Ako po ay nalulungkot na hindi pa rin makapag-update nitong 2nd book ni Pete. Humihingi po ako ng pasensya sa lahat ng nagmamahal sa aking mga gawa dito sa wattpad. Mapapansin ninyo na halos ilang taong natengga ang librong ito dahil sa napakaraming kadahilanan gawa nga ng maraming pinagkakaabalahan bilang guro, director, content creator at iba pa. Gustuhin ko man pong magpatuloy ay hindi pa rin ako pinahihintulutan ng aking busy schedules. Kaya 'please bear with me'.
Pero ang announcement nito, hindi man related sa update ng librong ito, ay para pa rin po sa inyong aking tagasuporta. Bago pa man ninyo mahalin ang #TheCityGay ay nauna ninyo nang basahin ang #TheBarrioGay.
Nae-excite akong sabihin sa inyo na ito ay isang ganap na published book na under the publishing house LINES OF LOVE PUBLISHING at magsisimula na ang PRE-ORDERING ng #TBG sa February 15, 2022.Sa muli, bilang inyong mahal na author, ay humihingi po ako sa inyo ng suporta. Alam ko pong magiging memorabilia ito para sa mga nagmahal kay Pete. Malay niyo, may mga mabasa kayong bago na hindi niyo pa nababasa sa wattpad version. Oh di ba?
Sa mga nais bumili ng aking libro, pwede ninyo po akong padalhan ng message sa aking facebook: LEMUEL FRANCE DE RAMON or kaya ang LLP facebook page 'Lines of Love Publishing'.
Maraming salamat at sana ay pagpalain pa tayong lahat. Mahal ko kayo mga barriotics!
-L. de Ramon
BINABASA MO ANG
The City Gay (TBG Book 2)
HumorHeto na ang pagpapatuloy ng buhay ng ating barrio beki na ngayon nga ay nasa City. Cover by @xxbamchuxx