"Good afternoon po Ms. Abreza" Pagbati ni Grace sa secretary ng Dean of Graduate School of Business. Dito ako naassign ngayong semester bilang student assistant.
"Good afternoon din Grace. Hinahanap mo ba si Jerico?" Nakangiting sabi ni Ms. Abreza
"Opo. Manananghalian sana kami. Sabi niya kasi dadaanan nya ako sa Registrar's office ng alas dose kaso 12:30 na po wala pa rin sya." Sagot naman ni Grace.
"Naku, talaga yang bata nay an. Andun sya sa may conference room siguro nagaayos pa ng mga ginamit kanina nung mga estudyante. Sinabi ko na nga sa kanya na mag-break muna sya pero ayaw paawat. Napakasipag talaga niyong nobyo mo." #1 fan naming itong si Ms. Abreza. Ewan ko ba at tuwang-tuwa sya sa aming dalawa ni Grace.
"Ah ganun po ba. Kilala nyo naman yang si Jerico matigas talaga ulo. Puntahan ko na lang po siya dun. Thank you po." Pagpapaalam ni Grace.
PAKTAY KANG BATA KA. 12:30 na pala. Nangako ako kay Grace na na sabay kaming manananghalian. Dali-dali kong tinapos ang pagaayos ng mga upuan ng mapansin akong wallet sa isa sa mga upuan. Binuksan ko ito para Makita kung may ID at ng maisoli ko sa may-ari.
"Sigfried Atienza...23 years old...Mabalacat, Pampanga" Yun ang nakita ko sa driver's license nya.
"Hoy! Magnanakaw!" Bigla akong napabalikwas at nakita ko kung saan nagmula ang sigaw nay un. Siya yung lalaki sa driver's license.
"Akin yan! Bakit nasa iyo yan! Ibalik mo na ang kinuha mo diyan!" Tuloy-tuloy na pagsigaw nito habang papalapit sa akin.
"Ha? Wala po akong kinuha. Tiningnan ko lang kung may ID para maisoli ko. Eto na po ang wallet nyo." Ewan ko ba bakit ako nanginginig eh wala naman talaga akong kinuha. Ang yabang ng gagong to kung makapaghusga wagas. Mabilis kong inabot sa kanya ang wallet at nagmamadali akong naglakad para makalabas na ng room. Bigla kong naramdaman na may humawak ng mahigpit sa kaliwang braso ko. Para akong nakuryente. Siguro dahil lang sa static carpeted kasi ang conference room.
"Sandali lang. Wag kang umalis. Titingnan ko muna alam nito para makasiguro ako." Sambit nito.
Aba sira pala talaga ulo nitong animal na to. Kung wala lang kami sa university baka kanina ko pa nasapak ito. Ayoko lang mawalan ako ng scholarship. Pagkalipas ng ilang saglit nagsalita muli ito.
"OK. Andito lahat." Sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag. Kahit naman wala talaga ako kinuha pwedeng pwede nyang sabihing may nawala. Pagnagkataon malalagay pa rin sa peligro ang scholarship ko.
"Sige. Alalis na po ako." Sagot ko sa kanya na hindi ko sya tintingnan. Pinipilit kong itago ang inis sa boses ko. Akmang hahakbang na uli ako ng bigla nya ako uling hawakan sa braso. Sa pagkakataon ito tiningnan ko sya para Makita nyang naiinis na talaga ako. Pero nakita ko syang pagkalaki-laki ng ngiti. Naguluhan ako sa mokong parang may sapi lang. Dun ko napansin na ang kinis pala ng mukha nya. Mukhang anak mayaman. Medyo may pagkapangahan ang mukha na tipong kagaya ng mga model ng Lee at Levis. Maganda rin ang mga mata nito at makapal ang kilay pero hindi sabog. Ang pinakanakapukaw ng atensiyon ko e yung mga labi nyang pagkapula. Napakanipis ng mga labi nya at mamasa-masa. Pansin din ang mga dimple nya na syang nagbabalanse sa medyo strong facial features nya.
"Hoy! Ayos ka lang ba? Eto tanggapin mo bilang thank you sa paghanap ng wallet ko." Nakatawang sabi nya. "Alam ko naming hindi ka magnanakaw, ginu-good time lang kita. Saka may CCTV dito at madali lang makakuha ng kopya ng recording nun." Dagdag pa nito habang pilit na nilalagay sa kamay ko ang isang P1000 bill.
Hindi ako makagalaw at makapagsalita. Ewan ko ba kung dahil ba to sa pagkalito sa sinasabi nya na kanina e parang halimaw ngayong naman parang anghel na pagkagwapo. Teka ano ba yung iniisip ko. Takte. Kay Mik-mik lang ako nakaramdam ng ganito dati at kinumbinsi ko sa sarili ko na siguro dala lang din yun ng kabaitan nya. Pero ang isang to, kanina lang pinagbibintangan akong magnanakaw tapos ngayon ang tingin ko sa kanya e gwapong anghel? Ano ba nangyayari sakin.
"Kuya Sig?" Si Grace ang nagsabi nun habang palipat-lipat ang tingin nya sa aming dalawa.
"Bakit hawak mo si Jerico?" Halatang nalilito siya sa nakikita niya. Pero ako ang mas nalilito. Magkakilala sila? Kuya? E ang sa pagkakaalam ko e nag-iisang anak lang si Grace. Nun pa lang ako binitawan ng mokong at humarap siya kay Grace.
"Hmm. Jerico pala pangalan ng magnanakaw na ito" Nakangising sabi ni Sigfried.
"Hindi ako magnanakaw!"
"Hindi siya magnanakaw!"
Sabay na sigaw naming ni Grace. Sabay hagalpak naman tawa ni Sigfried.
"Chill! Ano ba kayo? Napakaseryoso niyo! Napagkatuwaan ko lang itong si Jerico, Naiwan ko kasi yung wallet ko ditto kaya binalikan ko. Nakita kong hawak na ni Jerico kaya nakahinga na ako ng maluwag pero naisipan kong pagtripan muna. Haha!" Tuloy pa rin sya sa pagtawa.
"Hindi nakakatuwa!" Sabay na sagot uli naming ni Grace. Iisa ata takbo ng utak naming.
"Wow! Same brain waves? Kambal ba kayo?" Sabay tawa uli ni Sigfried.
"Boyfriend ko sya! At alam mo namang wala akong kapatid!" Paismid na sagot ni Grace. So hindi nga nya ito kapatid. E ano pinsan niya?
"Ikaw yung SA dito diba? Lagi kitang nakikita pero napakasuplado mo. Lagi ka lang andun sa may tabi ng pinto kapag may presentations kami dito." Paglalahad ni Sigfried na parang binalewala lang ang sagot ni Grace. So matagal nap ala nya ako nakikita pero ang pinagtataka ko e paano niya ako napansin? Kadalasan sa mga nag-mamaster's dito e mga walang pakialam. Sasagot san ako ng narinig kong nagsalita uli si Grace.
"Nag-aaral ka din dito?" Pag-uusisa ni Grace
"Yup. This sem lang ako nag-start. Nasabi na rin sakin ni Papa na baka nga makita kita rito. Pero dahil nga puro Saturday classes lang ako kaya hindi tayo nagkikita." Sagot naman ni Sigfried.
"Kilala mo sya?" Tanong k okay Grace.
"Ay sorry. Kuya Sig meet Jerico may boyfriend, Jerico this is Kuya Sig. Ninong ko ang daddy nya na business partner ni Papa. Parang Kuya ko na rin yan kasi dati it's either sa bahay nila or naming sila Papa nag me-meeting. Pero teka Kuya Sig, alam ko nasa states ka kelan ka pa bumalik?" ani ni Grace.
"Actually nitong November lang ako bumalik kasi request ni Papa. Kailangan daw ako dito dahil nageexpand ang business kaya umuwi ako." Sagot ni Sig. Tumingin muli sya sakin sabay ngumiting parang kabayo. Napipi tuloy uli ako ang gwapong kabayo naman kasi ng ngumiti sa akin. Ano ba tong pinaiisip ko. Takte talaga. Feeling ko nagblulush ako buti na lang medyo madilim sa conference room sana hindi nila mapansin.
"Bro, sorry kanina. I was just trying to have a good time. Bawi na lang ako, lunch tayong tatlo my treat!" pag-anyaya niya sa amin. Ewan ko ba kung bakit naexcite ako sasagot na sana ako ng oo nang narining kong si Grace na ang sumagot.
"Nako Kuya Sig hanggang ngayon maloko ka pa rin. Sorry pero ilang minutes na lang ang natitira sa lunch break namin so next time na lang." sabi ni Grace. Bigla akong nalungkot na hindi ko alam kung bakit.
"OK, no worries. Tonight na lang pala! We'll have a dinner party tonight at our house. Welcome back party ba. I know sinabihan na ni Papa ang father mo Grace." Sambit ni Sig.
"Oh so that's what the party is for. Sige Kuya we'll be there. Mauna na kami, see you tomorrow!" Pagpapaalam ni Grace. Kakaiba ang pangyayari ngayong araw na ito. Hindi ko maintindihan kung ano ang mga pumasok sa isip ko kanina.
Sabay na rin kami ni Grace umuwi. May sarili siyang driver at binaba nya ako sa may kanto malapit kung saan ako nakatira.
"Magpahinga ka na tapos ipapasundo na lang kita mamayang 7PM." Humalik sya sa pisngi ko at nagpaalam na rin ako. Pagdating sa apartment ko, dirediretso na ako sa kama at humiga.
Well wala naman talagang laman ang apartment ko maliban sa kama, isang maliit na lamesa, dalawang bangko at isang Orocan na cabinet. Kung tutuusin isang napakaliit na kwarto lang nito pero payapa ako dito. Mula ng nakapagtrabaho ako umalis na ako sa amin at nangupahan. 1500 kada bwan ang bayad ko dito kasama na ang ilaw at tubig. Isang bumbilya at ceiling fan lang naman ang gamit kong di kuryente.
Hinubad ko na ang suot kong damit at humilata sa kama. Bigla na lang pumasok sa isip ko ang mukha ni Sigfried. Pilit kong pinikit ang mga mata ko para maalis sya sa isipan ko. Di ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko.