Ep 7: Nice meeting you

39 5 0
                                    

"Jerico? Jerico?" Narinig kong may tumatawag sa akin mula sa labas. Pupungas pungas pa ako ng naalala kong may pupuntahan pala kami ni Grace ngayon. Napahaba pala ang tulog ko. Dali-dali kong binuksan ang pinto at nakita ko si Mang Rolly sa pinto.

"Kayo pala Mang Rolly pasok muna kayo." Pagaanyaya ko sa kanya.
"Ah iho baka gusto mo muna magsalawal." Sambit ni Mang Rolly. Takte nakabrief lang pala ako bacon pa!!! Kitang kita ko ang panlalaki ng mga nakatambay na bading sa labas. Sabay sabay pa silang nagtilian. Nakasanayan ko na yung mga yun dahil lagi naman nila akong nginingitian. Mababait naman ang mga mokong pero sadyang mahaharot. "Eeee! Ang laki nga! Tama ang hula ko!" Sigaw nung isa. Dahil nga bacon na ang suot kong brief e medyo wala ng kapit ang garter nito. Kaya naman halos kalahati ng sa akin e nakalabas na.  Napaatras ako at biglang kinuha ang isan short na nakasabit sa likod ng pinto. Pagkasuot e binalikan ko si Mang Rolly.

"Pasensya na po.Tara po sa loob." Pagyaya ko sa kanya.
"Nako dito na lang ako maghihintay sa labas para makapanigarilyo. Bilisan mo na lang magpalit dahil pinasusundo kayo ni ma'am Grace. Nandun na siya sa party kasama ang kanyang Papa." Sambit ni Mang Rolly.

Sa totoo lang parang ayaw kong pumunta. Una sa lahat, ayoko ng mga ganung salo-salo. Yung tipong mga mayayaman ang nandoon, Nakakailang. Wala rin akong maayos na damit na maisusot. Pero ang mabigat kong dahilan e gusto kong umiwas kay Sigfried. Ayoko ng maguluhan pa.

"Ah Mang Rolly, pakisabi na lang kay Grace na hindi ako makakasama ngayon. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko. Magpapahinga na lang ako dahil may pasok pa ako sa construction site bukas ng maaga." Pagdadahilan ko.
"Ganun ba iho? Sige ipapaabot ko na lang kay ma'am. Sigurado naman akong maiintindihan nya yun." Nagpaalam na si Mang Rolly. Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan niya bago ako bumalik sa loob ng apartment. Pero bago ko mailapat ang pinto may humarang dito. Binuksan ko ulit at nakita kong yung mga bading kanina pala ang nandoon.

"Pogi. Pwede ba kaming pumasok dyan?" Sabay hagikgik nilang lahat.
"Hindi!" Pasigaw kong sambit at sinara ko na ang pinto.

Humiga ulit ako pero hindi na ako dalawin ng antok. Totoo namang kailangan kong bumangon ng maaga dahil nagtratrabaho pa rin ako sa construction. Pero kung tutuusin sanay naman akong mapuyat. Siguro mabuti na rin na umiwas ako. Maya maya lang may narinig akong katok sa pinto.

"Sino yan?" Walang sumagot kaya tumayo ako para tingnan kung sino. Pagbukas ng pinto eh nakita ko uli ang mga bading kanina.
"Huy wag ka ng magalit. Eto nga may dala akong banana-q para sayo. Basta pakita mo ulit yung banana mo." Pabungisngis na sabi nung isa. Aba bastos pala tong mga tao. Pantay ang tingin ko sa lahat pero kapag binabastos ako e ibang usapan na yun.
"Tarantado ka gusto mong ituhog ko sa mukha mo yang banana-q na yan!" Sigaw ko.
"Ok lang na tuhugin mo ako basta yung banana mo ang gamitin mo!" Sagot naman nya. Di na ako nakapagpigil at hinanda ko na ang kamao ko para sapakin ang kumag na to. Buti na lang at hinila sya ng isa niyang kasama kaya hindi sya naabot ng suntok ko. Kung nagkataon e basag ang mukha nun.
"Halika na kasi Maui ang landi landi mo masasapak ka talaga nyan." Paalala nung isa.
"Tse. Napakayabng nito! Hindi lang ikaw ang gwapo sa mundo! Napakadamot pa! Kapirasong laman lang ayaw pa ipatikim hindi ko naman uubusin!" Sabi nung Maui. Dinampot ko yung tubo sa may gilid ng pinto at ihahampas ko na sa kanya pero kumaripsa na ito ng takbo.
"Kuwan, pasensya ka na. Barubal talaga yun. Di ko nga alam kung paano ko naging kaibigan yun. Ako nga pala si Bobby, Bea na lang for short." Pagpapaliwanag nung humila kanina kay Maui.
"Isa ka pa! Sabihan mo yang kaibigan mo dahil kapag nakita ko pa uli yan dito sisisguraduhin kong manghihiram sya ng mukha sa aso!" Pasigaw kong sabi sabay pumasok na ako sa loob.

Badtrip yung mga gagong yun. Pero nakabuti rin dahil nawala na sa isip ko si Sigfried. Minabuti ko na lang na maglinis ng apartment at maglaba ng damit ko. Linggo bukas at buong araw ako sa construction malamang wala na akong lakas para maglaba bukas at busy na naman sa school pagpatak ng Lunes.

Natapos na akong maglinis ng bahay sinumulan ko na ang paglalaba. Sinara ko muna ang lahat ng bintana bago ako naghubad, mahirap na baka sumilip bigla yung mga asungot na bading. Lalabahan ko na lahat para isang pagudan lang. May sarili akong banyo sa loob pero sobrang liit nito. Kailangan kong ipatong ang palanggana sa ibabaw ng mismong bowl para makapaglaba. Abala akong nagkukusot ng bigla na naman akong may narinig na katok.
"Sino ba yan?" Sigaw ko pero wala na namang sumagot. Animal talaga tong mga ito at ayaw akong tantanan. Tumayo ako at dirediretso kong binuksan ang pintuan.
"T@ngin@mo ang kulit mo ah o eto sige titigan mo pakasawa ka-" Pagsigaw ko pero bigla akong natgilan.

Trapped (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon