[Sari’s POV]
“hindi ko alam yun! promise! Wala akong idea!” pagpapaliwanag ko kina Mira at Carla
Nakatingin lang si Mira sa ken. Si Carla naman hindi mapakali.
“Eh sisteret! Bakit ganun naman? uber shocking naman ang pambibigla ni papa Tom sayo. Baka naman matagal na nga siya may gusto sayo?!” biglang napatingin si Carla kay Mira
“Hindi ko alam okay?! Sabi ko nga sa inyo, hindi ko rin ini-expect yun! d sana kung alam ko, matagal ko na sinabi sa inyo” kay Mira ako nakatingin habang nagpapaliwanag ako.
After ilang minutes, biglang nagsalita si Mira. “bakit kanina parang ang lalim ng iniisip mo? nung nakapila kame? Iniisip mo ba kung pano mo sasabihin sa ken na nililigawan ka ni Tom?” halatang-halata mong puno ng pagtatampo yung bawat salitang binibitawan nya.
Lumipat ako sa tabi ni Mira at hiniwakan siya sa braso. “ano ka ba naman friend?! Kelan ako naglihim sa inyo? At bakit ko naman gagawin sayo un e alam ko naman kung anong nararamdaman mo kay Tom!”
Tumahimik ulet si Mira. I can’t believe na ganito ang nangyayare ngayon sa men. naiinis tuloy ako kay Tom. Masisira nya pa ata ang pagkakaibigan namen ni Mira.
“sisteret! I believe Sariness. Imposible tlaga na may gusto si Tom sa kanya. E d sana noon pa naten nahalata d ba? Wag ka na nga mag-emote jan. Hindi pa end of the world bruha!” pilit na pinapagaan ni Carla yung usapan.
“okay friend. Kung gusto mo ng assurance, sige ibibigay ko sayo. Promise! Kung anuman tong kalokohang ginagawa ni Tom, asahan mong hinding-hindi ko siya i-aacknowledge. Mas mahal kya kita noh!” huling bala ko na to. sana naman kumagat siya.
Maya2 pa, ngumiti na rin si Mira at niyakap ako. “salamat Sari at sorry. Kaibigan mo ako pero hindi ako nagtiwala sayo.”
Nakahinga ako ng maluwag at napangiti na rin.
“O siya siya! tama na yan at gutom na gutom na ako! dumadrama pa tlaga kayo no. c’mon! Let’s eat ourselves!”
Sabay na lang kame natawa ni Mira at kumain na rin.
[Joms’ POV]
Madami rin kameng napagkwentuhan ni Mang Ramon. Naikwento nya sa ken lahat ng pinagdaanan ni Sari after ko umalis. Sobrang guilty ako. pero naipaliwanag ko na din naman sa kanya kung bakit ganun ang naging hakbang ko nung panahong yun.
At nalaman ko rin, na walang boyfriend si Sari ngayon!
Sobrang saya ko. sabi ko na nga ba, at hindi totoo ang sinasabi ni Alexzia. Mabuti na lang at talagang sinunod ko ang nararamdaman ko.
Nagpaalam na rin ako kay Mang Ramon. Ayoko din namang maabutan ako ni Kuya Rafael dito. Baka hindi nya pa rin ako kayang kausapin after ng nangyare.
Isa lang ang hindi ko alam ang sagot dahil nahiya akong itanong kay Mang Ramon.
Kung si Franco ba e andito pa rin hanggang ngayon sa bahay nila nakatira.
Nagpasya ako na bumalik dun sa apartment na tinirhan ko dati. Sana lang wala pa ring nagrerent dun. Ngayong nalamang ko na, na hindi pa ako huli kay Sari, magsstay na ko dito for good.
Pagdating ko dun sa lugar, nakausap ko yung landlady ko dati. Yung dating nirerentahan ko, may nakatira na. pero dun sa katabing unit, kakabakante lang daw kaya kinuha ko na yun.
Pagkapasok ko sa unit, humiga muna ako at nagpasyang tawagan sila Mama. Kelangan kong sabihin ang plano ko na magtitigil muna ako dito at aayusin ang problema namen ni Sari. saka na ulet ako uuwe dun pag okay na ang lahat.
BINABASA MO ANG
My TANGLED Heart
RomanceMy name is Sarina Faye Azarcon... Isa lang akong simpleng babae. Namumuhay ng tahimik, at gusto ng buhay na tahimik [shempre naman!]... Pero nung dumating siya sa buhay ko, nagulo na ang lahat............. ..................pati ang puso ko...