Ep 2: Sino nga ba?

120 8 0
                                    

A/N: Medyo napahaba ang chapter na to. Mahalaga kasing event to sa buhay ni Jerico kaya pinili kong maging detalyado. This is inspired by a true-to-life story. And no, this is not my story. But I know this person really well and I asked him if I can write a story abouthis life because I find it really inspiring. Sana nagustuhan nyo. Please comment, kahit hindi na vote. Mas importante sa akin malaman ang nasa isip nyo. BTW, kung meron diyan na magaling na artist para sa cover ng story and chapters messgae lang kayo

Recap:
3rd year High School – I had my first boy crush??? – to be continued

Sa totoo lang gulong-gulo ako noon. May bagong lipat sa tabi ng apartment naming. Mag-asawa na may isang 2-yr old son. Mabait silang pamilya at kadalasan inaalok nila ako ng meryenda. (Patay gutom lang ^_^). Di nagtagal napansin na rin na kakaiba ang trato sa akin ng Mommy ko dahil kahit 3rd yr na ako e binubugbog pa din ako.

Nung panahon na yun nang makuha ko ang mahabang tahi sa likod ko. Alas-syete nun nang makauwi ng bahay si Mommy galing sa trabaho at halatang bad trip sya. Nagising lang ako dahil sa pagbalagbag ng bagsak ng pinto. Agad kong naalala na hindi pa pala ako nakakapagsaing at nakakapagluto!

PAKTAY KANG BATA KA!

Sobrang sama kasi ng pakiramdam ko nun kaya di ko namalayang nakatulog na pala ako sa sala. Dali-dali akong bumangon at dumiretso sa kusina para kunin ang kaldero. Di ko alam ano ang uunahin ko tarantang-taranta ako. Sinaing ko muna yung kanin habang sinumulan ko ng mag hiwa ng sibuyas at bawang. Magluluto na lang ako ng corned beef para mabilis. Pagkatapos kong mahiwa ang sibuyas at bawang binuksan ko na ung lata pero iniwan ko muna dahil kumukulo na yung sinaning ko. Pinuntahan ko muna para hinaan yung apoy.

Nun ko narining sumigaw si Mommy.
“L*che ka talagang bata ka! Pagluluto na lang ng hapunan hindi mo pa magawa! Parehong-pareho kayo ng ama mong wal@nghiya!”

Dinampot nya yung lata ng corned beef at ibinato sa akin. Ganun talaga si Mommy, kung ano ang maidampot kaya nyang itransform na maging deadly weapon! Buti na lang at nakaiwas ako kung hindi sakto sa mukha ang tama. Yun nga lang dahil tumalikod ako dun ako tinamaan. May laman pa ung lata kaya solid ang pagtama sa akin. Medyo malalim at ramdam ko ang pagkapunit ng balat ko dahil parang kumapit pa ito sa balat ko bago tuluyang nalaglag sa sahig. Sobrang sakit pero tiniis ko. Nagbukas ako ng bagong lata at niluto. Matapos kong maghain nagpaalam ako na ilalabas ko lang ang basura dahil nga may lata at baka makasugat ng bata dahil may pagkamakulit ang bunso namin.

Wala naman imik si Mama at kinuha ang plato nya sabay pumasok na sa kwarto at dun na kakain. Paglabas ko, itinapon ko na ang basura sa may bakanteng lote sa tabi ng apartment. Nung pabalik na ako may biglang lumapit sa akin.

Madilim kaya di ko gaanong makita ang mukha. Nagsalita sya at ng marinig kong boses binata e nawala ang kaba ko. May kumakalat kasing balita na may matanda raw na namumugot ng ulo sa kabilang baranggay.

“Pre, pwede ba magtanong? Hinahanap ko kasi yung 3-sisters apartment. Alam m ba kung saan yun? Dito kasi ako ibinaba nung tricycle at magtanong-tanong na lang daw ako?” Halata na hindi taga rito ito.

Kahit di ko makita ang mukha nya alam kong taga-Maynila ito. “Ah, oo. Doon ako nakatira. Ayan lang yun o yung kulay kalawang na gate.” Sagot ko. “Ah, thank you Pre! Baka kilala mo sina Judith at Raymond, pamangkin nila ako.” Paglalahad nya.

Tiningnan ko muna sya ng ilang segundo, medyo lumapit sya kaya naman nakita ko na ang mukha nya dahil saktong nasa ilalim na sya ng poste ng ilaw.

Siguro napansin nyang nagdududa ako kaya pumunta sya sa maliwanag na parte ng kalsada. Tinitigan ko sya at naghahanap ng pagkakahalintulad kina ate Judith at kuya Raymond. Bigla siyang ngumiti na sya namang kinagulat ko. Ewan ko ba parang natanga lang ako.

“Hoy! Baka matunaw ako nyan!” Pabiro nyang sabi.

Taena ang yabang nito a. “Ugok, sinisiguro ko lang malay ko ba kung magnanakaw ka!” Pagalit kong sabi na sya naman talagang nasa isip ko. “Haha. May magnanakaw bang magtatanong pa? Di ba dapat nga walang makakilala?” At patawa-tawa pa rin sya. Oo nga naman pero teka kups to ah. Pero di ko maintindihan bakit napangiti ako. Parang ang sarap nyang tumawa? Tae ano ba to.

...to be continued

Trapped (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon