Chapter 15

21 1 2
                                    

[Sari’s POV]

Nandito ako ngayon sa canteen. Inaantay ko si Mira at Carla na bumalik galing sa pagbili ng pagkain namen.

Panay ang buntong-hininga ko. hanggang ngayon kase hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Mira yung nakita ko sa mall o hindi e. parang kahit pano ang gawin ko, masasaktan at masasaktan siya. ako mismo ang magsabi, masasaktan siya. pag siya naman ang mismong makakawitness, masasaktan pa rin siya.

Lumingon ako para tanawin si Mira at Carla. Masaya silang nagkkwentuhan habang nag-aantay ng turn nila sa pila. Parang hindi ko ata kaya. Mashado pa naman masayahin ngayon si Mira, simula nung naamin nya sa men na may gusto siya kay Tom.

Tumingin ulet ako sa mga kamay ko. argh! Hindi ko na tlaga alam!

Nagpakawala ulet ako ng isa pang buntong-hininga.

Nagulat na lang ako ng biglang may bumalandrang isang bouquet ng lilies sa mukha ko.

Nung nag-angat ako ng tingin para tingnan kung sino ang nag-aabot, napanganga na lang ako bigla at hindi agad nakapagsalita.

Awtomatiko akong napatingin sa kinatatayuan ni Mira at Carla. Parehas na silang nakatingin sa ken at parehas din ang reaksyon kagaya ko. nakita kong napatakip pa sa bibig nya si Mira habang nanlalaki ang matang nakatingin sa men.

Pagtingin ko ulet sa lalakeng nag-aabot, nakangiti pa rin siya sa ken.

“T--Tom?! Bakit? Anong...” hindi ko alam kung anong sasabiihin ko sa sobrang bigla ko.

Umupo si Tom sa tabi ko ng mapansing hindi ko inaabot yung bulaklak na ibinibigay nya.

“Lilies for you, Sari.”

Alanganin pa rin akong tanggapin iyon. Lumingon ulet ako kina Mira at Carla. mukhang natauhan na si Carla at siya na ang bumili ng pagkain namen. Si Mira nakatayo pa rin dun, pero iba na ang expression sa mukha nya: lungkot.

Umiling ako, na para bang makukuha nya ang ibig kong sabihin pero kinuha ulit ni Tom ang atensyon ko.

“Hindi mo ba tatanggapin yung bulaklak, Sari?” napakamot siya bigla sa batok nya.

Napatingin ako sa paligid namen at nakita kong karamihan sa mga tao sa paligid, kinikilig. Yung iba naman masama ang tingin.

“Ah eh Tom.. para saan ba to?” kahit napipilitan, tinanggap ko na rin yung bulaklak. Favorite ko tong lilies. Hindi ko alam kung pano nya nalaman.

Teka? Hindi ba naman ang dapat kong isipin e, KUNG BAKIT NYA AKO BINIBIGYAN NITO??? Sounds tanga-tangahan kase obvious naman ang tlagang pakay nya pero BAKIT AKO?? HINDI AKO PWEDE!!!

“Ah pasensya na Sari kung mejo biglaan. Matagal na rin naman kitang gusto. e ngayon lang kase ako nagkalakas ng loob para gawin to kaya sorry kung nabigla kita.” Mejo nahihiya nya pang sabi.

Bago ako nakasagot, umupo na sa harap ko si Mira at Carla. Si Carla mejo alanganin yung ngiti, ibinalik ko din yun ng version ko ng alanganing ngiti. Nagtatanong yung mata nya pero hindi ko naman siya pwedeng sagutin sa harap ni Tom.

Si Mira, tahimik lang na nakatungo. Alam kong nasasaktan siya sa nakita nya. Gusto kong magpaliwanag agad dahil wala naman tlaga akong kaalam-alam din dito, pero hindi ko magawa hangga’t anjan si Tom.

Unti2 akong naiinis. Ang pinaka-iingatan kong mangyare, ang masaktan si Mira. Ang thought na kanina ko pa pinoproblema. Mukhang ako pa ngayon ang nagdala nung sakit na yun sa kanya.

“Ah Tom.. pasensya ka na ha. Nabigla kase tlaga ako sa ginawa mo e. okay lang bang kumain muna kame?” parang mejo harsh pero kelangan ko na siyang mapaalis dito para makapagpaliwanag na rin ako kina Mira at Carla.

My TANGLED HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon