A/N: Commercial muna saglit. Hirap pa kasi akong sundan yung last Chapter. Kaya eto bibigyan ko kayo ng teaser sa isa ko pang ginagawa. ayoko muna ipublish dahil marami pang kailangan ayusin. enjoy!!!
Lagalag (boyxboy) - by Kolokoyboys
"Tuloooooooooooooooooong!"
Nabasag ang katahimikan ng isang napakadilim na gabi dahil sa isang malakas na sigaw. Sigaw ng isang kaawa-awang nilalang. Sigaw na kahit gaano pa kalakas ay wala rin namang halaga. Walang makakarinig kung hindi ang mga punong siyang piping saksi sa malagim na pangyayari ng gabing iyon. Saglit lang ang tinagal ng huling ingay na iyon na agad napalitan ng nakabibinging katahimikan. Kasabay ng malakas na hangin itinangay ito papalayo. Tanging lagaslas lang ng mga dahon ang maririnig. Sa di kalayuan ay may isang pares ng mata ang nakakita ng buong karimarimarim na pangyayari. Isang pares ng mata na walang kakurap-kurap na nakatitig sa pinangyarihan ng krimen. Subalit di naglaon ay bumigay din ito ngunit sa pagmulat ay mabilisang daloy ng luha ang lumabas na animoy dalawang ilog na naguunahan makalabas sa nakahahabag na mga mata ng isang paslit. Ilang saglit pa ay muling nabasag ang katahimikan ng isang mumunting tinig."Inaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!!!"
A/N: So eto na lang muna. Ano sa tingin nyo? Comment comment din pag may time ^_^