Medyo nagulat din naman ako sa kanyang tanong ngunit hindi ko na ito pinag-isipan pa ng malalim.
“Oo, kasi at least nakauwi na rin ako.” Mabilisang sagot ko sa kanya. Hindi na ulit kami nagimik at iniba ang mood.
Kumuha kami ng picture na magkasama sa ilalim ng malaking bell at kung ano-ano pang mga kakulitan.
“Arbs, may itatanong sana ako sa iyo” mahinahong sambit ko kay Arbie.
“Ano yon bro?” monotonic na sagot naman ni Arbie.
“Kung may pagkakataong umibig ako sa iyo, tatangapin mo ba?” paalinlangang tanong ko kay Arbie.
Hindi siya sumagot sa aking tanong at tuluyang umalis na sa lugar na iyon. Nagulat din ako sa kanyang inasal at mabilisang sinundan siya pababa.
“Arbs, sorry kung naitanong koi yon. Baka kasi..” naputol kong paliwanag ng biglang nagsalita si Arbie
“Stop that! I don’t like the sound of it. Ikakasal ka na nga tapos ganito pa ang mga pinagsasabi mo? Ano ba bro? diba usapan natin magkaibigan lang tayo? Please lang.” mahabang paliwanag ni Arbie.
Masakit para sa akin ang mga katagang iyon kaya napaupo nalang ako sa bandang itaas na bahagi ng hagdan. Nakita ko rin naman siyang naka tayo sa ikalawang palapag ng hagdan na parang may iniisip.
“Arbs, gagawin ko ang lahat. Mahalin mo lang ako.” Sambit ko sa kanya na may halong pangamba sa susunod na sagot ni Arbie.
“Bro ikaw ang bahala pero tandaan mo. Kung gagawin mo ang bagay na iyan ay baka masira lang ang pagkakaibigan natin.” Mahabang sagot ni Arbie at tuluyang lumabas na ng simbahan.
Napaupo lang ako sa hagdan at patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko sa aking mata. Masakit isipin na ipamukha sa iyo ng taong mahal mo ang bagay na hindi niya kayang ibigay.
Napakasakit.
Parang gusto kong tumalon sa itaas at mamatay na lang dahil hindi naman ako magiging masaya sa kapiling ng iba kung ang mahal ko naman ay hindi naman kayang mahalin ako.
Inayos ko ang aking sarili at lumabas na rin sa simbahan.
Nakita kong nakaupo si Arbie sa isang bench sa park malapit sa simbahan.
“Sorry Arbs. Hindi ko kasi kayang ideny sa sarili ko na mahal..” naputol kong paliwang
S“stop that! Bro, quit this or else aalis na ako at uuwi nalang sa bahay” galit na salita ni Arbie.
Hindi ko na itinuloy ang aking mga sinabi at pumara na lang kami ng jeep papunta ng city. Umuwi na kami sa amin ngunit hindi pa rin kami nagkikibuan. Nagpahinga kaming dalawa sa room at nagdinner na rin kami.
Tang-ina.
BINABASA MO ANG
Lucky I'm Inlove With My Bestfriend (boyxboy/yaoi/m2m)
Подростковая литератураIntroduction: Akala mo ba ayoko sa'yo? Well, nasasaktan din ako dahil hindi pwedeng maging tayo! Tangina mahal kita, ano ba?