Horse in the beach

541 21 0
                                    

Di ko kasi matiis hahaha!

This is the last drafted part na supposedly kahapon ko pa naipublish.

At dahil makulit ka eto na.
Hahaha! Lakas mo sakin e!

O awat muna ha? Next next week na, last na talaga to.
Kaw kasi..
Hahaha sya enjoy reading

( ee,,) dont forget to vote thanks!!

-----floralcrest-----

___________________________

Kinabukasan...

Kei's POV

Late ako nagising ngayon, di pa sana ako magigising kung hindi ako ginising ni Greg.

"Kei anong ginagawa mo dyan? Bakit dyan ka natutulog?"
Tanong nya sakin.
Buti nalang wala na si bansot sa sahig baka kasi ano isipin nila kung sakaling naabutan nila kaming natutulog dito.
"mas presko kasi dito kesa sa kwarto saka ang likot ni Louie matulog daig pa ang trumpo" palusot ko "yung kambal gising na?" Ang tinutukoy ko ay si Louie at Gonn. Pareho kasi sila ng birthday at talagang sa lahat ng kalokohan number one sila. Plus hindi pa mapaghihiwalay.
"Tulog pa. Nagugutom na ako tara kain tayo may nakahain nang pagkain dun sa table. Infairness ah responsible house wife si Iori" pang loloko sakin ni Greg.

"House wife ka dyan! Lika na gutom lang yan" tumayo ako at nagtungo kami sa mesa.
"Tatawagin ko lang si bansot" paalam ko kay Greg.
"Sige sunduin mo na ang future wifey mo" nakakaloko nyang sabi.
"Psshh" yun lang amg nasabi ko.
Pagdating ko sa kwarto ni bansot ay wala sya roon.
San kaya nagsuot yun?
Lumabas ako para hanapin sya at nakita ko sya mula sa malayo nasa may pampang namumulot ng kabibe.
Parang bata talaga!
Pero maya-maya lang ay may marinig akong may tumawag sakanya nang "Dale"!

Pffttt!!! Hanggang dito ba naman e nasusundan sya ni Jules!
Of all places naman dito pa talaga?!
Di ako lumapit inantay ko nalang na lumingon si bansot.

"Dale baby tignan mo tong nakita ko o!" Sabi pa nung kabayong si Jules.

Peste! Lumapit pa si bansot!

"Starfish! Ang cute!! Teka di ba yan nangangat?" Tanong ni bansot sa kabayong nagsasalita. Shunga talaga san ka nakakita ng starfish na nangangat?!!

"Hindi yan nangangat, o hawakan mo pa"
Kinuha pa nya ang kamay ni Iori at inilagay sa palad nya yung starfish.

"Oo nga no? Teka diba may duty ka sabi mo? Di pa ba oras ng duty mo?" Tanong nya kay horsie.

"Ah hindi pa naman. 8am pa duty ko, 7:00am palang naman e"

"Ah.." Sagot ni bansot. At nang lumingon sya ay binigyan ko sya ng makahulugang tingin.
Yung tipong nagsasabing "iori uwi!!" Sabay talikod ko at lakad pabalik sa tinituluyan namin.

"O Kei asan si Iori?" Bungad ni Greg.

"Nakikipag usap sa kabayo" sagot ko sabay upo at dampot nung sandwich.

10minutes na ang nakakalipas ay di pa bumabalik si bansot at napansin ni Greg ang madalas kong pagtingin sa wrist watch ko.

"Ang tagal ni Iori no?" Tanong nya. Pang asar talaga to paminsan minsan!
Ewan pero mainit ulo ko ngayon.

"Nandito na po ako"

"Pfft. Ang tagal mo kanina ko pa gusto magkape!"

"Sorry po Master, si Jules kasi"

"Paki ko? Asan na yung kape?!" Buong sungit kong sagot.

Kaya natataranta syang kumuha nag kape.

"Kei, nakapag pakulo na si Iori ng coffee beans nandun na ilalagay nalang sa tasa di nya dala sa labas" sita ni Greg sakin pagka alis ni Iori. I know what he is pointing out. Wala kay Iori ang kape nasa kusina kukunin ko nalang.
Di ako umimik.
I know nagpakulo na sya dahil pag nagprepare sya ng almusal package bawal ang kulang kasi mapapagalitan ko sya.

"Eto na po master. Tatawagin ko na po sila Gonn sandali"
Paalam nya

"Hindi. Maupo ka" strict kong pagkakasabi. Kaya sumunod naman sya. Tahimik kaming kumakain nang dumating yung kambal.

"Good morning!" Bati ni Louie at Gonn

"Good morning din. Maupo na kayo ikukuha ko kayo ng pagkain nyo" sabi ni Iori.

"Hoy Keiyots bat ang tahimik mo?" Puna ni Gonn.

"Wala. Lalabas muna ako magpapahangin" tumayo ako at lumabas.

Nagpunta ako sa customer's assistance para magrequest ng duyan.
Sakto kasing may dalawang puno ng nyog sa may nirerentahan namin.
Parang trip ko mag duyan muna para makapag relax tinatamad pa akong maligo e!

Naupo ako sandali para atayin yung ipapadalang duyan nang may nakita akong kabayong may dalang duyan.

Peste! Pwede namang tao ang magdala bakit naman kabayo pa!

"Sir eto na po yung duyan san nyo po gusto ikabit?" Tanong nung nagsasalitang kabayo.

Alam ko kitang kita ko nga e! Tigin mo bulag ako? San mo ikakabit? Gusto mo sa leeg mo! Bad trip di marunong gumamit ng common sense. Kitam nakaupo ako sa may dalawang puno nang nyog magtatanong pa! Sa isip isip ko.

"English please" tipid kong sabi.

"Ah I'm asking where do you want to hang this?" Tanong nya

On your neck" sagot ko.

Bakit ba e sa naasar ako!

"Ahahaha palabiro po pala kayo sir" natatawa nyang sagot

Pwede bang sabihing hindi biro yun?!

Inalis ko ang suot kong shades

"There. 3ft above the ground" turo ko sa may puno ng nyog

"Wait, you look familiar. I think i know you? Ah yeah right i remember. Your from Yoshida right?"
Tanong nya.

Pwede bang sabihin wala kami sa talkshow kaya wag akong interviewhin?!

"Uhm yeah" tipid kong sagot

Ang totoo? May radar ba to? Bakit tila nagpapatagal pa to dito? Buti di pa lumalabas si Bansot!
Nakita kong papalabas si bansot kaya iniwan ko yung kabayo, nakasalubong ko si bansot at hinila ko papasok ng tinutuluyan namin ng walang kaabog-abog.

"Master? Bakit po?" Takang tanong nya.

"Bawal ka lumabas naiintindihan mo? Dito ka lang sa loob" strict kong pagkakasabi



"O Kei bakit mo pinagbabawalan si Iori lumabas?" Sabat ni Gonn, di ko napansin na nadoon pala yung tatlo.


"Iori pasok sa kwarto mo. Wag na wag kang sisilip ni dudungaw sa bintana naiintindihan mo?" Daig ko pa ang isang tatay ngayon.


"Opo master" mahina nyang tugon at saka sya umalis.

"Oi Kei kanina kapa nagsusungit tapos ngayon ayaw mo palabasin si Iori sa kwarto ni pasilipin sa labas" puna ni Greg.

"Pfffttt. May taga Athren sa labas ngayon" tipid kong paliwanag.

"Aaaahhh" pa-chorus nila.

"E bakit parang mainit lalo ulo mo?"



"Wala"
Pag iiwas ko.

"Weeehh?" Si Louie

"Utot" saad ni Gonn


"Ako alam ko" si Greg


"Talaga? Ano yun? Share! Share!!"

Prinsesa ng KapalpakanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon