Gaze Philippines Inc.

8.1K 230 25
                                    

                Seryoso ngang naglalakad si Pete papuntang opisina ng isang sikat na producer who requested for his stay in the country. He was informed to have a meeting with him today by Gaze but still it is clear that he is really not into the situation. He knocked at Mr. Lee's office door and waited for about a minute before a man opened it for him. Mataray niyang tiningnan ito and wandered at the limited view behind the half-opened door. He was then amazed when the man offered him a seat inside. Mas lalo siyang namangha sa itsura ng office nito sa loob na puno ng halaman at mga bulaklak from different parts of the world.

Mr. Lionel Lee was a sophisticated man who made famous personalities on Philippine TV. He is also the one behind every success stories of films na pumatok talaga sa masa. Nadiskubre niya ang ating bidang beki noong napanuod nito ang gawa ni Pete sa isang Music Video Awards sa China a year ago at hindi na pinalampas pa ang presence ng sikat na beki ngayong nasa bansa ito. Gustong-gusto niya talagang makuha ito bilang director ng mga new projects niya.

Balik tayo sa nakaupong de quatro na si Pete na pinapanuod lang ang mga flowers sa gilid niya. Mr. Lee, seated on his office swivel chair, was also busy doing something on his PC na naistorbo ata kanina nung dumating si Pete. It didn't take long when he stood and approached the gay man. Tiningnan din siya nito.

"Thanks anyways for giving me a chance to have a talk with you about this dream project... I hope this will not be that big for you" mabait nitong saad sa gitna ng tahimik na tagpo. Ngumiti naman ng matipid si Pete at tumango bago nagsalita.

"It's okay Mr. Lee... I think it's fulfilling naman to actually help your kababayans" medyo plastic nitong tugon. Mahahalata mo ito talaga kasi sa kanyang ikinikilos. Hindi rin siya kumportable sa pakikipag-usap. At higit sa lahat ay naiinis pa rin siya dahil hindi pa siya makakabalik ng Singapore.

"Well, thank you again..." the 30-year-old man just said and nodded – and felt the awkwardness of the silent but fierce Peter de Jesus.

"So, mga ilang araw po ba ang time frame ng shoot natin?" medyo rude na tanong ni Pete. Binato lang ito ng kausap ng isang ngiti tsaka na sumagot.

"I'm thinking of a mon—" pero hindi na natapos pa.

"A MONTH???" singhal ni Pete na nakataas ang kilay. But then he recognized din naman agad his behavior kaya nag act-normal na ulit ito para naman hindi masyadong ma-offend si Mr. Lee na ngayon eh napanganga na sa biglaang pagsabat sa kanya ni Pete. Nagpatuloy si bakla sa kanyang speech, "...Uhm, I'm sorry for that... masyado lang siguro po akong nabibigla sa mga bagay-bagay... Hindi po ako nainfom eh"

Ngumiting muli ang lalaking kausap at may kung anong chineck sa kanyang filer. Muli itong tumingin kay Pete. Si Pete ay nakatingin na ngayon sa malayo dahil na din sa hiya at awkwardness. Sandali na silang nag-usap at maayos ding natapos ang meeting nila. Nagkasundo silang gawing hindi consecutive days ang kanilang shoot for Pete to at least visit his office in Singapore from time to time. They shook hands and lumabas na din ang seryosong si Pete sa office nito.

Natanaw niya ang bestfriend na seryoso ding kumakain habang naghihintay sa lounge ng building. May kausap ito sa phone ngunit nang mapansin siya nito ay agad nitong binaba ang call and smiled at him.

"Sinong kausap mo't parang kinikilig ka nanaman diyan?" pag-usyoso ng ating bidang beki.

"None of your business..." ang mataray nitong tugon kaya naman ay nakatikim ito ng maarteng batok sa ulo mula kay Pete.

The City Gay (TBG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon