"Hoy! sarap na sarap ka dyan sa likod ko wala na sila!" sabi ni Master Kei sakin nang makalayo na sila Gonn.
Para akong batang nakahawak sa magkabilang side ng damit ni Master Kei at marahang sumilip...
"Haaay...salamat..." napabuntong hininga ako para akong nabunutan ng tinik."Hoy Iori baka gusto mong bumitaw? Quota ka na!"
"Ah opo sorry po!" sabay bitaw ko
sa damit nya. Kahit ayaw ko pa f na f ko kasi."I-lock mo ang pinto at please wag mong kakalimutang magsara ng bintana" sabi ni Master bago sya umakyat papasok sa kanyang kwarto.
"Opo!" Sagot ko.
Ilang sandali lang ay...
Kyaaaaah!!!!
Tumakbo ako papasok ng kwarto ko
Lagot pasahan na pala ng project sa computer programming sa lunes at wala pa akong nasisimulan!!!
Huhu bakit ko ba kasi nakalimutan e!Binuksan ko ang ilaw sa study table ko sa loob ng kwarto at sinimulan ko nang gawin ang project kong hindi ko alam paano ko tatapusin dahil hindi ko talaga maintindihan ang lectures namin sa computer!
di pa nagtatagal ay kumurapkurap na ang ilaw ko sa study table
Nanay ko po!!!
Nangalisag ang mga buhok ko nang makaramdam ako nang malamig na hangin.
Aaminin ko takot ako sa dilim..
Ayoko sa dilim...
Kaya naman agad kong binuksan ang ilaw ng kwarto ko
Hay i felt relieved..
After two minutes...
Tuluyang napundi na ang ilaw sa study table ko.
ito at hindi lang yun, bigla ring nagpatay sindi ang ilaw sa kwarto ko!
Inay ko po!
Minumulto na ba ako?
Please kung anong espiritu ang nandyan wag nyo ako takutin...
Ilang sandali pa ay sunod sunod na ang patay sindi ng ilaw ko
Kaya naman napasigaw ako nang tuluyang mamatay ang ilaw ko.
Dali dali akong nagtungo sa kama at nagtalukbong.
Sobra ang takot ko sa dilim dahil na rin sa mga pangyayari sa buhay ko na very traumatic..
Sa tuwing madilim at tahimik ang paligid ay naaalala ko yung nangyaring isang gabi na muntik na akong mapagsamantalahan ng tiyuhin ko na balo (asawa ng tita ko na nagiisang kapatid ni mama)
Patay na si mama nung time na un at nakikipisan ako sakanya.
Wala silang anak ni tiya kaya akala ko ang kabutihang loob na ipinapakita nya saakin ay may malinis na intensyon yun pala hindi.Kaya naman umiiyak ako habang nakatalukbong habang sumasariwa sa isipan ko ang masalimoot na gabing iyon..
"Iori buksan mo to may dala ako para sayo"
"Opo sandali lang po"
"Tingnan mo maganda diba?"
"Opo. Sakin po talaga to?"
"Oo naman! Bagay na bagay yan sayo kasi maganda ka at ang sexy mo pa"
"Ti--tiyo bakit po ganyan kayo makatingin?---"
"Iori matagal nang panahong inantay ko to"
"Tiyo-----uhmph!!!!''
"Wag kang maingay! Shhhhh..."
At tinutukan nya ako ng kutsilyo
"Subukan mong mag ingay at papatayin kita!"
BINABASA MO ANG
Prinsesa ng Kapalpakan
Teen FictionSikat dahil sa pambihirang talino at ka-gwapuhan at nataguriang human encylopedia at heartrob ng Yoshida International School iyan si Master Kei na ultimate crush ko bago pa man kami magsama sa iisang bunbong. Ako si Iori Dale Rivera ang natataging...