Ep 10: What is your deepest, darkest secret?

62 5 3
                                    

Paglabas ko ng banyo eh nakangiti pa rin ang mokong. Ako naman e oarang kamatis na pulang pula.

"Ang laki pala talaga nyang iyo. Di ko gaano nakita nung nakaraan. Haha!" Tumatawa oa rin nyang sabi.

"Ugok! Tumigil ka na nga! Bakit nga namdito ka? At ano yang mga dala mo?" Sagot ko na pijipilit ibahin ang usapan. Iniisip ko yung sinabi nya. So tinitigan nya talaga. Sabagay e tumambad naman talaga kasi sa harap nya.

"Wala naman. Gusto lang kita nakilala. Parang kapatid ko na si Grace kaya ayaw kong masaktan sya. Paano kung lokoloko ka pala." Sagot nya.

Wow. Ako pa ang lokoloko esya nga itong magulo. Hindi na lang ako sumagot at pinagmasdan ko na lang ang ginagawa nya. Nilalabas nya mula sa plastic yung mga dala nya.

"Binilhan kita ng kurtina, kumot at punda. May binili rin akong wall clock at mga pinggan. Ay yung air cooler nasa likod ng sasakyan. Napansin ko kasi na walang pwedeng pagbutasan sa dingding mo na pwede pagkabitan ng aircon." Lahad niya habang abalang nilalabas lahat ng pinamili nya.

Eto ba yung dahilan kung bakit sya patingin tingin sa buong apartment ko kagabi? Bakit niya ito ginagawa? Anong topak ba meron ang isang to?

"Naku Sig. Wala akong pambayad sa mga yan. Saka hindi ko naman kailangan yan." Inis na sagot ko. Totoo naman na hindi ko kelangan nun at talagang wala akong pambayar sa mga yun. Saka dagdag gastos sa kuryente lang yung air cooler.

"Bakit? Sinisingil ba kita?" Tumigil sya sa ginagawa nya at seryosong tumingin sa akin. Medyo kinabahan ako dahil parang galit ata sya.

"Saka anong hindi kailangan? Wala ka ngang kurtina man lang. O talagang gusto mong nasisilipan ng mga bading sa labas?" Tuloytuloy niyang sabi. Paano nya nalaman yun. Wala naman na yung mga mokong na bading na yun nung nandito sya. Napansin nya siguro yung pagkunot ng noo ko kaya nagaalita syang muli.

"Kagabi pagalis ko napansin kong may dalawang badin na nakasilip sa bintana. Biglang tumakbo palayo pagkita sa akin. Di siguro sanay sa pogi." Pagbibiro nya.

"Tara na samahan mo ko sa labas para kunin yung air cooler at yung personal ref." Tumayo sya at sumunod naman ako. Pagdating sa loob nahiga sya sa kama at halatang medyo napagod. Di siguro sanay magbuhat ng mabigat ito kaya ganun. Sa akin naman eh parang wala lang.

"Sig hindi mo kailangan gawin ito. Nakakahiya at hindi pa rin naman tayo magkakilala. Isa pa dagdag lang sa kuryente yang mga yan. Malamig naman dito sa gabi at wala rin naman akong ilalagay sa ref. Eto na nga pala yung CP mo." Sambit ko.

Bumangon sya sa pagkakahiga at tinitigan ako. Parang malalim ang iniisip. Huminga sya ng malalim bago nagsalitang muli.

"Sino bang nagsabi na ikaw lang ang dahilan kaya ko binili yan? Diba nga sabi ko gusto kitang makilala so that means mapapadalas ako dito. At sayo na yang cp may bago na ako. Nakalinya naman yan so wala ka ng proproblemahin sa load." Sambit niya

Tumayo sya at inayos ang suot bago humarap sa akin.

"O sya uuwi na ako at alam kong pagod ka. Nakwento na sa akin ni Grace ang trabaho mo pag linggo. At maaga pa klase nyo bukas." Tumalikod na sya at lumapit sa pinto. Bigla syang huminto at humarap muli.

"Ikabit mo muna yung mga kurtina bago matulog. At siguraduhin mong nakalock ng maigi yung ointo. Baka marape ka pa. Bye." Sabay talikod nyang muli at sya narin ang nagsara ng pinto.

May ilang minuto din akong napatanga sa oafkakatayo at nakatitig lang sa pintuan. Ano ba ang nangyayari? Bumalik na lang ang ulirat ko nung narinig kong tumunog yung CP. Nasa akin pa pala ito. Chineck ko and display at nakita kong may 1 text message. Inopen ko yung text.

YUNG KURTINA. ISABIT. GUD NYT -SIG

Para naman akong robot na sumunod ng isa g commmand. Kinuha ko yung kurtian at isinabit na sa may bintana. Inayos ko na din ang iba nyabg dalang gamit. Napanain ko din na may 3 parea ng pantalon at tshirt pa pala syang binili.

Bakit nya ba ginagawa ito? Matapos magligpit e humiga na rin ako. Sobrang pagod na rin ako aa trabaho at sa mga pangyayari ngaing gabi. Kinuha ko yung CP at iniisip ko kubg rerepkyan ko ha si Sig. Nanalo ang katinuan ko at naisip kong wag na lang. Di ko din naman alam ang sasabihin. Nun ko lang napansin na picturw pala ni Sig ang wallpaper. Naka boardshorts lang sya at nasa isang magandang beach kinuha ang letrato. Gwapo talaga si Sig at makisig ding tulad ko. Maputi nga lang sya at mas matangkad ng bahagya. Nakatulog akong hawak ang CP at mukha nya ang nasa isip ko.

A/N: pasensya na medyo maiksi angchapter na to. Medyo busy kasi. Gusto ko na magupdatse pero ayaw ko namang gawing hilaw itong chapter na ito.

Trapped (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon