"Yeah... I just checked my mails this morning and nakita ko nga yung letter from that person and it's just weird that he knows me. Do you know him?" Pag-eenglish ko kay Dave na kanina pa din ako kinukuda ng english. Ke aga-aga.
"Nope." kasing ikli ng buhok ni Dora niyang sagot. Wala talaga akong maaasahan sa kanya. Mukhang busy nanaman sa kung ano. Kaya pinatay ko na yung tawag.
Kanina pa ako naba-bother sa sulat na nasa kamay ko ngayon. Parang ewan lang na kilala niya ako't may pa "my son" pa siyang nalalaman na kesyo he wanna meet me daw and tell everything about where I came from. Natulaley ako ng ilang minute din sa kaiisip pero wala eh. Walang record ng pangalan niya sa utak ko.
Anyways kailangan ko nang mag-move at marami-rami pa akong tatapusing editing and mga chuchu about sa dalawang projects ko dito sa Manila. Ilang oras din akong nakababad sa computer at kapag titigil ako saglit to take a rest eh biglang pumapasok sa thoughts ko yung sulat kanina. Nahihiwagaan talaga ako eh. Paanong kilala niya ako at tila may alam talaga siya sa nakaraan ko. Alam kong alam niyo din na may mga bahagi ng buhay ko na nananatiling misteryo hanggang sa ngayon.
And then I noticed my phone vibrating na medyo nagpagising ulit sa lutang kong diwa. Napasmile akong automatic nung nakita ko ang pangalan ng taong hinihintay kong magtext kanina pa. Ang landi ko na niyan. Pasensya na.
I'll fetch you at 5pm. Be ready. ☺️
May mga paganyan siyang sms na nagpatalbog sa mga malalandi kong hormonal imbalances. Lakas niya din talagang bakulaw siya sa mga ganyan. Ngayong ang problema ko lang eh dala-dalawa na yung bumabagabag sa brain cells ko, yung letter at ang panghaharot sakin ni Jason.
Maharot talaga siya at nadadamay lang ako. Charaught!
Hindi na tuloy ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. So, nagtimpla nalang ako ng kape at tinawagan ang napaka dyosa kong bff.
"Oh coring, wag mong sabihing may date ka nanaman ngayon?" Pambungad ko sa kanya.
Pero tila di niya ako narinig kasi nadidinig ko siyang tumatawa sa kabilang linya at parang may kausap na lalaki. Naku naku naku talaga tong Coring na ito."Ay! Sorry mare, anong atin?" Napansin niya na sigurong on-call na ako kaya ako na yata ang kausap niya.
"Kahit kelan Dyosa ka ng kalandian! O sya, I'll go direct to the point since may dat.. Uh, I mean, may ginagawa pa ako-" pinutol niya ang sasabihin ko. At parang alam ko na kung bakit.
"Wu-wait date? Seriously?"
"Wala akong sinabing ganyan bruha ka"
"Yeah right!" He's mocking me. Hindi mo talaga din malulusutan ang isang ito. Bakit ba kasi ganun din yung pagkakasabi ko. Nag-aassume ka nanaman Pete!
"And sino naman yung makaka date ko aber?"
"If I know"
"Enough na nga with that... I sent you an email just now and pakireview para sa akin. Naistress ako dyan kaya ipapasa ko sayo. Kbye." Hindi ko na siya pinatapos since alam ko na magcocomplain nanaman siya. Napatawa nalang ako sa villainess ko. Bahala siya mamroblema dyan.
After hours ng pagtatrabaho na hindi pa rin kumakain, bigla kong narinig na nagrereklamo na ang aking cute na tummy. Paano ba to? Tinatamad pa naman akong bumangon at baka mawalan na ako ng gana sa ginagawa ko. What to do? What to do?
Aha! Bright idea! Kaya kinuha ko ang phone ko to dial a number.
After few rings, agad naman siyang sumagot. "Hey? What'up?" Ang cool ng pagkakasabi niya kaya kinilig ako ng slight.
BINABASA MO ANG
The City Gay (TBG Book 2)
HumorHeto na ang pagpapatuloy ng buhay ng ating barrio beki na ngayon nga ay nasa City. Cover by @xxbamchuxx