"Hoy Iori Dale Rivera! nakatulaley ka nanaman dyan!" sita ni Dess na close friend ko.
"Ah kaya naman pala e! si Secret Crush napadaan" patukoy nya kay Master Kei.
Matagal ko nang crush si Master Kei bago pa man ako maging maid nya.
Lagi syang dumadaan sa tapat ng school namin kapag papasok at uuwi sya sa school nya.
Taga Yoshida Int'l si Kei, school yun ng mga matatalino tipong mga Galelio G., Albert E., Jose Rizal etc na halimaw ang mga utak sa katalinuhan..at ang mga sawing palad na tulad kong hindi nabiyayaan ng ganoong talino ay dito sa Athren High nag aaral.
Bukod sa pambihirang ka-gwapuhan ay mala-computer ang utak ni Kei kaya naman sikat. Kahit dito sa Athren may fans club sya. Marami ring babaeng ubod ng ganda ja nagpapapansin sakanya kaso sadyang supladitong hapon si Kei.
Mukhang mayaman pero nag lalakad lang madalas papasok at pauwi ng school. noon ay nagtataka ako pero
nalaman ko rin dahil sa hindi ko inaasahang pangyayari na nagoawindang sa pagkatao ko...FLASHBACK----+
"Hi Iori buti naman dumating ka, akala ko di ka na darating" sabi ni Greg.
"Sorry ano kasi, nakatulog ako kaya lumagpas ako pasensya na" paumanhin ko.
Mahiluhin ako sa byahe kaya naman madalas natutulog ako para hindi ako masuka."Ah okay. Di ba kulang yung kinikita mo sa part time job mo? may kaibigan ako naghahanap ng maid. Wag ka mag alala mapagkakatiwalaan yun at di mapag samantala. Stay in. Libre food at may daily allowance maliban sa monthly na sahod. Nirecommend kita sakanya at sabi nya baka sagutin nya pa tuition fee mo. Ano tangapin mo na'' pang kukumbinsi sakin ni Greg.
"Ah o sige, nakakahiya naman kung tatangi ako, saka mapagkakatiwalaan ka naman e. Teka balo ba yun? may pamilya? o nagtratrabaho?" tanong ko
"Student din like us, pero mayaman at gaya mo ulila na rin. Kaya nga nang sabihin kong may common factor kayo ay di na sya nagdalawang isip na tangapin ka kung sakaling mag-aaply ka""Ah okay ano ba kailangan ipasa?"
"xerox copy lang ng usual requirements. May dala ka ba? sasamahan na kita ngayon sakanya"
"Ah eh di pa complete e"
"okay na yan tara na!"
________________
Woooow!!!!
mukha ngang mayaman kasi naka condo! bonga ah! me second floor ang condo nya.
mukhang kilala rin si Greg ng mga security guards ah tango lang pinapasok na kami.
R#2477 ang unit nung condo.
Nagdoor bell si Greg at halos malusaw ang puso ko nang makita kung sino ang nagbukas.
Please paki bigyan ako ng energizer naubos energy ko sa nakita ko.
"Greg come in" sabi nya sabay talikod.
"Ah nga pala kasama ko na sya" sabi ni Greg na tuloy tuloy lang sa kitchen
"Kei anong pwedeng makain dito?" tanong pa ni Greg, super close pala sila ni Greg?
"wala. magpapadeliver nalang ako" sabi niya sabay dampot ng telephone.
Ako naman ay na froze sa pagkakatayo
nasa harap ko at nasa tapat ko lang ang Crush ko at nakikita sya sa malapitan. Ang gwapo gwapo nya sa personal, maputi at chinito.
Grabe halos maubusan ako ng oxygen sa katawan.
Pwede bang di nalang maid ang applayan? Pwede bang mag apply bilang gf nya nalang?
Teka marunong sya mag tagalog?"Iori ba't nakatayo ka lang dyan? upo ka, wag ka mahiya" sabi ni Greg na may dala nang yogurt.
"Ah--eh..o-oo salamat" nauutal ako huhu..bat mas gwapo sya sa malapitan at sya pa ang magiging boss ko? makakasama ko sya 24/7!
Heaven! Natalo ko pa ang Athren Beauties na nagpapapansin sakanya at gusto syang makasama.
nagmasid ako at grabe ....
napaka organized naman pala nya at malinis ang condo. Wag naman sana sya maging masungit sakin. Mukha kasing sophisticated na tao."Greg lasy yogurt ko na yan! Inubos mo na lahat ng yogurt ko" saway nya kay Greg na lumalantak ng yogurt.
"Hehe san mo ba binibili to? Ang sarap kasi. Turo mo sakin para di na ako dumadayo dito para makikain lang ng yogurt"
"Kahit saang super market meron nyan! Hilig mo lang mang buraot" umalis sya sandali.
"Greg marunong pala sya mag tagalog?" Mahinang bulong ko kay Greg.
"Oo, multi-lingual yan. Pagkami kami lang nagtatagalog yan minsan nag hahapon..teka kilala mo sya?"
"Oo sikat sya sa school namin. Sa Athren ako nag aaral katabi lang ng Yoshida" Sabi ko at biglang dumating ang delivery kasabay ng pag dating din nya.
At nagsimula na syang interviewhin ako.
"Iori Dale Rivera so you're willing to work and stay here in my condo with me?" seryosong tanong nya sakin.
"Ah...y-yes po" waaaah kinakabahan ako.
"Okay then, you have to sign this contract" sabi nya sabay abot sakin ng folder na binasa ko.
hala me contract pa talaga? napaka formal at legalistic naman pala nito talaga bang 16 years old lang to? bakit parang 30 years old na sya mag isip?
ito ang mga nabasa ko na nag caught ng attention ko:
5,000 monthly wage
100 pesos daily allowance except saturdays and sundays
free food
stay in
daily working hours
(monday-friday):
4:00am-5:30am
1:00pm-3:00pm
7:00-9:00pm
(saturday-sunday)
no specific working hours
Once a Month Day OffJob Description: All Around House Maid
Restrictions:
No bringing of friends in my condo
No Boyfriend
Extremely prohibited to tell anybody you are working and staying in my condo.
No Crossing of School
Talking with me outside the vicinity of condo is prohibited."if that would be fine then sign it" sabi niya nang nahalatang nabasa ko na lahat.
pinirmahan ko naman, okay naman na kc may allowance naman na 100 pag school days aside sa 5000/mo na salary and libre pa bahay at sosyal naka Condo pa!
"you can start tomorrow, bring all your things here by evening and that would be your room" sabay turo nya sa isang kwarto na malapit sa kusina.
END OF FLASHBACK
"Wag ka nga maingay dyan! Ay! patay! Kelangan ko na pala umalis sya ba-bye" at kumaripas ako ng pagtakbo palabas ng school.
Di nga pala pwedeng malate sa pag uwi ng bahay kundi sermon aabutin ko sa super gwapo at super duper strict kong master."Hoy Iori Dale Rivera!" Habol na tawag ni Dess na tumatakbo rin parahabulin ako.
"bakit?" Naka hinto ako pero still im jogging on my place.
Huhu natataranta na talaga ako.
Kakasermon lang sakin kahapon ni Master Kei at award na ako ngayon kapag malate akong makauwi."Para kang timang kakamadali, naiwan mo libro mo. Nandito pa naman assignment natin"
Sabay abot nya nang libro ko sa electronics."Ay! Salamat. Sensya na talaga kelangan ko na umuwi kasi"
Paumanhin ko sabay takbo ulitMuli ko syang nilingon para kumaway nang biglang may makabunguan ako.
BINABASA MO ANG
Prinsesa ng Kapalpakan
Novela JuvenilSikat dahil sa pambihirang talino at ka-gwapuhan at nataguriang human encylopedia at heartrob ng Yoshida International School iyan si Master Kei na ultimate crush ko bago pa man kami magsama sa iisang bunbong. Ako si Iori Dale Rivera ang natataging...