[A/N: another chapter agad-agad... enjoy! let me know your thoughts please! thanks!]
[Sari’s POV]
“Ehem... anyare ‘teh?” nagulat naman ako dito kay Carla. Bigla-bigla na lang sumusulpot sa likod ko.
Bakit ba parang napakamagugulatin ko ngayon?
Dahil ba sa coffee shop ako nagttrabaho kaya nerbyosa na din ako? Chos! Hahaha!
“wala naman ‘teh! Kaasar lang si Sir customer! Isnabero na rude pa! Sabihan ba naman akong pa-cute? Susme! D hamak na mas gwapo naman ung bebe ko sa kanya no! Hmp!”
“yaan mo na ‘teh! Hindi naman mawawala ung mga ganyang klase ng customer e. Baka wala lang sa mood... hindi mo ba nahingi ung number?? Sayang kase e!”
Ay bruha! Type nman pla kaya ipinagtatanggol!
“ikaw! Sinungitan na nga ako gusto mo pang hingin ko ung number?! kaloka ka tlaga!”
“kaw naman d ka na mabiro! hahaha! ....... Pero hindi nga, nahingi mo ba???”
“argh! Kulet mo! tsee! Bumalik ka na nga dun! Talas tlaga ng pang-amoy mo sa mga fafa! Ang alam ko nasa break room ka a!”
“eto na nga ‘teh! Babalik na! o kalma na girl ha. At baka ung dugo mo sa sobrang kulo pde ng makalaga ng itlog!” sabay takbo pabalik ni Carla sa break room kase akma ko siyang hahabulin. Ang kireng bakla tlaga!
Lumipas ang shift ko na kahit papano naman kumalma ako.
shempre no, ndi naman pdeng ganun n lang ako kabadtrip, anjan lang bebe ko. Madali pa naman makahalata un pag naiinis ako.
Uwian time...
*inat-inat* hay salamat! at natapos din ang araw na to!
Makakapagpahinga na ulet sa maganda kong kwarto! [ay ang galing? Rhyme ung naisip ko?! ahehehe!]
“Beb, ready ka na ba? Tara na uwe na tayo?” tanong ni Joms habang inaayos ung bag nya.
Eeehh! Ang bakla! Muntik na naman namen makalimutan!
Sasabihan ko pa lang sana si Joms na tawagin si Carla pero hindi na pala kelangan kase....
“hoy lovebirds! Kanina ko pa kayo inaantay sa labas! Talagang inabangan ko na lang kayo dun kesa maiwan nyo na naman ako!” sabe ni Carla pagkasilip nya sa break room.
“wow ang galing mo naman! Naisip mo un ‘teh?!” pang-aasar ko.
“tsee! Magtigil ka jan! Tara na nga!”
At nauna na siyang lumabas.
Nagpaalam lang kame sa manager namen at nag-abang na kame ng jeep.
At eto na nga nasa bahay na ko! [ambiles no?! hehehe!]
Wala rin naman mashadong nangyare sa byahe.
As usual, panay na naman ang tawa ko sa jeep dahil kay Carla.
Ganun naman kame palagi. Tawanan at harutan lang. Parang mga hindi pagod sa buong maghapon.
Hinatid lang ako ni Joms d kalayuan sa bahay namen. Bkit hindi mismo sa bahay ika nyo?
May sikreto akong sasabihin, dali lapit kayo.....
Hindi kase siya kilala sa bahay namen. Hindi ko pa siya naipapakilala kay tatay at kay kuya Raf.
Hindi naman namimilit si Joms kase alam nyang hindi pa ko handa. Alam ko kase mejo protective si kuya at si tatay sa ken. Baka gisahin nila si bebe ko. T^T wawa naman siya!
aun... mejo malayo-layo pa ung bahay ni bebe ko dito sa men pero palagi nya pa rin ako hinahatid...
awww... Lablab nya talaga ako no??? o tabi-tabi! Baka matapakan nyo ung buhok ko! hehehehe!
Pagpasok ko ng bahay nanonood lang ng TV si tatay... si kuya Raf, mukhang wala pa... nowhere to be seen ang lolo mo e. Maliit lang naman ang bahay namen para ndi ko siya agad makita...
“Tay, andito na po ako! musta po maghapon nyo?” sabay mano ko kay tatay
“Okay naman anak! Wala naman ako halos ginagawa. Naiinip na nga tuloy ako e.”
Umupo ako sa tabi ni tatay bago ako sumagot.
“E tay, yaan nyo ng ganun. Sa umpisa lang yan kase hindi pa po kayo sanay na hindi busy. Magpahinga na lang po kayo para makabawi kayo ng lakas”
Ngumiti si tatay.
“Kayo tlaga ng kuya mo, mashado nyo akong iniispoil. Parang baldado tuloy ang pakiramdam ko e. ainako... kayo dapat ang nagpapahinga e. mashado na kayong nagiging abala ng kuya mo sa pagkita ng pera. Hindi pa naman tayo naghihirap.”
Bukod kase sa pagttrabaho namen ni kuya, may naipon na din naman si tatay sa panahong nagttrabaho siya at buwan-buwan may pensyon din siya.
Niyakap ko si Tatay. Kahit kelan tlaga tong tatay ko, mashadong mabait. Kaya ang swerte-swerte ko sa kanila ni kuya Raf e. parehas silang super bait! ^_^
“Ok lang naman kame ni Kuya Raf, Tay. Yakang-yaka namen to! mana kame sa kasipagan mo e!”
Ginulo ni tatay ang buhok ko bago siya nagsalita.
“Sus! Ikaw tlaga! o teka kumain ka na ba? Halika na at nakaluto na ko. mukhang gagabihin na naman ng uwe ang kuya mo, dapat kanina pa un andito e. pde na siguro tayong mauna para na rin makapagpahinga ka na ng maaga.”
“cge po Tay! Bihis lang po ako sandali ng pambahay at bababa din po agad ako”
Takbo na ako sa kwarto ko para magbihis.
Sinilip ko muna ung cellphone ko bago ako bumaba para icheck kung nagtext na si Joms.
Palagi kaseng ganun ang habit namen. Pagkahatid nya sa ken, itetext nya ko pag nakauwe na siya.
Nung wala naman siyang text, nagkibit-balikat na lang ako. ndi pa siguro siya nakakarating.
Tinapon ko ung cellphone ko sa kama at bumaba na ko para saluhan si tatay.
Pababa pa lang ako ng hagdan, natanaw ko na agad na may kausap si tatay sa sala.
Pilit kong kinikilala kung sino un kaso nakatalikod siya sa ken kaya nacurious ako ng bongga!
Pagkakita sa ken ni tatay, tumayo siya at tinawag ako.
“anak, halika dito at ng maipakilala kita sa kaibigan ng kuya Raf mo.”
Kaibigan ni kuya??? Sinetch naman itey??? Wala naman akong ibang kilalang kaibigan ni kuya maliban dun sa ibang kapitbahay namen dito.
Nang makarating ako sa tabi ni tatay, sa harap nung taong kausap nya, natulala na lang ako... at aminado ako muntik na tumulo ang laway ko...
BINABASA MO ANG
My TANGLED Heart
RomanceMy name is Sarina Faye Azarcon... Isa lang akong simpleng babae. Namumuhay ng tahimik, at gusto ng buhay na tahimik [shempre naman!]... Pero nung dumating siya sa buhay ko, nagulo na ang lahat............. ..................pati ang puso ko...