Ep. 3: Getting-to-know-me

72 7 1
                                    

A/N: Kamusta ang unang chapters? Let me know what you think, it will help me a lot. Medyo nahirapan ako sa chapter na ito kasi kahit gusto ko mabigyan ng justice yung parte ng buhay na ito ni Jerico. Wish me luck!

Fast forward tayo ng kaunti. 1st yr College.
Madaming nangyari sa nagdaang dalawang taon. Paminsan-minsan sumasagi sa isip ko si Mik-mik pero natatawa na lang ako sa tuwing naalala ko. Siguro nga dahil lang yun sa raging hormones.

"Hoy tulala ka na naman! Nalipasan ka  na naman ba ng gutom?" pagtatanong sa akin ni Grace. Siya ang GF ko ngayon at medyo bago pa lang kami. Sinagot nya ako bago matapos ang 1st sem.
"Ha? Wala naisip ko lang kung saang department ako matotoka ngayong sem." Pagsisinungaling ko. Nakapila kami sa may harap ng EAP (Educational Assistance Program) office. Parehas kaming scholar ni Grace under sa student assistance program ng university. Kung tutuusin, hindi naman talaga kailang ng financial assistance ni Grace dahil galing siya sa isang mayamang pamilya. Siya lang talaga ang may gusto dahil ayaw daw niyang umasa sa mga magulang nya. Isa yun sa mga katangiang nagustuhan ko sa kanya.

Kaklase ko sya at parehong Civil Engineering ang kurso namin. Agad ko siyang napansin unang araw pa lang ng pasukan hindi dahil apat lang silang babae sa klase kung hindi dahil siya lang ang babaeng hindi tumingin nung magpakilala ako sa harapan. Napansin kong nakayuko lang siya at mistulang walang naririnig. Hindi tulad nung tatlo pa naming kaklaseng babae na titig na titig sa akin.

****Flashback****
Unang araw ng klase at hindi pa rin ako makapaniwalang makakatubgtong ako ng kolehiyo. Isang taon din ang hinintay ko dahil hindi ako agad nag college after ng high school graduation ko. Walang balak si Mommy na pagkaaksayahan pa ako ng pera at sa kanya na mismo nanggaling na wala akong mahihita sa kanya. Kaya naman nagsikap ako at kung ano-anong trabah ang pinasok ko. Dahil nga 16 pa lang ako ng grumadweyt e hindi pa ako makahanap ng maayos na trabaho at malabo din naman dahil high school grad palang ako. Naging kargador ako sa palengke, nagtrabaho talyer at yung huli e namasukan akong construction worker. Dito ko nakilala ang mag-aswang sina Mr. and Mrs. Sabihon. Mabait sila sa akin dahil masipag daw ako at may pangarap sa buhay. Sila ang tumulong sa akin para makapag-enroll ako ngayon dahil hindi pa ako pwedeng mag scholar dahil kailangan munang makita ng school na ayos ang grades ko. Sila rin ang dahilan kung bakit Civil Engineering ang napili kong kurso. Pinangako ko sa sarili ko na gagantihan ko ang kabaitan nila sa akin.

Pagpasok ko pa lang sa gate ng university e manghang mangha talaga ako. Pangalawang beses ko na itong nakita pero talagang na-aamaze pa rin ako. Magaganda ang disenyo ng bawat building at napapaligiran ang buong campus ng maraming puno. Pakiramdam ko e nasa ibang bansa ako. Halatang mayayaman ang mga nagaaral dito dahil na rin sa dami ng kotseng nakita ko sa parking.

Tiningnan ko ang orasang nakasabit sa isa sa mga building na nakita ko at maaga pa naman pala. Alas-otso pa ang unang klase ko at 7:15 pa lang. Malapit lang naman ang building ng College of Engineering kaya napagpasyahan kong maglibot-libot ng kaunti. Maraming kubo sa paligid na sya namang kinatuwa ko dahil marami pala akong pwedeng pagtambayan para makapag-aral. Naisipan kong maupo sa isa sa mga kubo para makapagpahing kahit saglit.

Kinuha ko sa bag ko ang listahan ng subjects ko para i-double check ko kung ano ba ang mga papasukan kong klase ngayon. Nilapag ko ito sa lamesa at binuksan ko muli ang bag ko para naman ihanda na ang notebook na gagamitin ko. Bigla naman lumakas ang hangin at nilipad ang papel kung saan nakalista ang mga subjects ko. Sinundan ko ng tingin para alam ko kung saan pupulutin ng mapansin ko nilipad to papunta sa katabing kubo. Kamalas-malasan naman at sa mukha ng isang babaeng estudyante naglanding yung papel. Nakita kong nakasimangot yung babae ng kinuha nya yung papel at tiningnan ang nakasulat dito. Lumingon-lingon sya na para bang hinahanap kung saan nagmula yung papel.

PAKTAY KANG BATA KA. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba sya kasi mukhang kaya nya akong lamunin ng buo! Nilakasan ko na ang loob ko dahil kailangan ko talaga yung papel na yun at kasalanan ko rin naman talaga.

"Miss. Pasensya na akin yang papel na hawak mo. Sorry." Pautal-utal kong bigkas. Tiningnan nya lang ako ng masama sabay nilukot ang binato sakin yung papel. Tumayo sya at nakatingin pa rin sakin na salubong ang kila sabay umismid at umalis na.

"Ang ganda mo sana kaso ang sungit mo!" Pabulong kong sambit. Nakow sana hindi nya narinig. Napalakas ata ang pagkasabi ko. Mukha namang di nya narinig dahil tuloy-tuloy lang sya naglakad palayo.

"Whew. Makapasok na nga sa klase at baka kug ano pang kamasalan ang abutin ko." Naglakad na ko patungo sa building ng College of Engineering at hinanap ang room ng unag kong subject.

"Room 101, 103, 105...."

SPLASH!!!

Hindi ko napansin na may pasalubong pala na estudyanteng may hawak na Starbucks.

"WTF! dude! Are you blind? Geez you almost ruined my shirt!" Galit na sigaw nung lalakeng nakabangga ko. Ganito ba lahat ng tao dito? Hindi ba pwedeng di lang napansin? Blind agad?

"Nako tol, patawad. Di ko talaga napansin. Nakatingin kasi ako sa mga room numbers." Pagpapaumanhin ko. Kung tutuusin parehas kaming may kasalanan kasi hindi niya rin ako mababangga kung nakatingin din sya sa daan. At isa pa, sa akin nabuhos yung kape at hindi sa kanya. Buti na lang at iced coffee dahil kung nagkataong hot coffee e malamang lapnos ang dibdib ko. Pinili ko na lang mag-sorry para matapos na ang usapan.

"Whatever!" Sambit nung mokong at naglakas na palayo.

"Hays. Umpisa pa lang ng araw puro kamalasan na. Syet 5 mins na lang pala at maguumpisa na ang klase." Para akong baliw na nataranta sa paghanap ng C.R. Buti naman at may isang malapit at dali-dali akong pumasok sa isa sa mga cubicle. Hinalungkat ko ang bag ko at chineck ko kung ma extra t-shirt akong dala. Kasamaang palad isang white sando lang ang dala ko. Minabuti ko ng suotin ito kesa naman pumasok ako sa klase na nakahubad o di kayay amoy kape. Sinubukan ko pang banlawan ang t-shirt ko at patuyuin sa hand dryer pero kakapusin ako sa oras at magsisimula na ang unang subject ko. 

"Bahala na si Batman".

...to be continued

Trapped (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon