Author's note:
Just read guys..
huhuhuhu T_T kahit ako naiiyak ako sa kwento na to eh..
hope you'll like it
please comment and vote hehe..
©to the original author
Thanks ;)
-Aries_totle
________________________________________________________
Naranasan mo na bang paglaruan ang iyong tadhana? Paano kung ikaw
naman mismo ang paglaruan nang sarili mong tadhana? Kakayanin mo ba
ang mga sitwasyong maaring mangyari sa iyo? Ito ang mga katanungan na
dapat mong pag isipan bago mo paglaruan ang bagay na hindi dapat pag
laruan, dahil sa bandang huli baka pagsisihan mo ang mga mali na nagawa
mo at ito ang magiging daan para sa iyong pagkawala sa sarili.
Ang kuwentong ito ay nangyari sa tunay na buhay kong saan pinag laruan
mismo ang tadhana na nakalaan sa kanya. Nagsisimula ang kuwentong ito
sa taong nakahiligan nang pagtripan ang mga taong minahal siya nag
lubusan.
---------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------
"Sorry dude pero walang spark eh!" sambit ni Arbie sa kaharap na lalaki.
Si Arbie ay 24 na taong gulang. May taas na 5'10", maputi, medyo chinito
ang mata pero maangas tingnan. Medyo mahaba din ang buhok at palaging
gumagamit ng hair wax at daig pa ang isang Korean star kung umangas.
Mahilig siyang mag chat sa isang m2m social networking site. Nakahiligan
na rin niyang mag join sa mga grand eye ball kung saan maraming mga
guwapong lalaki ang nagpaparticipate. Matipuno ang katawan dahil mahilig
lumaro ng basketball. Sa katunayan nga ay isa siyang varsity player sa
isang unibersidad sa aming bayan.
Siya nga pala, hindi gaanong kilala ang aming siyudad sa visayas pero sa
pagkakaalam ko ay kilala ito bilang seafood capital of the Philippines. Pero
ang hindi maganda dito ay ang pagiging tanyag ng aming probinsya bilang
bayan ng mga aswang. Oo inaamin ko that we are from Capiz at lahat na
mga paratang tungkol sa pagiging aswang namin ay sadyang gawa lamang
ng mga makukulit na imahinasyon. Kaibigan ko si Arbie at isa akong nurse
na nagtatrabaho sa isang ospital sa karatig na syudad malapit sa amin.
Nasaksihan ko ang maluha-luhang mata ng lalaki habang hinaharap niya
ang katotohanang hindi niya ginusto.
"Dude I gave you all I have and I love you so much" sabi ng lalaki kay arbie
habang mangiyak-ngiyak pa rin.
"I'm sorry but I don't have time with melodramatic people" sambit ni arbie
BINABASA MO ANG
Lucky I'm Inlove With My Bestfriend (boyxboy/yaoi/m2m)
Teen FictionIntroduction: Akala mo ba ayoko sa'yo? Well, nasasaktan din ako dahil hindi pwedeng maging tayo! Tangina mahal kita, ano ba?