"Sir, I think we found your son" aniya ng matikas na lalaking tila imbestigador sa kanyang kasuotan. Makikita naman na kausap niya ang abala sa kanyang iPad na si Mr. Skluvich. Napaangat ito ng tingin dahil sa narinig.
"I want everything to be sure before I could meet him"
"Yes sir. We are still doing follow up profiling about him... you can assure Mr. Skluvich that you can finally meet your son next week" anito sa napakapormal na tono. Napatango naman ang kausap at lumingon sa malawak na bintana ng kanyang inuupahang hotel.
"I will meet you sooner son. I will make it all up to you" pagkausap nito sa sarili.
Hinalungkat niya ang kanyang maliit na bag na katabi niya at may dinukot doon. Tiningnan niya ang larawan ng isang magandang babae.
"Honey, I promise to introduce you to him, to our son" at bigla naman tumulo ang kanyang luha matapos isambit iyon.
---*Ding Dong*
"Nandyan na! Wait lang!" sigaw ko sa kung sino man yung nasa pintuan. Nagmadali akong gumalaw. I was excited and I don't know why. Ugh! Weird feelings.
Tumakbo ako papuntang pinto.
"Good morning" ang nakasmile na bati ni Miguel nung pinagbuksan ko na siya. Bigla naman akong parang na-disappoint. Ang weird ko ba talaga? Pasensya po.
"Oh, Miguel, do you need something? M-may naiwan ka ba kagabi?"
"Nah, just gonna fetch you to your location today. Dun din kasi punta ko"
Alangan pa din ang reaction ko sa binatang nasa harap pa din ng pintuan ng unit ko. Hays! Jason, san ka na ba? Iligtas mo ako sa sitwasyong to. Charot!
"Ah-eh ganun ba? Wala ka bang ibang lakad ngayon? Okay lang naman na di mo na i-check yung shoot kasi may mga representative naman kayo dun right?"
Nahahata bang parang pinagtatabuyan ko siya? Wag naman sana.
"Wala naman. I cancelled all my appointments today." Nakangiti naman niyang tugon. Naku naku Miguel! Wag yang mga smile na yan. Alam na alam ko yan!
"Ah uhm... just wait for me ha. Prepare lang ako. Pasok ka"
At yun nga matapos ko siyang mapaupo sa sofa ay nagmamaganda akong kumaripas papuntang kwarto para magbihis at maghanda. Nawalan tuloy akong gana mag shoot today. Eh kaso eh! Nag-iinarte na naman ako.
Maya-maya, habang nag li-lipstick ang dyosa ay narinig kong tumunog muli ang doorbell. Tila automatic akong napangiti. Muntik ko tuloy makagat yung mac lipstick kong hawak. Nagmadali na din ako't baka sabunutan na ako ni Coring sa set na kanina pa nagtitext sa akin na magmadali na.
Paglabas ko ng kwarto ay tila nabigla ang dalawang binata. Expected ko na din na si Jason yung pumasok kanina. Ang pogi niya sa polo and ripped jeans niya today. Hihi.
Pero teka. "Ba't natulala kayo dyan?" Para kasi silang nakakita ng multo mula nung paglabas ko. Hindi naman nila ako sinagot at napangiti lang sabay kamot ng batok. Huh? May dumi ba ako sa mukha?
Sabay-sabay na kaming lumabas. Nakakailang nga lang na dala-dalawa pa yung sundo ko. Ay ewan! Magpapagupit na talaga ako nitong apple cut ko!
"So kanino ba'ko sasakay?" Aniko nung tumambad sa akin ang dalawang magagarang sasakyan na pareho nilang dala. Pati ba naman ito kelangan pagdesisyunan? Charot.
BINABASA MO ANG
The City Gay (TBG Book 2)
HumorHeto na ang pagpapatuloy ng buhay ng ating barrio beki na ngayon nga ay nasa City. Cover by @xxbamchuxx