Para talaga kaming timang ni Jason habang kumakain dito sa isang japanese restaurant. Ngumingiti kami habang ngumunguya pero wala man lang lumalabas na words sa mga bibig namin. Actually, nag-away kami ng slight sa pagpili ng kakainan kanina. Gusto niya kasi eh sa mamahaling resto, eh bet ko sa simpleng pinoy kainan lang. Buti nalang at bet naman namin pareho mag try ng Japanese food tonight at right timing naman yung nadaanan namin malapit sa hotel. Napansin niya sigurong may iniisip ako kaya napatingin siya sakin nang may pag-aalala.
"You okay?" Anas nya. Bigla naman tuloy akong napabalik ng tingin sa kanya. Parang ewan talaga sya ngayon. Nakakapanibago yung ganyang attitude nya. Parang kaplastikan. You know!
"Uhm, yeah... May naisip lang ako" pabebe ko. Ewan din kung bakit ganito din ako ngayon. Basta ang alam ko eh ang pogi nitong bakulaw kong kasama. Eh naka jeans lang naman siya and plain white Tees. Eeehhhhh!!! Ngumiti lang siya na nagpasikip pa lalo ng panty ko. Natusok ko tuloy ng bongga itong sushi at tumilapon sa sahig. Nataranta ako na ikinangiti niya na nang lubos.
"Chill ka lang... Masyado ka namang nara-rattle sa presence ko" pagyayabang niya. Pero this cannot be! Ba't di ako makareact at feeling ko super red na ng mukha ko sa ngayon? Siguro dahil na rin sa Sake na iniinom namin. Oo yun nga! Di ako nakasagot kaya ngiting-ngiti na siya nang nakakaloko. Di ako makatingin sa kanya ng diretso. Iba kasi yung dating niya ngayon eh. Parang... Basta!
"I-I think I have to go now... diba may sched pa tayo tom for the last shoot?" Pag-divert ko ng situation.
"Yeah... Are you tired? Uhm, hatid na kita" ang sweet niya talaga. Dapat mag transform na ulit siya para matapos na itong weird feeling ko.
"Uhm, medyo" pero ayoko pa umuwi talaga. Gosh! Ano ba tong nangyayari mahal na poon?
"So, tara!?" Napako yung tingin ko sa kamay nya na nasa harap ko na ngayon. Nag-ooffer ata ng holding hands. Pasimple akong napalunok ng laway before tanggapin yun. Ngumiti siya ng ubod ng tamis kaya nagsipagtilian yung mga landi hormones ko.
Mabilis lang din naman yung moment na yun since inalis ko na din yung kamay niya nung naglalakad na kami. Pagdating sa hotel ay tumayo muna kaming magkaharap sa pintuan ng room ko. Siya din kasi yung may dala ng mga gamit ko kaya pinayagan kong ihatid niya ako hanggang dito.
"Dito na ako" tipid kong sabi. Nakangiti pa rin siya sakin habang nakapamulsa. Ako naman eh nilamon na ata talaga ng kahihiyan. "...uhm, thanks pala sa dinner... I had a great time" dugtong ko. This time nagkatitigan kami ng ilang moments. Super ganda pala talaga ng mata nya. And yung lips, and yung... Eeehh!! Erase!
"So, I better be going...thank you din" sabi niya din na inabot pa ata ng ilan pang segundo. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad papuntang elevator. Nag bye sign pa siya before nagsara iyon. After that, napatulala lang ako sa kamay ko at huminga ng malalim.
---
Haist! Naloloka nanaman ako sa insomnia na dulot nung dinner namin ng bakulaw kanina. Di ko talaga mawari kung bakit ganun. Iniisip ko kung tulog na ba sya? Or nakauwi na ba sya? Or...! Kyaaah! Ang gulo! Stress!Mas lalong naistorbo yung tulog ko nang dahil sa isang text niya in the middle of the night.
[Can't sleep... Gising kapa?]
Di ko alam kung rereplayan ko pa o hindi. Pero nakatitig lang ako ngayon sa phone ko. Nababaliw na ako! Patulugin mo na akong halimaw ka!
Pero di ako nakatiis...
[Uhm.. same here] text ko. Di muna ako maglalagay ng emoji baka mag isip siya ng ibang bagay.
BINABASA MO ANG
The City Gay (TBG Book 2)
HumorHeto na ang pagpapatuloy ng buhay ng ating barrio beki na ngayon nga ay nasa City. Cover by @xxbamchuxx