Bitin pa rin?
Hahahaha!Basa bago vote.
Vote kapag gusto.
Pabati sa nabilhan ko nang tinapay nung nakaraang araw sa boni haha sarap ng tinapay nyong may ube, tenchu nahyper ako kaya nakadalawang chapie ako kahapon!
*bow*
---fc---
_______________________Iori's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw mag iisang taon na pala kaming kasal ni Kei,nasa Japan ang asawa ko dahil kinakailangan nyang i-check ang ilang businesses nya dun. Nagpaiwan ako dahil ayoko makaabala sakanya.
Pag gising ko nitong umaga ay ang sama sama ng pakiramdam ko.
Nahihilo talaga ako, parang magkakasakit ata ako ah?
Naambunan kasi ako kahapon dahil nag commute lang ako pauwi.Tinawagan ko si Dess..
"Dess..ang sama ng pakiramdam ko nahihilo ako parang magkakasakit ata ako"
"Hoy Iori Dale Rivera Yamamoto isang gabi palang wala dyan asawa mo nagkasakit ka na agad! Sya dadaan ako dyan"
"Sige, pwede bili mo ko ng cherries? Parang gusto ko kumain ng matamis na prutas e. Yung pulang pula ah!"
"Aba'y demanding ah! Sige maganda nga yun sa may sakit. Bye"
Inip na inip ako kay Dess..parang takam na takam akong kumain ng cherries.
Napatakbo ako sa CR dahil nanga-ngasim ang sikmura ko.
Naku po acidic na ata ako.Naduwal ako at parang patang-pata akong nagbalik sa kwarto.
Nakatulog ako at pag gising ko ay tanghalian na pala.
Tumawag ako kay Dess
"Dess nagugutom na ako asan ka na ba? Bili mo rin ako ng vanilla ice cream, babayaran nalang kita dito promise"
"Sige basta 20% tubo, hahhahahaha"
"Oo bilis na"
That day ay dumating si Dess na dala yung request ko.
Ako naman ay tuwang tuwa.
"Baka buntis kana?"
"Loka, naambunan ako kahapon kaya nahihilo at masakit ulo ko tingnan mo may sinat ako ngayon"
"Ay sya kailangan ko na umalis may tatapusin pa akong project. Oi uminom ka ng gamot ha binilihan na kita"
"Sya..sige hehehe. Salamat. O heto bayad"
"Wag na joke lang yun"
Pero nag pilit ako kaso di nya talaga tinanggap ang bayad ko.
After that ay three days na laging 11am na ako nagigising kasi dahil laging nahihilo ako at feeling ko sobrang inaantok ako dala nang lagnat ko. Si Dess lagi akong pinupuntahan para painumin ng gamot kaso sawing palad sya dahil di ko talaga magawang uminom ng gamot. Bored na bored ako for three days na nagkasakit ako lagi lang akong tulog, di nga ako makapaglinis kasi nahihilo talaga ako kaya nagpaservce nalang ako sa tagalinis ng Condo.
Bukas uuwi na si Kei.
Miss ko na asawa ko
Huhuhu
Bakit kasi bukas pa sya uuwi e! Oo nga pala anniversary na namin bukas. Sakto sa uwi nya.Madaling araw nang tumawag siya sakin upang mangamusta.
Kinabukasan ay bumuti naman na ang pakiramdam ko kaya nakapagluto ako ng pagkain para sa asawa ko.
BINABASA MO ANG
Prinsesa ng Kapalpakan
Genç KurguSikat dahil sa pambihirang talino at ka-gwapuhan at nataguriang human encylopedia at heartrob ng Yoshida International School iyan si Master Kei na ultimate crush ko bago pa man kami magsama sa iisang bunbong. Ako si Iori Dale Rivera ang natataging...