Iori's POV
First day ko sa Japan nang bisitahin namin ang isang malaking subdivision.
"YAMAMOTO EXCLUSIVE SUBDIVISION" iyan ang nakabungad sa gate. lahat ng naroon ay yumuyuko sakanya kahit matanda.
Huminto kami sa isang malamansion na bahay na nasa gitna ng subdivision.
Napakaraming katulong na nakapila at nakayukong bumati sakanya pati sakin.
"Ohayou Gozaimasu"
Sabay sabay nilang sabi."Ohayou" tipid na response ni master Kei.
Pagpasok namin ay umakyat si master at sinabi nyang puwede ako maglibot libot habang may ginagawa sya. Naglakad lakad ako at nakita kong may mga malalaking kwadro na naka display.
Kamukha ni master yung lalaking may hawak na bata--teka parang si Master Kei yun ah!
Ang cute at ang pogi poging bata!
Kamukhang kamukha pala sya ng papa nya! Nag iisang anak lang pala si Master? Puro pictures nya kasi ang nandito. Tapos may kwarto akong napasukan na puro pictures nya lang ang naroon. Mula nung sanggol sya hanggang sa mag four months ata yun kasi nakadapa sya, hanggang mag isang taon. Grabe nakakatuwa naman! Every year may pictures syang naka-frame dito. At napakarami nyang gold medaaaaalsssss at trophieeeesssss!!! Napakatalino talaga nya kahit nung bata pa sya. Sang damak-mak din ang mga certificates nya dito grabe isang buong room pictures, medals,trophies,certficates, sashes at iba pang mga awards na natanggap nya! Grabe hinakot nya na lahat!
Napakanta tuloy akoNasa'yo na ang lahat
Minamahal kitang tapat
Nasa'yo na ang lahat
Pati ang puso ko!!
Ay!!! Ahihihi sana walang nakarinig!Grabe itong kwartong to ang nagkukuwento ng bahagi ng buhay ni master kei.
Dito kaya sya lumaki?
May isang pinto akong pinasukan at may mga art works akong nakita.
Nawili ako sa kakatingin ng mga larawan hanggang sa mapansin kong naliligaw na ako! Sobrang laki ng bahay na to saan ba ang pabalik? ang daming pinto at kwarto nakakalito saan nga ba ako galing?! Huhu di pa naman ako marunong mag Japanese konti lang ang baon kong Japanese words na natatandaan huhu..di ko pa nga sigurado kung tama ang pagkaktanda ko pero bahala na!
May dumaang maid tinawag ko iyon
"Sumimasen!!" (Excuse me)
Buti lumingon
at binati ako ng "Ohayou!" (Good morning) at binati ko rin sya
"Ohayou! Watashi wa Iori to moushimasu. Anata no o-namae wa?"
(Good morning! My name is Iori. What is your name?)" Watashi wa Yurika to moushimasu" (My name is Yurika)
Sagot nung maid"Hajimemashite Yurika-chan! Nihongo wa hanasemasen. Eigo wo hanasenmasuka? "
(Nice to meet you Yurika. I can't speak Japanese. Do you speak english?) Sabi ko kay Yurika"Hai. A little" sabi nya.
Buti naman!
"Can you take me to Master Kei?" Tanong ko.
"Yes. But i have to take this first upstairs immediately. I'll be back wait me here"
yumuko sya at saka sya umalis. Pero masyado nang matagal mula nang umalis sya at nainip na ako kaya sumunod ako sa pinasukan nyang silid. In the end
Kung saan saan akong kwarto nakapasok pero para akong nasa maze at lagi akong bumabalik sa pinangalingan ko!
Hala! Anong gagawin ko?
Napasandal ako sa dingding ng kwarto kung saan nakadisplay ang mga larawan ni master Kei nang may tila naapakan ako at tumunog ito.
"Eennnngggkkk"
Hala! Mabilis na umikot ang sinandalan ko at nalipat ako sa ibang kwarto.
Pero bakit walang pinto! Kinalampag ko ang dingding pero hindi ito gumalaw!
Im trapped!
Nasaan akong parte ng mansion?!
Iniikot ko ang paningin ko at puro stante na may mga laruan ng bata, gamit nang bata na luma pero naka estante? Ibig sabihin pinepreserve ito. medyo maalikabok ang kwartong ito
Napatingin ako sa isang lumang picture frame na may larawang kupas. Pinunasan ko ang frame picture pala ni Master Kei at nang isang lalaki na karga-karga si Master Kei sa balikat nito.
Medyo malabo ang mukha nung lalaki pero parang hindi iyon ang papa nya kasi parang naka uniporme ito nang katulad sa mga buttler?
Medyo dumidilim na pala. Ilang oras na ba along nakakulong dito?
Paano ba ako makakalabas dito?
Binuksan ko ang ilaw pero pundido ang bumbilya.
Tuluyan nang dumilim..
Natatakot na ako! Paano kung di na ako makalabas? Baka iwan ako ni master kei at isipin nyang umalis ako ng walang paalam.
Naupo ako at maya maya lang ay nagsimula na akong umiyak kasi hanggang ngayon di pa ako makalabas.
Master Kei
*sniff*sniff*
___________
Kei's POV
Maghapon kong ipinahanap si Iori sa buong mansion pero wala ito!
Ang sabi nung isang katulong ay huling nakita nya si Iori sa luma kong kwarto na ginawa nalang na gallery ng mga pictures at mga awards ko nila mama at papa. Iniwan daw sya dun ni Yurika at medyo natagalan daw sya makabalik at pag balik nya wala na si Iori.
Madilim na nag aalala na ako para kay bansot!
Pumunta ako sa kwartong iyon pero walang Iori doon.
Saan kaya naroon si bansot?!
"Haaay" napabuntong hininga ako.
Nang may marinig akong napakahinang tinig"Master Kei natatakot po ako nasan ka master?"
*sniff*sniff*Boses ni Iori iyon ah!
Lumingon lingon ako
Pero wala sya sa paligid."Master Kei kanina pa ako dito nakakulong paano ba ako lalabas dito?"
*sniff*sniff*Narinig ko pa ulit.
Di ako maaring magkamali boses iyon ni Iori! Pero nasan sya?Hindi kaya?!
Agad kong hinanap ang switch ng secret room ng dati kong kwarto.
Oo may secret room ito na tanging ako, si ryu at ang magulang ko lang ang nakakaalam. Pinasadya ito ng mga magulang ko for security purposes.
Siguro ay nakulong sya doon!
Sumandal ako sa dingding at tinapakan ko ang switch
*click*"Eennggkkk"
Umikot ang pinto at nasa loob na ako ng secret room.
"Iori narito ka ba?" Tanong ko. Di ko sya kasi makita dahil madilim na sa labas, kaya wala nang pumapasok na liwanag dun sa nag iisang napaka liit na bintana ng kwarto at di na gumagana ang ilaw dahil sinubukan kong buksan ang switch nito.
Agad kong binuksan ang flashlight ng cellphone ko*sniff*sniff*
"Master Kei?!!"
Agad syang tumayo at tumakbo papunta sakin nang makita nya ako.
"Master buti nahanap nyo ko, kanina ko pa kayo hinahanap di ko alam paano ako nakulong dito. Akala ko hindi nyo na ako hahanapin--salamat po at hinanap nyo ko" umiiyak nyang sabi habang nakayakap sakin."Kahit kelan talaga engot ka. Pinag alala mo ko, buti nalang nahanap kita" sabi ko at gumanti rin ako ng yakap. i felt relieved akala ko napaano na si Bansot at akala ko di ko na sya mahahanap.
"Tahan na, napaka iyakin mo talagang bansot ka""Master paano nyo nalamang nandito ako?" Tanong nya
"Di ako engot na katulad mo" pang aasar ko sakanya.
*pout*
"Master nasan po tayo ngayon?"
Tanong nya habang nakayakap sakin, tanging flash light lang ang nagsisilbing liwanag namin."Ito ang secret room ko. Yung nasa kabilang pader ang dati kong kwarto. Walang ibang nakakaalam ng kwartong to kundi ako at ang magulang ko at yung tagapag alaga kong namatay na"
Paglalahad ko sakanya"Ah yung tagapag alaga nyo po ba yung lalaking nasa picture frame doon?" Maang na tanong nya na ikinagulat ko!
Alam na ba nyang iyon ang papa nya? May natuklasan na kaya sya?"Anong picture frame? Wala akong matandaang may frame dito"
Pagkukunwari ko pero medyo kinabahan ako"Meron po, nakita ko sa istante nakapatong. Nasa balikat ka po nya. Alam kong hindi po yun ang papa nyo kasi parang nakauniporme sya na pang buttler. Di nga lang maaninag ang mukha nya kasi kupas na yung picture"
Pagsasalaysay nya. Buti nalang di nya namukhaan. Nakahinga ako ng maluwag."Ah oo naalala ko na. Lika na alis na tayo dito. Gabi na" pag iwas ko
"Opo"
At lumabas kami sa secret room.
Nang makita ako nang mga katulong na kasama ko si Iori lahat sila ay nagtataka kung saan ko nahagilap si Iori.
BINABASA MO ANG
Prinsesa ng Kapalpakan
Teen FictionSikat dahil sa pambihirang talino at ka-gwapuhan at nataguriang human encylopedia at heartrob ng Yoshida International School iyan si Master Kei na ultimate crush ko bago pa man kami magsama sa iisang bunbong. Ako si Iori Dale Rivera ang natataging...