The Date

6.6K 258 34
                                    

                                    So, nasa loob na nga kami ng kabog na car ni Miguel at kasalukuyang binabaybay ang walang ka-trapik trapik na EDSA. At syempre nag-iimagine lang din ako dahil kanina pa ako nabuburyo sa walang imikang moment namin ng lalaking ito. Puro pabebe lang at ismid ang nangyayari. Halos mabasag na nga yung mga glass window nitong kotse sa talim naman ng tingin ko sa kanya. Hindi pa rin kami makapag-decide kung saan papatay ng gutom until na nakakita ako ng isang simpleng restaurant sa gilid ng daan na super konti lang yung tao. Kaya naka-isip ako ng bright idea.

"parang like ko kumain nalang sa ganyan... namimiss na kasi ng mga bulate ko yung pinoy putahe... nakakasawa din yung puro dahon at prutas lang yung kinakain ko" suhestyon ko sa busy sa pagdadrive na fafabol. Ngumiti muna siya bilang introduction bago tumango at niliko ang maneho ng sasakyan. Nang makapag-park na kami at makalabas na ng kotse ay may nakapansin siguro sa kagandahan kong isang gurlet. Nilapitan niya ako sabay nagtititili na ikinabigla ng shock hormones ko. Hindi ako prepared sa fan invasion na nagaganap kaya kinuha ko nalang ng walang pasubali ang kanyang dalang camera at nagselfie kasama siya. Natulala tuloy ang bruha kaya nilampasan ko nalang at sumunod na sa kasama ko na kanina pa pala nasa loob ng kainan. Kainis! Kitang gutoms na ako.

Inabutan ko siya sa loob na tumitingin sa menu na parang hindi niya mawari kung anu-ano ang lasa't itsura kaya naman inimbitahan ko nalang siyang maupo at ako nalang ang nagprisintang umorder.

"Hindi ka sanay?" ang biglaang tanong sa natutulalang si Miguel. Tulala sa pasok kong ganda! Charaught! Tinawanan ko siyang impit at naupo na sa harap niyang upuan.

"Medyo eh... sorry ah" alam ko kung bakit siya nag-sorry kaya di ko nalang pinansin at nagcheck nalang ng phone ko. Ilang ngitian din kami bago sinerve yung pagkain. Siyempre dahil hindi naman na ako nahihiya sa kasama ko eh diretso akong lumamon dahil sa kagutuman. Grabe! Ganun na pala talaga yung gutom ko. Isisi sa EDSA!

May mga kwentuhan din namang ganap hanggang sa lumabas na kami't nag-isip ng next location para kumain. At siyempre joke lang naman kasi kasalanan na yung katakawan at bawal din naman sa inaalagaan kong figure.

"Saan masaya mag-shopping dito?" ang galak kong tanong pero di siya kumibo. Paglingon ko eh nakamasid lang pala siya sakin kaya kinurot ko siya sa tagiliran para matauhan. At naging successful naman kasi bigla siyang nahiya at napakamot nalang ng ulo. Kaya inulit ko yung tanong.

"Ah eh... I dunno, I'm not used to shop sa mga mall... Online nalang kasi ako nakakabili... you know, business...hehe" yung sagot niya na may mga spaces in between time talaga. Nagkakamot lang siya ng batok na parang may higad duon kaya na bother ako. Anyways, ako nalang ang nag-decide kung saan kami pupunta. Naalala ko yung kaninang lugar kung saan kami nagtagpo nung bakulaw. Parang bet ko dun mamili. Kaya naman dinescribe ko yung lugar dahil hindi naman sa akin pamilyar tong siyudad na nagets naman niya agad kung saan. When we get there, ay nagshades ako para naman safe sa mga umaaligid na fans club. Kasi siyempre feeling ko artista ako dito sa Pilipinas. Halos di naman kami makapag-usap ng pormal kasi sunod lang naman ng sunod si Miguel. Parang kanina lang eh siya yung nag aapproach sa akin. Ngayon parang umatras bigla yung dila.

---

Hindi mawari ang nararamdaman ni Miguel na sa ngayon ay kasama ang taong minsan nang naging espesyal sa kanya – Si Pete. Para siyang timang na sunod ang sunod lang sa beki habang namimili ito ng mga damit at iba pang nais nitong tingnan. Parang may kung anong kumikiliti sa kanyang dibdib sa presensya lamang ni Pete. Na kahit hindi siya nito kausapin ay ayos lang na maghapon silang magkasama. Natutuwa siya at hindi makapaniwala na yayayain siya nito sa tila date sa unang araw ng muli nilang pagkikita. Hindi pa rin talaga mawala sa kanyang puso ang nararamdaman sa direktor ng Gaze. Pero hindi niya pinapahalata iyon dahil ayaw niyang muling iwasan ni Pete. Nabahag na muli ang kanyang buntot na kausapin ang ating bidang beki sa mga ganitong bagay.

The City Gay (TBG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon