Anyeong Haseyo!!!!!
Ready na ako mag kwento. Harhar!
One chapie a day muna ha?
Kasi sobrang daming lumalabas sa kokote ko kaya akoy nalilito.Hihi parang ang drama ay:
"Sino ang pipiliin ko? Ikaw ba na chapter ka o ikaw na bagong kumakatok sa ulo ko?
Alin ang i-pa-publish ko? Yung draft ko kahapon o ngayon o yung bagong nasa utak ko na nah pop up just now?"Hahaha ayan po ang dilema ng inyo pong author from outerspace!
Kaya pagpasensyahan nyo na po,
On the process ang development ng utak ko, fetus palang e! Hahaha
Hahaha! Char!
Marami akong binago sa mga nagdaang chapies, si Direk Brainy kasi e daming ka ekekan!
Hoho!Happy reading!
---fc---
________________
Shanne's POVNaka apat na ospital ako pero hindi ko mahanap si Keith!
Gabing gabi na at sobra na akong nag aalala para sa anak ko.
Nanginginig na ako sa magkahalong emosyon na nararamdaman ko at dala na rin ng pagod at gutom dahil di pa ako kumakain."Keith anak nasan ka na ba? Nag aalala na ako" umiiyak kong sabi
Naisipan kong bumalik sa tinutuluyan namin ni Keith para kumuha ng pera para maipagpatuloy ko ang pag hahanap sa anak ko.
Iniiwan ko kasi sa bahay ang pera ko, nakatago iyon sa ginawa kong secret pocket sa isang sulok ng bag kong malaki.Pagdating ko sa inuupahan namin ay agad akong nakita ng land lady.
''O Shanne bakit ganyan itsura mo? Anong nangyari?" Concerned nyang tanong.
"Nawawala po si Keith, hindi ko mahanap kung saang ospital sya dinala" umiiyak kong sabi
"Ha?!! Ano??!! E kanina lang nagpunta dito si Keith kasama nung daddy nya e mga isang oras na nakakalipas. Binati pa nga ako at nag bless pa sakin. Ang gwapo pala nang daddy nya? At mayaman at de kotse, e bakit ka pa nagtratrabaho?"
"Ho???!!! Sinong Daddy???" Tanong ko
"Ano nga ba pangalan nun???ah oo nga pala may binigay na calling card! Teka sandali asan ba yun??? Sabi nya tawagan mo sya, kasi hinatid nya si Keith dito dahil baka nga nag aalala ka na daw kaso wala ka kanina, e ayaw naman magpaiwan ni Keith kaya isinama nya ulit. O heto ang card, may address dyan, pwede mo raw sila puntahan dyan. Dyan mo daw sila matatagpuan"
Lahad nya saakin.Nakahinga ako ng maluwag.
Haaay buti naman! Akala ko napaano na ang anak ko!!
Naku lagot sakin yung lalaking yun! Akalain mong tangayin ba naman ang anak ko ng walang paalam!!!!"Kei Kuichiro Yamamoto"
Basa ko sa calling card.Naku kung sino kang pesteng Kei Yamamoto ka lagot ka talaga saakin!! Nang dahil sayo ay halos mamatay na ako sa takot at kaba! Humanda ka talaga saakin!!! Kahit mayaman ka pa aawayin talaga kita!
Nagpasalamat ako kay Tita Shiela at saka ako nag mamadaling umalis. Kulang nalang talaga kaladkarin ko sarili ko.
_________________________
Kei's PODinala ko si Keith sa Condo ko sa bahay namin ni Iori. Mas malapit kasi iyon sa tinutuluyan nila Keith para pag sakaling hanapin sya ng mama nya ay madali nya lang mahahanap si Keith.
Ito ang unang pagkakataon na dito ulit ako matutulog sa loob ng apat na taon.
Nakatulog na si Keith kaya binuhat ko nalang sya papasok ng Condo.
Buti nalang dito ko dinala yung mga pinamili ko para sakanya kaya may ipampapalit ako sa damit nya.
Ihiniga ko sya sa kama namin ni Iori, hindi sya nagising haha ang sarap ng tulog nya. Lumabas ako para mag painit ng tubig.
Naglagay ako ng maligamgam na tubig sa maliit na planggana at hinaluan ko ng kaunting alcohol.
Inalis ko ang damit ni Keith at pinunasan ko ang katawan nya saka ko sya sinuotan ng bagong damit.
BINABASA MO ANG
Prinsesa ng Kapalpakan
Teen FictionSikat dahil sa pambihirang talino at ka-gwapuhan at nataguriang human encylopedia at heartrob ng Yoshida International School iyan si Master Kei na ultimate crush ko bago pa man kami magsama sa iisang bunbong. Ako si Iori Dale Rivera ang natataging...