Prologue

15.7K 441 53
                                    

Manila, Philippines – Isang maingay na lugar. Maraming makikita, maraming mamamasdan, maraming pasyalan. Makulay at halos lahat ng klase ay mahahanap mo dito; Galing sa mga normal papuntang sa mga abnormal, mula sa mga tao patungo sa mga taong mukhang hindi naman tao. Chos lang!... Sa mga malalaki at maliliit, sa maiilaw at sa mga madidilim. Sa halos lahat na yata – Ito ang sentro. Sa kasamaang palad, ay naistranded pa rin kami dito dahil sa di matapos-tapos na shoot. Gusto ko nang bumalik ng Singapore! Yun lang!

"BILISAN MO!!! Hindi na natin siya maabutan! This can't be... THIS CAN'T BE!" ang hingal kong sigaw sa aking ever kupad tumakbong bestfriend. Kahit kailan talaga itong babaeng ito ang sarap painumin ng horse vitamins. Walang laban sa takbuhan eh. Halos lahat na nga ng tubig ko sa katawan ay lumabas na sa walang tigil naming paghabol sa ugok na paparazzi na iyon. Bwisit! Hindi niya pwedeng mailabas sa media iyon.

                Asan na ba yun? Lumiko ba dito sa kanan? O dito sa kaliwa? Kyaaaahhhlala! Nalost na siya sa paningin ko. Naku talaga!

Napatigil ako sa daan na habol parin ang hininga. Buti nalang talaga at walang tao masyado sa bandang ito dahil baka pagpiyestahan kami lalo ng mga tsismosa.

                "Sorry naman ateng!... *hingal* Hindi ko din mahabol yang pangkarera mong takbo... *hingal* disadvantage ko lang talaga na wala akong lahing kabayo noh!" ang reklamo ni Coring na ilang metro pa ang layo sa likod ko. Nakakatawa man ang itsura niya sa ngayon eh hindi ko maatim na matawa sa sitwasyon.

                Kailangan namin kasi talagang makuha yung camera nung ulupong ni Janice na kumuha ng picture namin kanina ni Mr. Rosales habang nag-uusap sa restaurant. Baka kasi misleading nanaman yung lumabas sa media eh tsaka nasa gitna pa naman kaming dalawa ng tsika ng pakikiapid. NKKLK! At Duh! Wala naman talagang katotohanan. May sumisira lang talaga sa akin. At lalo akong masisira dahil sa nakakaurat na lalaking alamang na yun. Grrr!

                "Ano nang gagawin natin ngayon coring?" ang maluha-luha kong tanong kay bestfriend. This is hopeless na talaga. Naupo na kami sa isang bench na napapaligiran ng plenty of trees (bagay sa moment).

                "Well, we can do the routine na naman Pete pag nasa situation na ganito. Let us just explain to the public kung ano ba talaga yung pinag-usapan ninyo ni Mr. Rosales... Kung ba't pa kasi humabol pa talaga dito yung gurang na yun para lang kausapin ka. Pwede naman siyang makipagkita at maghintay sa Singapore diba?" anas ni bestfriend na nasa tabi ko't hinihingal pa rin. Para na kaming mga basang timang dito.

                Si Mr. Rudolf Rosales is one of our company's investors na umaming type ako nung first day na nagkita palang kami. Nashock ako siyempre and I resisted dahil nga may asawa na siya and ayoko talaga sa kanya for froglet's sake. Pero makulit ang hustler and everyday siyang nagvi-visit sa office to talk about nonsense. Until na even his wife confronted me dahil sa mga pictures daw of our dates eh hindi naman talaga dahil purong business meetings lang naman iyon. Ewan ko lang talaga dyan sa media na yan. Over kasi maka-glorify ng mga bagay-bagay. Hanggang ngayon eh ganito nga ang nangyayari. Ermergerd! Bahala na nga.

                I decided na sundin nalang yung suggestion ng magaling kong bff at naglakad na papuntang highway to get a cab. Baka mamaya pa eh may makakita sa amin dito. Masyado pa naman mainit ang mga mata ng media dito sa Pilipinas na halos nilalagyan ng issue ang galaw ng bawat isa. Kaya naman eh mas gusto ko talagang mag stay sa Singapore para peaceful ang buhay ko. Kundi lamang dun sa MV project ko dito na isang bakulaw pa yung artista. What a small world talaga. Anyways, I'm gonna leave naman bukas kaya back to normal nanaman ang buhay ko.

                "I believe this is yours..."

                "Ay Normal!" Haru! Mamamatay ako agad sa pagkagulat. Kung ano-ano pa naman ang nasisigaw ko kapag nabibigla. May bigla nanaman kasing sumusulpot na nilalang eh na hindi nagpapasabi. Nasa likod namin nanggaling yung boses. Lumingon kami pareho ni bff nang sabay at sana pala ay di nalang ako lumingon dahil sa lahat ng ayaw kong makita ay siya pa ang nasilayan ng gorgeous eyes ko.

The City Gay (TBG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon