Buhok

3.7K 145 33
                                    

"Jason! Tumakbo ka na! Baliw ka talaga!"

"Hindi ako mamamatay! Nakalimutan mo na bang masamang damo ako!?"

"Kahit kelan masakit ka talaga sa bangs!"

Pero nagpatuloy siya sa pagpapaputok ng baril habang patuloy din sa pagpasok sa abandonadong building. Hindi ko din alam pero biglang ganito na pala ang eksena at naloloka na ako. Nagpapaka hero siya bigla bigla. Kanina pa kasi kami hinahabol ng mga alien na alagad ni Janice. Di ko gets na may baril na si Jason. Pero in fairness, ginagalingan din niya. Nawala ako bigla sa ulirat at napansin nalang ang nakahandusay na bakulaw. Hindi!

"JASONNNNN!!!"

  Napamulat ako bigla ng mata. Pero na surprise ako sa face ng bakulaw na nakangiti sa aking harapan habang tinititigan ako. Haist! Dream lang pala iyon. Akala ko naman kung...

"Kain na tayo" pag-anyaya niya na ngingisi ngisi pa rin. Pag-alis niya sa harapan ko upang tunguhin ang kusina eh napaamoy ako ng breath ko. Baka kasi napanis na kakatulog. Napansin kong gabi na pala. Ang haba nga siguro ng tulog ko't nanaginip pa ako ng mga ganun.

Pagsinghot ko ay nalanghap ko yung bango ng niluluto sa kusina. Mukhang may talent din ang isang ito sa mga ganyan. Napangiti tuloy ako ng pa secret.

Pinilit kong bumangon kahit na tinatamad ako. Sumakit pa yung likod ko dahil nakatulugan ko yung paupong posisyon sa sofa. Napansin kong naalis na yung kalat na Si Jason na siguro yung nag-ayos. Haist! Kahit kanina pa kami magkasama eh di pa rin talaga nawawala yung awkwardness. Feeling ko I have to check my face first before siya harapin na siya na ngang ginawa ko before going to my kitchen.

Pagpasok ko ay tumambad sa akin ang nakangiting bakulaw na naghahanda ng mga oh-so-delicious tingnan na mga pagkain. Meron ding favorite kong daing na pusit. Ohmo!

"Anong meron?" ani ko sabay tawang impit. Siyempre may matching pabebe. Nilingon niya akong muli pero nag smile lang siya.

"Uhm, just applying what I learned from my culinary class..." he's saying these habang busy pa rin sa pag-aayos. Giniya niya ako na maupo na sa tapat na upuan ng kanya. May mga ganyan pa talaga siyang paandar na hindi ata kinakaya ng estrogen ko. "...alam mo na for the future" pagpatuloy niya.

Ayoko mag-assume pero parang may nais tumbukin yung last lines niya. Pero knowing me, best in acting ako na di masyadong affected. Although, sa mga panahon ngayon parang nagpi-fail na ako at kusa nang bumibigay talaga. Yung parang, you know, yung basta, ganun!

"So may pa culi-culinary ka na ngayon ah... super bored ka na ba sa mga projects mo?" sita ko na ikinatawa lang niyang tipid habang ngumunguya. Ang cute nun.

"Hindi naman sa ganun... Medyo inspired lang" sabay tingin ulit sa kin habang nakangiti. May ghad! Panty! Wag ngayon!

"Mukhang super inspired ka talaga ah... nahahalata sa kanin sa bibig mo" biro ko sa kanya pero totoo. Ha? Anudaw?

Nagtaka naman siya sa sinabi kong di niya ata gets kaya ako na mismo yung nagkusang nag-alis ng kanin sa gilid ng bibig niya na kinabigla niya't kinamula. Pero parang ako eh namula din sa gesture kong ganun. Ano ba Pete! Pahamak yung kamay mo!

Pero after ng ilang seconds sumilay yung ngiti sa labi niya. Kaya mas lalo akong nahiya't napayuko nalang ako ng ulo bigla sabay ngiti. Eeeeehhh!!!

Bago pa man ako makapagsalita ay nauna na siya. "So, uhm, kelan yung resume ng shoot natin"

"Ah, eh, baka tomorrow na ulit kasi nakapag rest naman na din tayo diba... and baka kasi magalit na si Mr. Robles if matagalan yung shoot" awkward pero naitawid ko na rin.

Pero di na siya sumagot. Actually, tumango lang. Napansin ko na tila nahihiya siya kaya quiet na din akong kumain.

After ng silent dinner namin eh naisipan kong ako na ang maghugas ng pinagkainan. Akmang aayusin ko na yung mga plates nung nagkasabay na humawak yung mga kamay namin dito kaya nadagdagan nanaman yung mga moments na ewan.

The City Gay (TBG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon