Little Genuis

479 25 0
                                    

Hellow happy happy vacation!

Sensya na nahihirapan ako mag publish ang daming idea kasi ang pumapasok sa kokote ko e sa sobrang dami di ko na alam paano ko ita-type at i aayos hahaha!

Enjoy Reading
---floralcrest---
___________________
Greg's POV

Maaga palang ay busy na si Kei sa kaka-laptop. Sweldo day sa susunod na araw kasi kaya ibigsabihin...deposite time para pampasweldo sa lahat ng tauhan nya sa iba't ibang lugar, review time din nya para i-check ang reports ng attendance nila.

"Kei ano? Pupunta ako sa playground may usapan kasi kami ni Keith na dadalaw ako sakanya para makipaglaro"


"Tol, sensya busy pa ako. Tapusin ko lang to. Next time na muna? Kailangan na to e" sagot nya

"Okay. Sayonara!"

"Sayonara" sagot nya.

Umalis na ako at dumaan ako sa isang school supply na nadaanan ko at namili ako ng mga coloring booklet, colors, pencils, papers, jigsaw puzzles, mga libro at isang maliit na piano yung de-batterya. Dumaan ako sa Jollibee kahit malayo para bumili ng isang bucket ng chicken joy, family size na spaggetti, fries at laruan. Bumili rin ako ng ice cream na isang galon.
Hahaha tyak matutuwa si Keith dito!

Excited akong nagdrive pa punta sa playground kung saan ko nakita ang "little genius" na si Keith.
Tamang tama sakanya ang bansag na yun! Haha

Pagdating ko doon ay agad kong nakita si Jessa at si Keith.

As usual, nakaupo lang si Keith habang nagsusulat.

"Keith!" Tawag ko habang kumakaway

Lumingon sya at ngumiti. Napakatamis nya ngumiti at lalo syang gumagwapo kapag naka ngiti.

Nakipag high five ako sakanya.

"May regalo ako sayo dahil natutuwa ako sayo, lika" aya ko sakanya. Inilahad ko ang kamay ko at tinangap nya naman.
Binuksan ko ang kotse ko at nakita kong lumawak ang ngiti nya.

"Sayo lahat yan dahil mabait ka at masipag mag aral" sabi ko

"Salamat po" sabi nya sakin

"Sa Japanese ang salamat ay "Arigato Goizamasu"" sagot ko
"Sige nga ulitin mo" dagdag ko

"Arigato Goizamasu!" Ulit nya. Nakakatuwa ang tatas nya magsalita talaga.

Inilabas ko ang mga pinamili ko at kumain kami, hinayaan kong si Keith ang mamigay ng mga pagkain sa batang naroon para maging kalaro nya na ang mga naroon at hindi na sya asarin.

"Masarap ba?" Tanong ko sakanya habang kinakain nya ang spaghetti.

"Opo. Kaso mas masarap luto ni Mama" sagot nya

"Talaga?" Nakangiti kong tanong

"Opo"

"Magaleng magloto ang mama nya, sa katonayan koya tagapag loto mama nya, medyo malayo lang deto. Kapag may okasyon deto ang mama nya ang hinihiling namen na magloto" sabi ni Jessa

"Wow! Gifted pala ang mama nya, kaya naman pala gifted si Keith" natutuwang sabi ko.

After namin kumain ay nakipaglaro ako kay Keith, tinuruan ko sya ng shapes at coloring.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalaro nang tumawag si Gonn.

"Keith wait lang ah, may tumatawag e" paalam ko at tumango lang sya.
Bumalik ako para magpaalam na aalis na ako.
Nagpapasundo kasi si Gonn at Louie. Gusto raw kasi nila mag scuba diving bukas kaya sila nagpapasundo dahil sa bahay ni Kei sila tutuloy.

Prinsesa ng KapalpakanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon