Sobrang init na talaga ng panahon. As in hindi ko kinakaya ang nakakabarbekyung heat na pati aircon ng hotel room ko eh bumibigay na din ata. Puro tubig nalang siguro yung kayang palamigin nito. Tumutunog pa siya kaya I'm worried na baka bigla nalang sumabog at maapektuhan ang aking kagandahan. Kaya naman napag-isipan ko munang bisitahin ang aming hacienda este bukirin sa Sta. Fe para naman malamigan ng konti ang aking hotness na gumuguhit.
Hindi ko nakumbinse sina Inay na sumama dahil nag-iinarte sila ng ate ko. Magmu-malling nalang daw sila. Iniwan ko na lang nga at mag-isang nagpahatid sa driver ko papuntang airport.
"Sir, baka wala po dun si Mang Wilfredo... balita ko po kasi may pinuntahan para daw dun sa pinapabili niyong lupa sa San Isidro. Makikipagkita ata sa bibilhan" ang sunod-sunod na imporma sa akin ni Mang Gary na matagal ko nang driver. Kapitbahay siya namin duon sa Sta. Fe kaya kilalang-kilala na namin siya. Ako naman ay busy sa pag-aahit ng kilay ay este pagchecheck ng schedule na ginawa sa akin ni Dave for next week. Nakakaloka nanaman at pinuno nya nanaman ang bawat araw ko. Inutil talaga siyang tunay.
"Ah ganun ba? Hmmm... sige, itetext ko nalang si Dreno at baka nakababa na ng barko" balita ko kasi na magbabakasyon din siya ngayong buwan. Buti at may contact pa ako sa poging seaman na iyon. Baka kasi maburyo ako sa pamamasyal sa bukid.
Mga ilang beses ko din siyang tinext hanggang sa nagreply na siya. Nasa kalagitnaan na rin kami ng byahe. Tamang-tama daw na kararating lang niyang nung isang araw kaya free na free siyang sumama sa akin sa pagmumuni-muni. Namiss ko na din siya.
Naglalakad na ako papuntang eroplano nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Hmmm... yung bakulaw tumatawag.
"Oh hello? Ano nanaman?" sabi ko pagkasagot ko. Medyo naiirita pa rin ako sa kanya kaya ganern ang peg.
[Nothing... san ka ba? galing ako sa hotel... wala ka daw] suplado niyang turan kaya napataas ang kilay ko.
"Do I really have to answer that question?" medyo may sarcasm kong sagot. Eh ba't ba? Ano din pakialam niya kung saan ako pupunta? Ang naaalala ko eh artist ko siya at ako ang director niya. Hindi ko siya boss para malaman niya kung nasaan man akong lupalop ng earth.
[Pssshh... I located your GPS... I'll be there, wait for me] aba eh! Baliw talaga! Binabaan pa ako ng call. Grrrr! Bahala siya. Kaya naman I set my phone sa Airplane mode para wala nang makaistorbo pa sa akin. Pete! Gusto mo lang mag-relax... wag na wag kang mai-stress! My ghad!
Nasa loob na ako ng eroplano pero parang antagal naman ata ng take-off namin. Wala pa din akong katabi dito. Siguro siya yung hinihintay. Medyo hindi talaga maganda ang araw na ito para sa akin. Maya-maya pa eh may tumabi na sa inuupuan ko. Buti ako yung nasa may bandang bintana para natatanaw ko ang napakandang kalangitan at di siya pansinin.
"So, you're going on a vacation na hindi ako niyayaya?" preskong usal ng katabi ko. Nakilala ko agad ang boses niya kaya naman biglang umakyat sa ulo ko ang dugo ko. Hindi ko nalang pinansin at baka pasabugin ko yung dala kong bomba dito. "Hey? Been so stubborn naman ah?" pagpapatuloy niya pero hindi siya nagwagi dahil ipinilig ko nalang ang ulo ko sabay pasak ng aking headset. Nandito ako para kalimutan ang trabaho hindi para mag-entertain ng mga bakulaw.
Halos higit tatlong oras din kaming nasa byahe papuntang San Isidro. Hindi niya talaga ako tinantanan at talagang wala akong nagawa kundi isama nalang siya sa isang araw kong bakasyon na para sana eh para lang sa aking sarili.
Bigla kong naalala si Dreno. Siguradong hindi magiging kumportable ang isang iyon pag nalaman niya kung sino ang kasama ko.
"It's been a while... marami na ring nagbago dito ah... medyo namiss ko itong lugar na to" dinig ko sa mag-isang nagsasalitang bakulaw. Katabi ko siya dito sa isang upuan ng terminal habang naghihintay sa pinadalang driver ni itay. Totoo ngang wala siya at bukas pa daw ang balik.
BINABASA MO ANG
The City Gay (TBG Book 2)
HumorHeto na ang pagpapatuloy ng buhay ng ating barrio beki na ngayon nga ay nasa City. Cover by @xxbamchuxx