"Woah?! WTF bro! Have you gone mad? Akala ko may sakit ka lang pero parang baliw ka na ata!" Sabi ni Sigfried.
Hindi ako nakasagot at nakatingin lang ako sa kanya. Ni hindi ko nakuhang takpan ang ano ko. Para akong estatwa ni Machete na napako ang paa sa sahig. Totoo bang si Sigfried ang nasa harap ko? Bakit sya nandito? Pano nya nalaman kung saan ako nakatira? Ang daming tanong sa utak ko nung mga panahon na yon.
"Hoy! Wake up man! And please close the door!" sabi ni Sigfried. Sinunod ko ang sabi nya at isinara ko ang pinto.
Biglang may kumatok na naman.
"Jerico! Isara mo yung pinto matapos mo akong papasukin!" Sigaw ni Sigfried na nasa labas pa rin pala.
Binuksan ko uli at dirediretso sya sa loob at sya na ang nagsara ng pinto.
"Sabi mo isara ang pinto ginaw ko naman ah!" Sambit ko. Nakita ko na tumatawa sya pero bigla siyang huminto. Napansin kong nakatingin sya sa may bandang ibabang parte ko at dun ko naalala na nakahubo pa rin pala ako.
Mabilisan kong sinuot yung isang shorts na kasasampay ko pa lang kaya basang basa pa ito. Ok na ito kesa makita nyang nakahubad ako at nakatayo ang ari ko. Ha? Bakit nga ito nakatayo?"Tsong bakit matigas yan? May ginagawa ka ba bago ako dumating? Yari ka kay Grace!" Pangaalaska nya.
"Ulol. Hindi ah!" Mabilis kong sagot.
"O e bakit kung ganun? Teka, naturn-on ka ba sa akin?" Sabay tingin nya sa akin na kakaiba.
"Sira ba ulo mo? Basa yung shorts nalamigan lang ang akin natural yun!" Depensa ko.
"Saka bakit ako titigasan sayo babae ka ba!" dagdag ko."Chill. Binibiro ka lang. At kahit naman may ginagawa ka dito I dont care. As long as sariling sikap ka lang at hindi sa ibang babae mo ginagawa. Dahil kung hindi yari ka talaga sa akin! At tiyak na malalaman ni Grace yun." Sagot niya sa akin.
"Teka bakit ka ba nandito? Saka paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Pagtatanong ko para mapalitan na ang usapan. Pasimple akong naupo sa gilid ng kama at kinuha ang unan para matakpan ang nakabukol sa shorts ko. Di bale ng mabasa kesa naman mapahiya ako.
"Well, nakiusap sa akin si Grace na tingnan nga kung may sakit ka. Hindi na kasi sya pinayagan ng Papa nya na umalis dahil gabi na. Sabi rin nya na pahiramin kita ng damit dahil baka yun ang tunay na dahilan kung bakit hindi ka pumunta sa party ko. Kaya eto dinalhan kita ng masusuot. Kumpleto yan at hindi ko pa nagagamit. Saka sayo na yan di mo na kailangang isauli" Pagpapaliwanag niya.
Bigla akong namula dahil nakakahiya. Hindi naman talaga ako nahihiya sa sitwasyon ko, e ano kung wala akong magagarang damit. Sanay naman ako. Pero bakit nahihiya ako kay Sigfried. Sa isang banda e medyo kinilig ako dahil kilalang kilala ako ni Grace. Kakaiba talaga sya.
"Hoy bakit tulala ka pa rin diyan. Magbihis ka na mukha namang wala kang sakit!" utos ni Sigfried.
"Naku Kuya pasensya na di ko po matatanggap yan. Wala akong lagnat pero masama lang talaga pakiramdam ko. Pakisabi na lang po kay Grace na sorry kund di ako nakapunta." Sagot ko sa kanya.
"Wag mo nga akong kinukuya kuya pinagmumukha mo kong matanda. Kung magkaklase kayo ni Grace malamang 17 yrs old ka na so 6 years lang agwat natin." sabi ni Sigfried.
"Ahm mag 19 na po ako sa January. Huminto po kasi akong isang taon bago nag college." pagklaklaro ko.
"O edi apat na taon lang pala agwat natin. At isang buwan na lang e January na. Kaya pala medyo defined na ang katawan mo kumpara sa ibang college freshmen." sambit ni Sigfried.Medyo nagulat ako kasi napansin nya ang katawan ko. Kungsabagay e hubot hubad naman ako kanina kaya imposibleng di niya makita yun.
"O ano magbihis ka na." Utos nyang muli.
"Kuya s-sor, este, Sigfried sorry talaga pero mas gusto kong dito na lang sa bahay. Sa susunod na lang siguro." Ayoko na talagang pumunta dun. Baka mahalata lang ni Grace na natutuliro ako kapag malapit yung kinakapatid nya.
"Well, ikaw ang bahala. Dito na lang din ako. Samahan na lang kita tutal bored na ako dun. Saka Sig na lang itawag mo sa akin." Sabi niya. Umupo na rin sya sa may tabi ko. Palingon lingon at tinitingan ang buong kwarto.
"Baka hanapin ka nila dun. Diba party yun para sa iyo. Saka si Grace baka magalala lang lalo yun," Sagot ko. Di ko alam ang nararamdaman ko. Parang pinagsisihan ko ang sinabi ko dahil baka nga umalis na sya. Gusto ko na nandito sya na ayaw ko na ewan. Hays ano ba ito.
"Itext mo na lang sya. Sabihin mo dumaan ako dito tapos umalis din. Tapos. Di na ako hahanapin nun." Sagot nya na patingin tingin pa rin sa paligid. Wala naman syang makikita kundi pader at maliit lang ang apartment ko."Kasi kwan, Ku- este Sig, wala akong CP." bakit ko ba sinabi yun. Totoo na wala akong CP pero parang pumayag na rin ako sa gusto nya na dumito muna sya. Nakita ko na tumingin sya sa akin na bahagyang nakangiti tapos biglang parang may iniisip tapos ngumiti ulit. Baliw ata ang isang ito. Bigla nyang kinuha sa bulsa nya ang CP nya, nagtype at ng matapos e humarap sa akin.
"Ayan. Tinext ko na si Grace. Sabi ko galing na ako dito at nakausap na kita. Sabi ko mukhang ok ka naman pero mukhang kailangan mo magpahinga. Nagtext na rin ako sa Papa ko na may dadaanan lang akong kaibigan. Happy?"
Tanong nya sa kin. Bakit ako magiging happy? Sya naman ang may gusto nito hindi ako. Pero bakit nga parang nakakaramdam ako ng saya. Ewan."Kaya pala hindi mo ako tinext." Biglang sabi ni Sig. Naguluhan ako sa tanong nya na yun?
"Ako ba ang kausap mo?" tanong ko.
"Bakit may iba ba tayong kasama dito?" sarkastikong tanong nya. Loko-loko talagang isang to.
"Ha? Wala. Ang ibig kong sabihin bakit kita itetext? Una sa lahat wala akong CP, pangalawa hindi ko alam ang number mo. Pangatlo wala naman akong dahilan para itext ka.""Yung binigay ko sayong pera kanina. Binasa mo ba ang nakasulat dun?" tanong nya sa akin.
"Hindi ko naman tinanggap yun ha!" sambit ko.
"Tignan mo yung bulsa ng pantalon mo." Utos nya. Sinunod ko naman ang sinabi nya at hinanap yung pantalon na suot ko kanina sa school. Takte nakababad na nga pala yun. Pumuta ako sa banyo at kinapa ang bulsa nung pantalon. May nakapa ako at ng dinukot ko andun nga isanglibo. May nakasulat pero medyo nagfade na dahil nabasa.
HI! C te! I wa t fr ds w h y ! Text m - S g riedBurado ba yung iba kaya hindi ko maintindihan ang nakasulat. Paglabas ko ng banyo nakita kong nakatayo a si Sig at nasa may pinto na.
"Kailangan ko na palang umalis. I remember I have to do something important. Good night bro!" sambit nya at umalis na sya.
Ang labo ng taong to. Kanina na lang gusto nya tumambay dito tas ngayon bigla na lang umalis. Tapos may pasulat sulat pa sa pera. At bakit daw di ko siya tinext. Bakit ko naman siya itetext? Takte umiikot na ulo sa kakaisip ng kung ano ano. Itutulog ko na nga lang ito.A/N: Guys wala ba kayong maicocomment dyan? Please please comment ^_^