Di ako mapalagay sa presensya ng dalawang ulupong na bisita ko na nasa aking harapan sa ngayon. Nagkatipon kasi kami dito sa malaking salas nang hindi sinasadya. Ang bakulaw kasi naabutan akong nakaupo lang dito at nagbabasa samantalang kakapasok lang ni Dreno after niyang i-check ang kanyang kotse sa labas.
Pero keber at walang kibuang nagaganap. Only that, nagkakasukatan ng tingin ang dalawang boylet. Ramdam ko ang tensyon kaya naman tumayo na muna ako't pumunta sa kusina. Kukuhanan ko muna sila ng makakain at baka madamay pa ako sakaling mag pang-abot pa sila doon. Baka mawasak pa ang araw ko't mapauwi ko sila nang wala sa oras.
"Ser, ang popogi ng mga bisita mo ah... sino po ba yung dyowa nyo dun?" entrada sa akin ni Miling na head ng mga maid dito sa malaking bahay. Palibhasa super close din yan sa akin kaya nakakausap ako ng ganyan at kung hindi ay baka nakurot ko na kanina pa sa balun-balunan. Umismid muna ako sa kanya sabay taas kilay.
"Waley akong dyowa manang. Ang dami mong issue porke nakakita ng gwapo!" pagtataray ko sa kanya na ikinangising pusa niya lang.
"So, ikinaganda mo na yan ser Pete?" dagdag pa niyang panlaban habang tinutulungan akong maghanda ng pasta at juice para sa dalawa.
"Kahit wala pang mga boylet manang, maganda po ako"
"Oo nalang..."
Bago ko pa man maihagis sa kanya yung dala kong kutsara ay agad na siyang umalis para i-serve ang pagkain. Alam na alam niya na talaga ang magagawa ko sa kanya pag nagkataon. Napangiti nalang ako ng very slight. Medyo kinikilig din naman ako ng slight din. Kaya magtatago muna ako dito ng ilang minutes pa bago sila harapin. Hmmm... Keng beket pe keshe shele pinanganak na Oh My G-R-R-R! Ano ka ba naman Pete! Landi mode ka nanaman! Delete!
Habang nag-uusap kami ni Dreno, maya't maya pa'y sumasabat din yung bakulaw. Hindi ko kasi pinapansin.
"So, kumusta naman yung pag-uwi mo ngayon? Babalik ka ba kaagad?" ako iyan.
"Uhm, depende siguro kung gusto ko nang bumalik sa trabaho ulit. Okay lang naman kasi pwede naman ako mag leave ng kahit isang buwan." si Dreno.
"Mahirap kaya bumalik ng barko ngayon... Kung ako sa yo, bumalik ka kaagad" si Jason, na talaga namang nang-iirita. Tinitiis ko lang.
So nagpatuloy pa rin ang pananabat ng bakulaw na kanina ko ba gustong busalan ang bibig. Bago pa man ako makakuha ng gagamitin ko para sa plano kong yun ay bigla namang tumunog ang cellphone niya. May tumatawag ata. Sino kaya? At kelan ka pa naging usyusero tungkol sa mga ganyan Pete? Tumingin siya sa akin bago sinagot ang call at lumabas ng pool area. Naku ha! buti naman at para wala nag istorbo sa pag-uusap samin ni Engr. Dreno. Pero parang gusto kong lumabas din muna at magpahangin at makinig sa usapan ng bakulaw at ng tao sa kabilang linya. Charot! Hindi naman ako ganun kainteresado.
Marahil ay napansin ni Dreno na panay ang tingin ko kay Jason sa bandang labas kaya... "Ba't di mo siya puntahan sa labas... para makapag-usap din kayo?" tanong niya na may halong konting-konting sarkasmo.
"Ha? Haler! Wag na... baka mag-away lang kami" pero bakit parang gusto kong sundin yung suggestion niya. Hmmm... Wag nalang! Naamoy ko din kasi yung damdamin ngayon ng kasama ko dito sa salas. Sa muli kong pasimpleng paglingon sa kinaroroonan ng dakilang bakulaw ay nahuli ko siyang nakatingin din sa akin. Pero ako yata ang napahiya. Ngumisi pa ang gagi. Sana pala tinigil ko na kanina pa. Eh, bakit kasi antagal niyang makipag-usap? kanina pa yan ah. Patawa-tawa pa siya. Naiinis tuloy ako!
Kaya naman umakyat nang muli ako sa kwarto at nagkulong. Mas mainam nang matulog kesa makasama silang dalawa. Nakaka-suffocate din!
BINABASA MO ANG
The City Gay (TBG Book 2)
HumorHeto na ang pagpapatuloy ng buhay ng ating barrio beki na ngayon nga ay nasa City. Cover by @xxbamchuxx