[AIRPORT]
[FRANCO’s POV - namiss nyo? hehehe!]
Kanina pa malalim ang iniisip ko. pagsakay pa lang ng eroplano gang makarating dito sa Pinas, parang wala ako sa sarili ko.
But i have to go back. Noon ko pa naman gusto, lumagpas na nga ako sa palugit ko sa sarili ko. ang sabi ko 1 month lang. Pero eto nga at mejo nadelay at ngayon lang natuloy.
Noon, gustong-gusto ko na bumalik dito sa Pilipinas. Alam nyo na, dahil sa iisang tao lang naman.
Dahil kay Sari.
Pero hindi ako binigyan ng pagkakataon. At ngayon hindi na lang sarili ko ang iisipin ko. kundi pati kapakanan “nya”.
Biglang may humawak sa braso ko.
“Are you sure you’re okay? Kanina ka pa tahimik.”
Ngumiti ako. “Don’t mind me. Iniisip ko lang sina Dad kung okay lang ba na iwan ko sila dun ulit. Pero don’t think na labag sa loob ko ang pagsama sayo dito. Matagal ko na rin naman gustong bumalik” assurance ko sa kaya.
Ngumiti na din siya. “Okay. Then let’s go?” at hinila na nya ako palabas ng airport.
Dumirecho kame sa bahay nila. Sinalubong kame ng mga kasambahay.
“Good afternoon po Ma’am, Sir! Kamusta po ang byahe?” bati nung isang may edad na at mukhang ang mayordoma dito sa bahay.
Yumakap siya sa matanda. “Namiss ko po kayo Nana Rosing! Okay naman po ang byahe namen, pero gutom po ata si Franco” sumulyap siya sa ken at parang biglang may naalala.
“Oh my gosh. I forgot to introduce him to you Nana. Franco, this is Nana Rosing. Our ever loyal yaya, 2 kameng inalagaan nya nung kapatid ko. Nana, this is Franco, my BOYFRIEND.”
Ngumiti ako at inabot ang kamay ni Nana Rosing. “Kamusta po?”
Kinamayan ako ni Nana Rosing habang ngiting-ngiti. “Ay maryosep. Kagwapo naman nireng boyfriend mo iha.”
Natawa ako sabay biro ng “hindi naman po. May ichura lang.”
Pagkatapos namen magkatawanan, niyaya na kame ni Nana Rosing sa dining area.
Panay ang kwento nya sa yaya nya samantalang paminsan2 akong sumasali at nakikitawa. Pero sa totoo lang, ang isip ko lumilipad na somewhere.
Hindi ko alam kung magagawa ko man lang siyang dalawin pero mukhang hindi ko mapipigil ang sarili ko at magagawa ko yun anytime soon.
[Tom’s POV]
Kagabi pa ako nag-iisip ng gagawin ko. hindi ako mapakali.
Bigla ko tuloy naisipang magyaya ng inuman kina Steve. Nagulat silang lahat sa ken dahil alam nilang hindi ko ugali ang magyaya ng inuman lalo at may pasok kinabukasan sa school. Basta ang sabi ko lang, boys’ night out lang to. meaning, hindi pwedeng kasama si Alexzia. Nagtaka man sila, pumayag pa rin sila sa gusto ko.
Napagkasunduan namen magkita sa isang bar na hindi pa namen napupuntahan. Pagpasok pa lang namen, sinalubong na agad kame ng isang waitress.
“Table for how many sir?”
Nilinga ako ni Steve kase siya ang direktang tinanong nung waitress. Parang humihingi siya ng permiso sa ken. 4 pa lang kase kameng andito. 6 kame lahat sa barkada. Pero nagtext yung dalawa sa ken na hindi sila pwede.
“for four lang miss” sagot ko.
Ngumiti siya, “this way sirs”
Pagkaupo namen, binigyan na nya agad kame ng menu. My kumakantang banda sa stage. Tumingin ako sa paligid. Mukhang hindi pa peak hour kase mangilan2 pa lang ang tao.
Nagulat pa ko ng bigla akong tawagin ni Steve. “Pre ano bang problema mo at parang napaka-urgent naman ng inuman na to?”
Natawa din si Aaron sabay sabing, “don’t tell me babae yan Tom?”
“heartbroken ka na agad e wala ka pa namang nililigawan?!” sabat naman ni Mico.
“teka teka naman. ang dami nyo agad tanong e. pagsalitaan nyo nga muna ako.” natatawa ko na ding sabi sa kanila.
“It’s just weird pre. School night? Nagyaya ka uminom? Parang hindi ikaw yan, Tom” hirit naman ni Vince.
Napaisip ako. ngayong kaharap ko na sila, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila yung sitwasyong kinalalagyan ko. kahit hindi ako binawalan ng babaeng yon, alam kong hindi tama na malaman pa ng iba yung gagawin ko. kaya kelangan kong magsinungaling sa barkada ko.
Napasuklay ako sa buhok ko bago ako nagsalita. “oo tama kayo, babae nga.” Sabay dugtong ko ng tawa.
Sabay2 pa ng reaksyon ang mga lokong to. lahat sila nanlaki ang mata.
Si Steve ang unang nakarecover. “Ehem,first time yan pre a. Sino naman ang maswerteng babae?” Sumingit bigla si Mico, “oo nga pre! Taga-school ba naten?” Nakaabang lang si Aaron at Vince sa sasabihin ko.
Sasagot na sana ako ng biglang may lumapit sa table namen.
“Hi boys!”
Sabay2 kameng napalingon sa nagsalita at ako naman, napanganga na lang.
What the hell is she doing here?
[Joms’POV]
Napagdesisyunan kong dumirecho kina Sari. kahit sinong maabutan ko dun, bahala na.
Pagkababa ko ng taxi, tiningnan ko ang bahay nila. Wala pa ring pagbabago. Kunsabagay, hindi rin naman mashadong matagal yung huling punta ko dito pero pakiramdam ko, taon ako nawala.
Kumatok ako sa gate nila. Siguro mga 3 beses na ko nakatok ng lumabas sa bahay yung tatay ni Sari.
Inaaninag nya pang mabuti kung sino ang nasa gate bago ako tuluyang nilapitan.
“Ah, magandang hapon po, Mang Ramon” bati ko sa kanya
Nung nakalapit na siya at nakilala ako, halatang nagulat siya. pero agad din naman siyang ngumiti at binuksan ang gate.
“Naku Joms iho ikaw pala yan! Akala ko kung sino. Halika pasok ka” niluwangan nya ang bukas ng gate.
Alanganin akong pumasok. Baka anjan yung kuya nya pero mukhang nahalata ako ni Mang Ramon kaya nagsalita siya ng “wag ka mag-alala. Ako lang ang tao ngayon dito. Nasa eskwelahan si Sari at ang kuya nya nasa trabaho”
Ngumiti ako ng alanganin dahil sa hiya pero pumasok na rin ako sa loob.
Nung nakaupo na ako sa sala at napagdalhan na ko ni Mang Ramon ng meryenda (kahit tumatanggi ako sa hiya), umupo na rin siya sa harap ko at nag-antay ng sasabihin ko.
“Mang Ramon, gusto ko po sanang humingi ng tawad. Sa lahat ng nagawa kong mali noon” panimula ko.
Nakangiti si Mang Ramon sa ken at winagayway ang kamay. “Kuu! Kayong mga bata kayo tlaga. nabigla rin naman ako sa lahat ng nangyare na iyon pero matagal na naman iyon, kalimutan na naten.”
Ngumiti ulit ako ng alanganin, “maraming salamat po”
“hayaan mo na yun. oo medyo nagkaron ng maraming pagbabago dito sa bahay simula nung nangyare iyon, kagaya ng pagiging malapit nung mag-KUYA. Nabawasan yun dahil sa nangyari sa inyo pero nung nagtagal e bumalik din naman kahit papano yung dati. Kaya wag mo na yung alalahanin, iho.”
Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit, “kamusta na po si Sari?”
[Franco’s POV]
Nakahiga ako ngayon dito sa guest room nila. I insisted na magpahinga siya dahil mejo mahaba rin naman ang binyahe namen at alam kong madali siyang mapagod.
Pinipilit ko ding matulog man lang dahil buong byahe ako halos nag-iisip. Pero talagang ayaw makisama ng sistema ko.
Napagdesisyunan ko na lang na umalis muna. Pagkatapos ko magpaalam kay Nana Rosing na may pupuntahan akong importante, pumara ako ng taxi sa labas.
Kelangan kong sundin ang iisang idea na kanina pa nakatatak sa utak ko: ang makita si Sari.
BINABASA MO ANG
My TANGLED Heart
RomanceMy name is Sarina Faye Azarcon... Isa lang akong simpleng babae. Namumuhay ng tahimik, at gusto ng buhay na tahimik [shempre naman!]... Pero nung dumating siya sa buhay ko, nagulo na ang lahat............. ..................pati ang puso ko...