang bukas kay Grace." Sabi ko.
"Sinadya kong iwan yan jan para macontact kita!" Sagot ni Sig.
Ano daw? Sinadya nya talaga iwan dito? Para contactin ako? Bakit?
"Hoy anjan ka pa ba?" Pagtawag nya sa atensyon ko. Di ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Ah e oo" tipid na sagot ko.
"Buksan mo na lang yung pinto at mabigat tong dala ko." Utos nya sa akin.
Lalo akong nalito. Bakit ko bubuksan yung pinto? Hindi ko alam pero dinala ako ng mga paa ko sa pintuan at pinihit ko ang seradura. Nakita ko nga na nasa labas si Sig at madaming bitbit.
"Tulungan mo kaya ako? Saka talaga bang nakahubo ka lagi kapag nagbubukas ng pinto?" Sambit ni Sig na ikinagulat ko. Oo nga pala, wala akong saplot. Ganun naman kasi talaga ako matulog. Hinablot ko yumg tuwalya at binalot sa katawan ko saka ko kinuha yung iba nyang dalang gamit at sinara ang pinto.
"Whew. Pangarap mo ba mag bold star" tumatawang tanong nya.
"Ha? Hindi! Patulog na kasi ako kaya kuwan" nauutal kong sagot.
"Bakit ka pala nandito?" Pagtatanong ko para mqiba ang topic.
"Bakit ayaw mo ba? Aalis na lang ako." Akmang tatayo na sya mula sa pagkakaupo sa kama. Feel at home na agad ang mokong. May silya naman sa kama pa talaga sya naupo.
"Ha hindi" pagpipigil ko. Hinawakan ko pa sya sa balikat para pigilan yung pagtayo nya. Para akong nakuryente sa paghawak sa kanya. Napaup naman sya sabay tingin sa akin ng nakangisi. Lokoloko tong mokong na to. Inaasahan nya yata talaga na pipigilan ko sya. Napatitig lang ako sa kanya. Ewan ko parang may magnet yung ngiti nya na ang hirap kalasan ng tingin. Naramdaman kong may tumatayo sa akin. Bigla namang nalaglag ang tuwalyang nakatapis sa sakin dahil nagpupumiglas ang ari ko na ngayon ay tayong tayo. Pota ano ba nangyayari. Nakita ko na bigla syang tumigin sa sandata ko pero bakit nakangiti pa rin sya? Sakting nakatapat ang akin sa mukha nya kasi nga nakaupo sya sa kama habang ako naman eh nakatayo sa harap nya. Agad kong dinampot ang tuwalya at tinapis muli. Kumuha na rin ako ng shorts sabay takbo sa banyo para magbihis. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Ano bang nangyayari sa akin.
A/N: sana nagustuhan nyo itong chapter na ito. ^_^ this is more of an adult romance story. So if you are below 18 yrs old. Please ask your parents to read the story with you for guidance. Pero good luck hahaha