Chapter 13

24 0 0
                                    

[Tom’s POV]

I’m on my way home.

Hindi ako makapaniwala na pumayag ako sa gusto nya. Pero wala naman din ako ibang choice. It’s either do what she wants me to do....

.

..or make my sister suffer.

Yes. Yung sister ko, nasa abroad. She’s there kase she’s having her health checked. May heart disease siya and she needs medical attention.

I thought at first, friendly lang tlaga siya. But then again, hindi ata siya magaling magpretend, lumabas agad ang tunay na kulay nya. She just made an effort to befriend me and earn my trust first, bago nya sirain ang buhay ko.

I can’t jeopardize my sister’s health, that’s why kahit magulo ang utak ko, nag-agree ako sa plano nya. And akala ko din kase, hindi siya ganon kaseryoso.

But she proved me wrong. Baliw tong babaeng to. Hindi ko alam kung bakit niya to ginagawa at kung bakit ako pa ang nakita nya. Pero, ngayong andito na ako, mukhang wala na akong magagawa kundi sundin siya.

Hawak nya ako sa leeg...

At mukhang sarili ko ring kaligayahan, hindi ko na rin makukuha.

I wished THAT DAY never happened...

*flashback*

“Tommy pare!” naghighfive kame ng bestfriend kong si Steve pagdating ko dito sa condo niya.

Birthday ni Steve kaya andito ang buong barkada ngayon.

“Happy Birthday pare!” bati ko kay Steve. Tumawa siya at nagtaas ng beer.

“Salamat salamat! tara inom na!” - Steve

“Langya! Baka naman pdeng kumain muna? Gutom e! hahaha!” biro ko sabay sulyap sa katabi nyang babae. Maputi at makinis yung babae pero mukhang mas matanda sa men. may ichura din naman pero nah! Not my type.

Nakita ni Steve ang pagsulyap ko dun sa babae kaya biglang nagbiro ng “ibang pagkain ata ang gusto mo e!” natatawang sabi niya. Ngumiti yung babae sa ken at nag-extend ng kamay.

“Hello! I’m Alexzia. Tommy , right?”

Dahil sa hindi naman ako ipinanganak na bastos, inabot ko yung kamay nya.

“Tom na lang. Nice to meet you, Alexzia.”

Pagkatapos nun, nagpaalam na ko kay Steve at Alexzia na kakain muna at dumirecho na ng dining room.

Habang kumakain ako, nagulat ako ng biglang pumasok si Alexzia dun.

“Hey Tom! Can i eat with you? Mejo ginutom din ako. actually, hindi pa pala ako kumakain since dumating ako kanina. Ang kulit kase ni Steve, inom agad ang gusto.” mahaba nyang litanya sabay ngiti sa ken.

Tumango ako at iminustra yung upuan sa tapat ko. hindi ako makasalita kase puno yung bibig ko ng pagkain. Tomguts tlaga ako e kase galing pa ko sa basketball practice sa school.

Nung una, parehas lang kame tahimik na kumakain. Pero hindi ata siya nakatiis, kaya nag-umpisa na siyang magkwento.

She’s friendly. Magaling siya magkwento at may sense din naman. napapatawa nya rin ako minsan sa mga kwento nya. 

Nung natapos kame kumain, nagyaya na ako na lumabas ulet sa sala para makipag-inuman na kina Steve.

Hindi na ko hiniwalayan ni Alexzia simula nun. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtatanong at pagkkwento. She asked about my family, since wala naman masama sa tanong nya, nagkwento din ako.

Wala naman dapat itago sa pamilya ko, marangal ang pamilya namen. Pero my sister has a heartdisease. And last year pa sila pumunta ng Mom ko sa abroad to have medical assistance and para mamonitor na din yung condition nya.

Nagkalasingan na. at ilang beses na rin nagparamdam si Alexzia na type nya ako. pero gaya ng sabi ko kanina, she’s not my type. Nagpaalam na ako sa kanila bago pa ako tuluyang malango.

*end of flashback*

After that day, naging madalas na ang pagsama ni Alexzia sa mga gimik ng barkada namen. Nakakalimutan ko naman itanong palagi kay Steve kung san nya nakilala si Alexzia at parang sobrang close nila.

Then nagulat ako isang araw nung tinext ako ni Alexzia na makipagkita sa kanya. Since wala na rin ako gagawin, at sinabi ko na nga na hindi naman ako bastos, i agreed to meet her.

Dun na nagsimula ang kalbaryo ko.

Lahat ng nalaman nya sa ken at idagdag pa ang mga naresearch nya tungkol sa men, isinawalat nya lahat sa ken. Sobrang nagulat ako sa dami ng alam nya sa pamilya ko pero mas nabother ako sa sinabi nya tungkol sa kapatid ko.

“Do as i say and your sister will live” nakangisi niya pang utos.

Napanganga na lang ako sa sinabi nya kasabay ng biglang pagkatuliro ko sa sitwasyon.

[Joms’ POV]

Nasa byahe na ko pabalik ng Maynila. Ngayon ko napagdesisyunan na bumalik dun at magbaka sakali na pwede ko na ulit makausap si Sari.

Hindi ko sinunod ang warning ni Alexzia sa ken. Gusto kong ako mismo ang makakita kung totoo ngang ipinagpalit na ko ni Sari.

Pero sa totoo lang, dinadaga pa rin ako. hindi ko alam kung anong sitwasyon ang madadatnan ko. at hindi ko rin sigurado kung sapat na ba yung panahon na ibinigay ko para makarecover ang lahat sa nangyare, kasama na yung tatay at kuya nya at lalong-lalo na si Sari.

Pagbaba ko ng terminal ng bus, nagtatalo pa ang isip ko kung san ako pupunta. Alam kong nag-aaral na sa kolehiyo ngayon si Sari kaya hindi ko alam kung andun siya sa school nya o sa bahay na lang nila ako pupunta.

Napabuntong-hininga ako.

Kelangan kong maging matapang at harapin lahat ng to. naduwag na ko noon. Hindi na siguro tama na maduwag pa rin ako ngayon. ke makaharap ko o hindi ang kuya nya, kelangan ituloy ko na ang plano ko.

[Mia’s POV]

Hay nako! Napakadami na namang tao dito sa canteen. Ano ba pa bang ieexpect ko e shempre sabay2 ang lunchbreak e. melemerng d ba?!

Habang nakapila kame ni Carla, panay ang kwento ni bakla. Mejo nawawala na nga ako sa kwento nya kase may hinahanap ako.

Napasulyap ako sa pwesto ni Sari. nakaupo lang siya dun at parang malalim ang iniisip. Problema kaya nun ng friend ko? machika nga maya habang kumakain.

Nagulat ako kay Carla kase bigla nya akong pinalo sa braso. Napatingin ako ng masama sa kanya. Ang sakit ng pagkakapalo nya e, nagulat pa ko.

Nung napatingin ako sa kanya, nakanganga siya at nakaturo sa pwesto ni Sari.

Problema nito ni bakla? Ang OA ng reaction kala mo nakakita ng multo.

“Bakla ang sakit ng palo mo ha?! Ano bang problema mo at para kang abnoy jan?”

Tumingin si Carla sa ken na nakanganga pa rin at ipinilig nya yung ulo ko na tumingin sa direksyon ni Sari.

Pagtingin ko, pati ako napanganga.

“Oh my GOD!” yun na lang nasabi ko sabay takip sa bibig ko.

My TANGLED HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon