Hellow Marshmallow!!!
Hihihi bitin? Thanks guys for keeping in touch!
Oy salamat sa isang follower ko na nag propromote ng story ko sa group nila.
Kawaykaway kay Rica Puno na nag personal message sakin hihihi thank you for promoting my story!
Hi na rin sa friend kong tumatawag sakin ng cutiepie ^___^ hahaha!
I dedicate this part sayo na nagmessage sakin ng "madaya" ako kasi tuwing dumadaan ako ay busy kayo kaya di nyo ko nakikita.
At sa lahat ng promotor ng NPK! Kawaykaway!!!
Sa lahat ng nag add sa reading list at library nila ng PNK thanks marami!!
(Sa mga nais magpabati message nyo lang ako hihi at sa next updates ko asahan nyong di ko kayo kakalimutan)Salamat sa mga boto!! Every vote is my priceless reward po as an amateur and young author ^___^
Di pa po last chapie ito hihi! Cant stop to be grateful lang ^__________^
Happy 1000+ reads kasi in the first week of november sa ikatlong buwan ng PNK ^_____^
Patatagalin ko pa ba??
Happy Reading!!
---floralcrest---
_____________________________Iori's POV
Sa muling pagdilat ng mga mata ko ay isang napaka gwapong lalaki ang bumungad saakin, hawak hawak nya ang kamay ko.
"Iori! Salamat naman at gising ka na" sabi nya at hinalikan nya ang kamay ko saka nya ako niyakap.
Napakainit ng yakap nya, mahigpit ang pagkakayakap nya sakin.
Tumingin sya sakin at bakas sa mga mata nya ang nang gigilid na luha.
"Sino ka?" Tanong ko
Pero sa totoo lang kakaiba ang nararamdaman ko sa lalaking nasa harap ko ngayon.
Bakas sa mga mukha nya ang lungkot nang marinig nya ang tanong kong "sino ka?"Bumuntong hininga sya bago sumagot.
"ako ito Iori, si Kei, ang asawa mo" sabi nya habang nakahawak ang dalawa nyang palad sa mukha ko "hindi mo ba ako talaga natatandaan?" Tanong nya pa.
"Kei?? Ikaw si Kei??" Tanong ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at naalala ko ang lalaking nakita ko sa panaginip ko.
Magkamukha sila, nagkaiba lang nang ayos ng buhok.
Medyo mas mahaba ang buhok nya kasi ngayon pero bagay naman at tila mas gwapo sya tingnan ngayon?hihi"Oo Iori, ako si Kei" sagot nya.
"Ikaw ang ama ni Keith?" Tanong kong muli.
Ngumiti sya bagamat nang gigilid ang luha sakanyang magandang mata.
"Oo ako nga" sagot nya
"Bakit hindi mo kami hinanap?" Di ko naiwasang itanong
"Nagkakamali ka Iori, hinanap kita pero nabigo akong mahanap ka. Patawarin mo ako Iori kung hindi kita agad nahanap. Maniwala ka sana" sabi pa nya
Habang hawak hawak ang kamay ko.
Nahagip ng mata ko ang kaliwang kamay nyang suot-suot ang singsing na katulad sa singsing ko. Ibig sabihin ba na suot nya ang singsing ay mahalaga pa rin ako sakanya?"Hindi ka ba nag asawa ulit?" Tanong ko sakanya
"Hindi...hindi ko kayang mag mahal ng iba, nangako ako nang ikasal tayo na ikaw lang ang mamahalin ko hanggang kamatayan at umaasa akong pagtatagpuin pa rin ang landas natin at hindi ako nabigo, narito ka na ngayon. Natagpuan din kita sa wakas"
Unti unting pumatak ang luha ko habang pinapakinggan ang mga sinasabi nya at hinahaplos nya ang mukha ko. Ewan ko bakit kakaiba ang nararamdaman ko sa bawat haplos nyaPinahid nya ang mga luha ko.
At idinikit nya ang noo nya sakin
"Hinding hindi na tayo magkakahiwalay pangako. Mahal na mahal kita Iori"Tanging tango lang ang naisukli ko.
"Mabubuo na ang pamilya natin" sabi pa nya.
Naiyak akong lalo kasi hindi ko man sya masyadong naalala ay ramdam ko sa puso kong espesyal sya saakin.
At pangarap kong mahanap ang ana ni Keith at magkaroon ng isang buong pamilya.
BINABASA MO ANG
Prinsesa ng Kapalpakan
Teen FictionSikat dahil sa pambihirang talino at ka-gwapuhan at nataguriang human encylopedia at heartrob ng Yoshida International School iyan si Master Kei na ultimate crush ko bago pa man kami magsama sa iisang bunbong. Ako si Iori Dale Rivera ang natataging...