CHAPTER XV

3K 50 1
                                    

CHAPTER XV

Nakalipas ang isang oras at ganoon pa rin ang sitwasyon ko. Maya’t-maya ay may dumating na taxi. Nakita ko na si arbie ang sa loob nito. Bumaba siya at nakita niya akong nakaupo sa labas ng gate niya. Lumuhod ako at niyakap siya ngunit sinipa niya ako at nabangga ang likod ko sa gate niya.

“Arbs please patawarin mo naman ako. Mahal kita arbie.” Buong puso kong sambit kay Arbie.

Ngunit hindi niya ako pinansin.

“Get out from here. I don’t want to hear your explanation. You ruin our friendship!” pasigaw na sambit ni arbie.

Hindi pa rin ako umalis sa gate at itinulak niya ako. Pumasok siya sa gate at inilock ito. Tumayo ako at sumisigaw

“Arbie please nagmamakaawa ako. Patawarin mo na ako” patuloy si arbie na lumalakad papunta ng pad niya hanggang sa nakapasok siya at sinirado ang door.

Hindi na ako nagpumilit pang suyuin si arbie pero hindi rin ako umalis sa lugar na iyon.

Naabutan na ako ng umaga at nandoon pa rin ako sa labas ng gate. Naalimpungatan na lang ako na maraming estudyante ng isang unibersidad malapit sa lugar niya ang dumadaan at nakatingin sa akin. May parang naawa at may mga tumatawa.

Hindi ko pa rin sila pinansin. Maya’t-maya ay nakita kong lumabas si arbie. Tumayo ako at nahihilo pa. Masakit na masakit ang aking katawan at parang nilalagnat ako.

“Arbs, please patawarin mo na ako.” Mahinang sambit ko sa kanya.

Binuksan niya ang gate ngunit hindi niya ako pinansin.

Pumara siya ng taxi at umalis. Wala na akong nagawa at pinilit ko ang aking sarili na umalis na lang doon. Umuwi na rin ako ng apartment at namahinga. Ang sakit-sakit ng ulo ko at parang lumulutang ako sa himpapawid. Alam ko ang taas-taas ng lagnat ko at parang mamatay na ako. Pinilit ko tawagan si arbie ngunit hindi niya sinasagot. Makailang ulit akong tawag sa kanya para humingi ng tulong ngunit pinatay na niya ang cellphone niya. Pinilit kong tumayo at tinawagan ang isa sa grupo ko sa banda.

“Pa….re, tu…lu..ngan mo a…a…ako. An…di…di…to a…ko… sa ap…pa…part.. ment.” Napahandusay na ako sa sahig at hindi ko na namalayan ang nagyari.

Pagmulat ko ay napagalaman ko na nasa ospital ako. Ang unang taong hinanap ko ay si arbie.

“Arrbb?? Patawarin mo ako..” mahinang tugon ko.

Lumapit sa akin ang kasamahan ko at hinaplos ang aking ulo.

“Magrest ka muna pare. Andito kami para alagaan ka” sambit ni Carlo, ang guitarist namin.

“Salamat pare. Siguro kung hindi dahil sa iyo namatay na ako” mahinang sagot ko kanya.

Hindi na siya sumagot at nakita kong nagtitinginan silang lahat. Pinikit ko ulit ang aking mata. Kinabakusan ay inabisuhan na ako ng doctor na pwede na akong ma discharge.

After my friends settled my bills ay umuwi na rin ako sa apartment. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari sa akin. Para akong basang sisiw. Maya’t-maya ay umalis ako ng apartment at pumunta sa SM City.

Pagkadating ko doon ay bumili ako ng isang singsing. Pina-engrave ko ang singsing ng mga numero at pagkatapos nito ay umuwi na rin ako. Tinawagan ko sina mama at papa.

“Ma, uuwi na ako diyan. Magreresign na ako sa makalawa.” sambit ko habang pinagmamasadan ang singsing.

“Sigurado ka anak? By the way, uuwi na pala si ava at para maisaayos na ang engagement niyo” si mama sa kabilang line.

“Ah ganun hu ba? Eh di tamang-tama yong pag-uwi ko. Kailan daw siya dadating?” sambit ko kay mama.

“Tatanungin ko nalang si balae kasi wala naman akong direct contact sa kanya”  sagot ni mama.

“Ganun? Ma, sige aayusin ko lang ang mga naiwang bagay dito at pagbibigyan ko na ng pansin ang tadhana ko” sagot ko naman kay mama.

“Oh sige hijo. Hihintayin ka nalang namin” sambit ni mama at tinapos ang call.

Humiga ako sa kama at inalala ang mga masayang panahon namin ni arbie. May mga time na umiyak ako pag-naalala ko ang nangyari sa akin ngunit ngumingiti rin naman ako kapag maalala ko ang mga bagay na masaya kami.

Buo na ang isip ko. Tama na ito. Masakit na at nakakapagod na rin. Tumayo ako at umalis. Tinawagan ko si arbie at mabuti naman ay sinagot niya ito.

“Hello. Arb, alam ko naririnig mo ako. Hindi ko na pipilitin pa ang sarili ko sa iyo. Gusto ko sanang magkita muna tayo kahit sa huling sandali. Maghihintay ako sa esplanade 8PM ng gabi. Salamat” mahaba kong sambit sa kanya at tinapos na ang call.

Quarter to 6PM na ng pinuntahan ko ang ospital. Isinubmit ko na ang resignation letter ko at inabisuhan naman ako ng chief nurse namin. Pagkatapos ay dumaan muna ako sa Molo Church at nagdasal. Humihingi ako ng sinyales kong tama ang aking desisyon. Sana matugunan ang aking panalangin at malaman ko na rin kung nasa tamang lugar ang aking pupuntahan.

Lumabas na ako ng church at pumunta ng esplanade. Naghintay ako doon hanggang 8PM. Maya’t-maya ay nagtext si Arbie

“Asan ka? Andito na ako sa entrance. Pakibilisan mo lang at hindi ako magtatagal” text ni arbie.

Tinawagan ko siya “Arbs, andito ako sa harap ng medicus building dito nalang ako maghihintay.”

Maya’t-maya ay dumating na rin si arbie. Nginitian ko siya ngunit wala akong nakuhang reaksyon sa mukha niya “Ano ba ang gusto mo at bakit pinapunta mo pa ako dito?” inis na tanong ni arbie.

Hindi ko siya sinagot at hinatak ko siya sa malapit na bench. Umupo kaming dalawa.

Lucky I'm Inlove With My Bestfriend (boyxboy/yaoi/m2m)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon