CHAPTER XVI
“Arbs, naalala mo pa yong time na hinalikan mo ako para lang makapagkalas ka kay Jeff?” mahinahong tanong ko sa kanya ngunit hindi siya sumagot. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkuwento.
“Iyon ang isa sa pinaka masayang araw na nangyari sa buhay ko. Kasi kahit papaano, naranasan ko rin ang halik sa taong pinakakamahal ko. Matagal-tagal na rin tayong nagsama bilang mag-kaibigan. Nong high school pa tayo, ang saya-saya ko ng nakapasok ka sa varsity team. Ikaw pa nga ang naging team captain eh.”
“Naalala ko rin yong time na ako ang gumagawa ng projects at assignments mo kasi wala ka ng time para doon dahil nga busy ka na sa practice niyo.”
“Masayang-masaya ako lalo ng grumaduate tayo at napagdesisyunang dito sa Iloilo tayo mag-aaral for college.”
“Nursing ang kinuha ko at hrm naman ang kinuha mo.”
“Palagi kitang sinusundo dahil gusto ko magkasama tayo.”
“Nalaman ko rin na may kinakasama kang mga lalaki at alam ko na masayang-masaya ka”
“Hindi ko rin malilimutan ang mga panahong iniisa-isa mo ang mga gwapong lalaki dito at binubusted mo sila. Siyempre kasama naman ako don. Kahit labag sa loob ko pero sinasabayan ko ang gusto mo”
“Alam mo ba na sa bawat taong dinudurog mo at palagi ako ang back-up mode mo ay nadudurog rin ang puso ko?” tiningnan ko si arbie ngunit nakabaling ang tingin niya sa ilog.
Patuloy pa rin ako sa aking litanya.
“Sa bawat pagkakataon na nagpapangap tayo na maging boyfriend ay naging masaya rin ako. Kahit alam ko na lahat na iyon ay isang pag-pangap lang at walang katotohanan.”
“Sa bawat pagkakataong niyayakap mo ako at niyayakap rin kita para lang maipakita sa mga lalaking binabusted mo na tayong dalawa ang nagmamahalan ay unti-unting nadudurog ang puso ko.”
Hindi ko na namalayan na unti-unting dumadaloy na ang luha sa aking mata. Wala pa ring reaksyon si arbie sa mga kinukwento ko.
“Ngunit pinilit kong tagpi-tagpiin ang durog-durog kong puso, maibigay lang sa iyo ng buong-buo pero pilit mo pa ring winawasak ito.” Natigilan ako sa aking pagsasalita at nakita ko namang dumadaloy na rin ang luha sa mata ni arbie.
“Masayang-masaya ako dahil ikaw ang naging kaibigan ko. Dahil doon hindi ko napigilan ang umibig sa iyo.”
“Alam ko na alam mong mahal kita. Hindi naman kita kayang turuan na mahalin ako dahil nga palaging bumabalik sa isip ko ang mga katagang binibitawan mo everytime na binibigay ko sa iyo ang durog-durog kong puso na pilit buuin.”
“Naalala mo ba ang mga sinabi mong: I will never fall in love, never been, never was, and never will be?”
“I know that you are living to your claims pero hindi ako nag-give up sa pagmamahal ko sa iyo”
“I know na hindi mo ako kayang mahalin ngunit ako itong nagpupumilit na ibigin mo ako”
“Masakait para sa akin pero inisip ko na kahit masakit at hindi maganda ang hahantungan ng pagmamahal ko sa iyo ay ginusto ko pa rin.”
“Bakit? Kasi sa bawat sakit na nararanasan ko sa pag-ibig ko sa iyo ay ito lang ang tanging paraan na magpapaligaya sa akin” natigilan ulit ako sa aking pagsasalita at pinahid ang luhang pumapatak sa aking mga mata.
“Sabi nga nila. Love leads to laughter but love leads to pain”
“Alam ko na hindi mo kayang mahalin ako pero ipinaramdam ko ang lahat na makakaya ko sa iyo. Marealize mo lang na mahal kita”
“Hindi ko alam kong nakikita mo ito pero ang mas mahalaga ay maiabot ko sa iyo ang tanging bagay na matagal ko nang nararamdaman para sa iyo”
“Arbs, sa huling pagkakataon, bago akong tuluyang mawala sa paningin mo. Kaya mo bang mahalin ako?” mahinahong tanong ko kay arbie habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko.
Hindi sumagot si arbie pero nakikita ko na umiiyak rin siya.
“Arbs, kung hindi mo kayang ibigin ako pwede bang kahit ngayon lang ay mayakap kita?” dagdag kong sambit kay arbie.
Hindi pa rin kumibo si arbie at tuluyan ko nalang siyang niyakap.
“salamat naman arbs kasi pinahintulutan mo akong yakapin ka” “siya nga pala bago ako tuluyang umalis na, may ibibigay sana ako sa iyo” sambit k okay arbie habang may kinukuha sa loob ng bulsa ko. Tumingin na rin si arbie sa akin at nakita niyang hawak-hawak ko ang isang singsing.
“Ibibigay ko itong singsing sa iyo arbs” sambit ko sa kanya habang itinutusok-tusok ito sa aking dibdib.
“Bro, bat mo tinutusok-tusok ang singsing sa dibdib mo?” mahinang tanong ni arbie.
Pero hindi ko na siya sinagot at patuloy pa rin ako sa aking ginagawa.
Pinikit ko ang aking mata at patuloy sa pagdaloy ng luha sa aking mukha. Nanalangin ako sa may kapal na handa na akong tapusin ang lahat na namamagitan sa amin ni arbie kahit bilang mag bestfriend lang. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko na nakatingin si arbie sa akin at umiiyak na rin.
“Arbs, tinutusok-tusok ko ang aking dibdib gamit ng singsing na ito dahil gusto kong ilagay ang lahat na nararamdaman ko para sa iyo dito sa singsing na ito.”
Natahimik si arbie sa mga binitawan kong salita.
“Arbs, I’m giving you this ring as a sign of letting you go. Eto na rin ang huling pagkakataong maipadama ko sa iyo ang pag-ibig ko. Arbs pwede ba kitang mahalikan?”
Hindi ko na hinintay ang sagot ni arbie at hinalikan ko na siya. Nagpaubaya rin si arbie sa paghalik ko sa kanya. Sinamsam ko ang bawat segundo na hinalikan ko siya.
BINABASA MO ANG
Lucky I'm Inlove With My Bestfriend (boyxboy/yaoi/m2m)
Teen FictionIntroduction: Akala mo ba ayoko sa'yo? Well, nasasaktan din ako dahil hindi pwedeng maging tayo! Tangina mahal kita, ano ba?