Scarf

557 22 0
                                    

Kei's POV

Maaga akong nagising pag dating ko sa dinning area ay nagulat akong nasa table na ang breakfast ko.
Hinanap ko si bansot para ayain nang kumain. Nakita ko syang nasa kwarto nya.
Itong babaeng to talaga di marunog magsara ng pinto!
Sinilip ko sya at nakita ko syang nagsusulsi.
Ewan pero nag init ang ulo ko. Bigla ko kasi naalala yung narinig ko kahapon.

Flashback---- >>

Narinig kong kausap ni Iori si Dess nang magring ang cp ni Dess.

"Iori kausapin ka daw ni fafa jules"

"Bakit daw?"

"E bakit di mo itanong mismo sakanya? O heto kausapin mo"
Sagot ni Dess at ni-loudspeaker pa ni Dess.

"Hi dale baby! Kamusta okay ka na ba? Nag alala ako sayo"

"Okay na ako. Kinailangan lang magpahinga para di mabinat. Salamat. Nga pala napatawag ka? May sasabihin ka ba?" Tanong ni Iori

"Ah nangamusta lang, namiss kasi kita e. Tapos bukas wala pa pasok kaya hindi nanaman kita makikita"

"Ah...okay. Salamat. Ay may itatanong ako"

"Sige baby ano yun?"
Baby nang baby di naman na sanggol si Iori! Tong Iori na to pumapayag na ganun ang itawag sakanya ni Jules?!!

"Kung may matatangap ka na bagay mula sa isang babae ano ang gusto mo?"

Huh? May plano ba si Iori na regaluhan si Jules?

"Ah ako ang gusto kong matanggap syempre ang matamis mong "Oo""

"Jules naman e! Umayos ka"

"Sige na nga, gusto ko yung handmade at pwede kong magamit pag malamig"

"Gaya nang?"

"Scarf na sinulsi at gawa mo, o kaya panyo na binurdahan mo o kaya Jacket na sulsi"

"Huh? Bakit naman?"

"Para mas ma-feel ko pagmamahal mo kapag nilamig ako paiinitin ako ng pagmamahal mo. Ganun"

"Eh? May ganun?"

"Oo. Bakit bibigyan mo ba ako ng gift? Thanks sa advance gift for my birthday! Sana package--yung kasama na yung "oo" mo"

"Ahehehe ikaw talaga! Sya sige salamat bye!"

End of Flashback<-----

Back to Present

Tahimik akong bumalik ng kusina at naupo.

Maya maya lang ay dumating na sya.

"Master? Kanina pa po ba kayo dyan? Kakain na po kayo?"

Prinsesa ng KapalpakanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon