[A/N: wahhh!!! Alam ko ampanget ng update ko sa Chapter 6! Pasensya na po marami lang iniisip! Pero sana wag kayo mag-give up agad sa pagbabasa! I’ll try my best na gandahan ung story ko! thanks thanks sa inyo!!! v^_^ BTW, i’ve uploaded something for this chapter. It’s my first time so aun! Ganda nya pero d ako sure if it really is Allona who sang it... credits to the owner of this vid on YT... enjoy!]
[Sari’s POV]
Nakayuko ako ngayon.. hindi ko masalubong ung tingin ni kuya...
Aminado kase akong may kasalanan ako e... T_T
Nung nakita nya kame kanina ni Joms na magkaholding hands, hindi siya nagsalita.
Un naman ang isa sa ipinagpapasalamat ko.
Hindi siya gumawa ng eksena.
pero nung nagyaya na siyang umuwe, ramdam mo na agad na masama ung loob nya.
“Sarina Faye Azarcon, sakay sa kotse at uuwe na tayo”
Buuin ba naman ang pangalan ko! hindi halatang galit siya no? -_-
Si Joms napatanga na lang. Si Carla may moment pang patawa e.
Bumanat pa ng “Pdeng sumabay?”
Kaso tiningnan ko siya agad ng masama.
Eto tlagang baklang to, hindi alam ung tamang moment ng pagjojoke!
Alam nang may tensyon e, inuna pa talaga ang kakirehan!
Sabay bawi siya agad, “Ah eh joke lang pala! Malayo pala bahay ko! hehehe! Ingat kayo!”
Pagkasakay nameng tatlo, wala na kong nagawa kundi tanawin na lang si Joms at Carla.
Guilty ako... sobra pero naaawa din ako kay Joms.
Alam kong hindi nya gustong ganon ang maging first time na pagkikita nila ni kuya...
Ako lang naman kase ang nagpapadelay ng pagkikita nila, ako ang may ayaw pa.
Hindi ko kase alam kung pano ko uumpisahan e.
Baka magalit sila kase magkacollege pa lang ako.
Pero ano pa nga bang magagawa ko???
The damage has been done...
Now i’m about to face the consequences of my actions... TT_TT
Nakatayo si kuya sa harap ko. si tatay at Franco, nakaupo lang sa sofa sa kabilaang side ko.
Alam kong nag-iisip si kuya kung pano ang magandang approach pero mukhang hindi rin nya napigil ang inis nya.
“What were you thinking Sarina Faye??? Kaya ka ba nagpumilit magtrabaho e dahil dun sa lalakeng un?”
I was about to answer pero hindi pa pala tapos si Kuya.
“bakit hindi mo ipinakilala ng pormal dito ung lalakeng un?! o kung matino siya, dapat ipinakilala muna nya ang sarili nya sa men ni Tatay! Ni hindi man lang umakyat un ng ligaw dito!”
Si Franco, nakatungo din. Akala mo siya ung pinapagalitan.
Nagulat ako ng biglang magsalita si Tatay.
“Rafael, baka naman may rason sila. Pakinggan mo naman muna.”
Napatingin si kuya kay Tatay, at tumingin ulet sa ken.
Huminga siya ng malalim at saka umupo sa tabi ko.
Mukhang natauhan na sa panggalaiti nya si Kuya at hinawakan ako sa balikat.
BINABASA MO ANG
My TANGLED Heart
RomanceMy name is Sarina Faye Azarcon... Isa lang akong simpleng babae. Namumuhay ng tahimik, at gusto ng buhay na tahimik [shempre naman!]... Pero nung dumating siya sa buhay ko, nagulo na ang lahat............. ..................pati ang puso ko...