"Tara samahan na kita. Kilala ko sila." Yun na lang ang sinabi ko para matapos na ang usapan namin.
"Ate Judith? May naghahanap po sa inyo." Pagsigaw ko sa may bintana nila. "Sino yan?" sagot ni Ate Judith. "Si Jerico po." Sigaw kong pabalik. "Ay teka, naglalaba kasi ako. Sino daw naghahanap?" Doon na binukasan ni Ate Judith ang pinto. At ng masinagan ng ilaw mula sa sala nakita nya na ang kasama ko. "Mik-mik!!! Kamusta na?! Hala pasok. Ikaw din Jerico tara pumasok ka muna." Ah, yun pala ang pangalan nya. Nalimutan ko din tanungin kanina dahil nga para akong nawala sa ulirat. "Naku hindi na po baka hinahanap na ako sa amin ayaw ko ng mapalo." Sy*t. Nalimutan ko hindi lang pala si Ate Judith ang kausap ko. Nandun nga pala si Mik-mik nakakahiya. "Huh? Sa tanda mong yang pinapalo ka pa? Bakit sing tigas ba ng bato ang ulo?" Paguusisa ni Mik-mik. Hindi ako nakasagot at yumuko na lang ako at nag-paalam na uuwi na. Tumalikod na ko ng bigla akong hawakan sa balikat ni Mik-mik. Para akong nakuryente na ewan na may halong sakit??? Kaya medyo napasigaw ako ng konti. "Aray!" sigaw ko. Medyo napaatras naman ng kaunti si Mik-mik at lumapit naman si Ate Judith. "Bakit may dugo yang sando mo?" Sabi niya. Oo nga pala, nasugatan ako kanina. Nalimutan ko na mula nung nakausap ko si Manila boy. Ha? Ano ba tong nangyayari sa akin? "Hala! Wala akong ginawa diyan! Hinawakan ko lang balikat nya!" Takot na takot na sabi ni Mik-mik. Parang adik lang, nakakatawa yung reaksyon nya. Parang kung gaano kabilis bumalik yung sakit ng sugat ko e ganun din kabilis nawala nung makita ko yung mukha nya. Para kasing ewan yung reaksyon nya. "Ano ba nangyari sa iyo? Halika dito nang makita ko. Nanay mo na naman ba may gawa nyan?" Pagtatanong ni Ate Judith. Hindi na ako sumagot at hinayaan ko na lang na dalhin nya ako sa sala. Siguro dahil sa lungkot dahil naalala ko yung nangyari kanina sa bahay. Pero mukhang lamang yung hiya dahil may ibang tao.
"Nako kelangan tahiin ito at medyo malalim, Mik-mik paki-kuha nga nung stainless na palanggana dyan sa may likod mo." Utos ni ate Judith. Sumunod naman si Manila boy pero bakas sa mukha nya ang pagkabalisa. Inabot nya ang palanggana pero napansin kong hindi sya makatingin sa akin. Naupo sya sa may isang sulok habang tinatahi ni Ate Judith ang sugat ko. Isa syang nurse at buti na lang at day off nya ngayon. Matapos tahiin e tumayo si Ate Judith at lumapit kay Mik-mik. Ilang sandal lang ang may kinuha si Mik-mik sa bag nya at inabot sa akin ang isang sando. "Uhm, Jerico, eto hiramin mo muna para makapagpalit ka. Kahit wag mo na isoli ayos lang. Pasensya na hindi ko alam na..." Bigla syang natigil at lumingon palayo. Siguro nahiya sya kanina dahil inalaska nya ako. Hindi ko naman sya masisi dahil hindi naman nya talaga ako kilala at medyo kakaiba ang sitwasyon naming ng Mommy ko. "Ha, ayos lang yun. Alam ko namang biro lang yun. Saka sa kabila lang ang bahay naming dun na lang ako magpapalit." Sagot ko sa kanya dahil alam medyo awkward na siya. "Kunin mo nay an Jerico dahil baka maimpeksyon pa yang sugat mo kung isusuot mo uli yung sando mo kanina." Pagsingit ni Ate Judith. Hindi na ako nagsalita at nagbihis na nga ako. Alam ni Ate Judith na iisa lang ang sando ko na ngayon ay sira na. May isang t-shirt pa rin naman ako kalalaba ko lang nun kanina. Nagpasalamat na ako at umuwi.
Pagdating ko sa bahay nakitang kong nanood ng TV ang kapatid kong si Martin. "Maghugas ka na daw ng plato." Sambit nito na hindi man lang tumingin sa akin. Mabuti naman at wala sa sala si Mommy malamang ay natulog na kaya nakahinga na ako ng maluwag. Pagkatapos ko maghugas at maglinis e dumiretso na ako sa higaan. Wala akong kwarto, meron lang maliit na espasyo sa ilallim ng hagdan kung saan nakalagay ang folding bed ko. Maliit lang ang bahay naming. May dalawang kwarto sa itaas. Ang isa ay kay Mommy pero dun din natutulog ang bunso. Ang isa naman ay kay Martin at sa isa ko pang kapatid. Paghiga ko nagmuni-muni ako sa mga pangyayari nung araw na yun. Inaamin ko na nahihirapan na ako sa sitwasyon ko pero ano ba ang magagawa ko. Wala naman akong ibang mapupuntahan. Nung gabing yun sinabi ko sa sarili ko na makatungtong lang ako sa edad na dise-otso maghahanap na agad ako ng trabaho. Kadalasan e wala akong damit na pangitaas kapag natutulog dahil nilalabhan ko agad para may maisuot kinabukasan. Nung hinubad ko na ang suot kong sando dun ko naalala na hindi pala akin ang suot ko. Ewan ko ba at anong sumapi sa akin at inamoy ko ito at bigla kong naalala si Mik-mik. Pumasok sa utak ko yung mukha nya at di ko napigilang mapangiti. Hays ano ba ang nangyayari sa akin. Nagkakacrush ba ako sa kanya? Pota hindi pwede to. Itinulog ko na lang dahil bukas ay Sabado at ibig sabihin ay general cleaning day.
Dalawang lingo ring namalagi si Mik-mik kina ate Judith. Nagbakasyon lang ito at pagkatapos ay bumalik na rin ng Maynila. Araw-araw kaming nagkwekwentuhan ni Mik-mik at kung wala si Mommy e nakakatakas ako para makipaglaro ng basketball. Masya syang kasama at sadyang palabiro. Hindi na naming pinagusapan ang nangyari nung una nya akong nakilala siguro dahil na rin sa hiya nya. Pilit ko ding kinalimutan yung kahibangan na naramdaman ko sa kanya at kinumbinsi ko ang sarili ko na wala lang ibig sabihin yun. Hindi ko na sya muli nakita dahil pagkalipas ng ilang buwan e lumipat na rin ng ibang bahay sila Ate Judith. Sobrang lungkot ko nun dahil ilan lang ang taong talagang nagmamalasakit sa akin. Alam ko na kahit si Ate Judith e nahirapan din dahil parang anak na rin ang turing nya sa akin. Kaya lang kailangan nilang lumipat dahil na-assign sa Bulacan ang asawa nya. Pero may sumagi sa isip ko na mas lalong nagpalungkot sa akin. Ibig sabihin kasi nito hindi ko na rin makikita si Mik-mik.
...to be continued