Hot Day!

5.8K 207 36
                                    

                Kainerns! Imbiyernakulo nanaman ako sa diwa kong di madalaw-dalaw ng antok! Buwisit kasing bakulaw na inutil. Ginulo nanaman ang dati ko nang magulong utak. Wala na ba talaga akong pahinga sa mga eksenang kinagigimbal palagi ng daigdig ko? Naku ha! Ang sukal na masyado nitong iniisip ko. Kailangan ko nang magpahinga for heaven's sake.

At dahil nga di ako makatulog ay naisipan ko nalang mang-istorbo ng tao. Maghihiganti din ako't magpapasa din ng sumpa ng insomnia. Tinawagan ko ang napakagaling kong assistant slash manager na ubod ng stress.

[Hello? Why called late?] yung tila naalimpungatan niyang bungad sa tawag ko. In fairness, pinag-dial pa ako ng damuho ng ilang beses bago sagutin yung tawag ko.

"Nothing... I just thought if you WOULD CARE to give me my sched for tomorrow because I still don't have it until THIS TIME of the day!" ang medyo sarcastic kong signature na pagtataray. Akala nya siguro makakalusot siya sa pag skip ng reminders sa akin. Naku! Naku! Hindi pwedeng basta nalang siyang tatawag bukas at pagmamadiliin ako.

Sandali rin siyang napatigil bago ako muling sagutin. Tulog pa ata ang lalaking ito. Nadinig kong parang may kinuha siya. Papel or something. Well, obvious kasi sa tunog.

[10 a.m. Someone will fetch you. Bye] walang gana niyang saad sabay bastos na binaba ang telepono. My gas! Nakakapagpabilis pulso! Humanda ka sakin bukas!

Hay antok! Anuba naman! Dalawin mo na ako.

Lumabas ako ng sarili kong hotel room, naglakad at kumatok sa silid nina Inay at ate. Pero wala din. Nasa gitna na din sila ng kahimbingan. Hmmmm... Pagbalik ko sa kwarto ko ay tumunganga nalang ako sa kawalan. Hindi ko na din napansin kung anong oras na ako tuluyang nakatulog.

Halos kakaidlip ko lang nung tumunog na yung alarm ng phone ko. Muntik ko na ngang mabato sa pagkabuwisit. Narealize ko din na hindi ko pala abot yung mesa na pinaglagyan ko nun. Tamad akong bumangon at pumanao na sa aking beauty rituals.

Tamang-tama din naman yung pagtatapos ko sa aking humigit kumulang isang oras ng paghahanda. Nagtext na si Dave na dumating na daw yung sundo ko.

Nang makalabas ng hotel ay nabigla ako sa presensya ng di ko inaasahang makita sa ganitong oras ng araw na ito. Tumingin siya sa akin at iginiya ako sa pintuan ng kanyang dalang sasakyan? Anong ibig sabihin nito? Wala ata ito sa choreography ah? Wala sa blocking!

"And what are you doing here... again?" inabot nanaman ako ng katarayan 101. Halos di na nga ma-measure yung height ng kilay ko. Umiling ang bakulaw bago ako sagutin. Di ko talaga siya masindak ever since.

"We will be late... So stop asking" sabi niya naman na nagpakulot sa straight kong pag-iisip. May question mark man sa ulo ay sumunod pa rin ako sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse. Buti at marunong pa rin naman siya ng chivalry.

Mga ilang minuto din kami na nasa byahe. Siyempre as usual eh walang kibuang naganap at whatsoever. Kilala niyo naman siguro yang bakulaw. Hindi pinaglihi sa pwet ng manok pero sa regla oo. Buti nalang kamo at bagay siya sa pagsusungit niyang ganyan. Pinark niya na yung kotse pero bago bumaba, tiningnan ko muna yung paligid. Mamaya eh baka nasa ibang planeta na kami't baka bigla nalang akong hablutin ng kung sinong alien. Nasa hindi mataong lugar kami ng maynila. May hilera ng mga sosyal na restaurant.

Natanaw ko ang staff and crew ng Gaze na abala sa pagseset-up ng shoot namin. At siyempre hindi ko pinalampas na hanapin ang bwisit kong manager at mapepekutusan ko talaga. Pero bigo ako't alam niya na siguro na dapat eh wag siyang magpakita ngayon sa akin dahil hindi lang sabon yung aasahan niya sa akin. Pati shampoo ibibigay ko sa kanya. Chauraught!

The City Gay (TBG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon