CHAPTER XIII
Ako ang nag-aalaga sa bestfriend ko.
I even cooked the best food for him. Binibigay ko ang lahat na hiling ni Arbie hanggang kaya ko.
Hinahatid at sinusundo ko siya sa kanyang pinagtatrabahuhan para lang ma secure ko na safe siya.
Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko na baka maulit muli ang nangyari sa kanya.
Well at least kung may makita akong naka bantay sa labas at uulitin ang ginawang masama sa best friend ko ay handa akong isugal ang aking sarili, maprotektahan ko lang si Arbie. Ganoon ko siya ka mahal. Ibibigay ko ang lahat para sa bawal na pag-ibig nato.
Dumaan ang ilang araw at ganoon pa rin ang naging takbo ng aming buhhay.
Hanggang isang araw.
“Arbs, masaya ka ba sa piling ko?” tanong k okay Arbie habang nagtitimpla ng kape.
“Oo naman bro. Ang saya-saya ko dahil nakita ko naman ang effort mo. Pero hindi ba parang magnobyo na tayo niyan?” sagot ni Arbie habang nakaupo sa dining table.
“Bakit Arbs? Hindi ba pwedeng maging tayo?” walang pigil kong tanong sa kanya.
Hindi na rin siya sumagot at alam ko namang ayaw niya kaya minabuti ko nalang higupin ang tinimplang kape.
“Gusto mo ba ng kape Arbs?” pang-iba na tanong ko sa kanya.
“Huwag na bro, ako na ang bahala. Ako na ang magtitimpla ng kape” paliwanag ni Arbie habang kumukuha ng tasa.
“Sige na Arbs, ako na ang magtitimpla” pilit ko sa kanya.
“Ano ba bro? Masyadong overprotective kana. May mga kamay naman ako at mas gugustuhin ko na ako na ang gagawa ng bagay na ito. Kaya ko rin naman ha.” Mahabang paliwanag ni Arbie na may halong inis.
Hindi ko na pinilit ang sarili ko at nanahimik na lang.
Tumunog ang cellphone ni Arbie
“Hello? Oh bhe. Napatawag ka? Happy Monthsarry. Punta ka dito sa apartment ng kaibigan ko.” Si Arbie hawak-hawak ang cellphone at nakatingin sa akin.
Tumango na lang ako sinyales na okay lang sa akin na pumunta ang boyfriend niya.
Masakit sa akin ang aking narinig pero pinipilit kong tanggapin ito. Umalis nalang ako ng kusina at lumabas ng apartment.
Sinindihan ko ang isang stick ng sigarilyo ngunit bago ko pa naman hihithitin ang sigarilyo ay bigla namang kinuha ni Arbie at itinapon.
“Arbs ano ba?” galit kong tanong sa kanya. Hindi na siya sumagot sa tanong ko.
“Bro, finally magkikita na rin kayo ng bhe ko” si Arbie habang nakatingin sa labas ng apartment.
Nanahimik ako ng ilang segundo.
“Masaya ka ba sa kanya?” tanong k okay Arbie na may bahid na lungkot.
“Masayang-masaya. I’m sure na siya na talaga ang para sa akin” paliwanag ni Arbie.
Parang binugbog na naman ang puso ko sa mga sinabi ni Arbie pero kinokontrol ko ang pagpatak ng aking luha.
Maya’t-maya ay dumating na rin ang boyfriend ni Arbie.
Beep… beeeeeeep. Beeeeeeeeeepp.
“Arbs parang may tao sa labas.” Sambit ko kay Arbie habang nanonood ng tv.
“Saglit lng bro baka si Raymun na iyon” si Arbie.
Tumayo siya at lumabas ng apartment. After few minutes ay dumating siya kasama niya ang boyfriend niya. Habang nanonood ako ng tv ay tinapik naman ako ni Arbie sa likod. Nilingon ko sila ng
“Bro, si Raymun boyfriend ko.” Pagpapakilala ni Arbie sa akin at sa boyfriend niya.
Familiar sa akin ang lalaking ito. Pero hindi ko na maalala. Basta alam ko nakita ko na itong guy ngunit saan at kalian?
Siguro palagi rin ang lalaking ito sa bar kung saan kumakanta ako. Inabot ko naman ang aking kamay
“Nice meeting you Ray” sambit ko sa kanya.
“Siya nga pala Arbs. Aalis muna ako. Kayo na ang bahala dito. Ayaw ko namang makisawsaw sa Monthsarry niyo.” Paliwanag ko sa kanya.
“Huh? Bakit bro? gusto ko nga na magkakakilala kayo ni Ray kaya nga nagdesisyon ako na dito nalang magstay sa apartment mo. Tapos aalis ka? Mahabang paliwanag ni Arbie.
Sasagot pa sana ako ngunit inilabas ni Raymun ang dala-dalang alak.
Hindi na ako nagpumilit pang umalis kaya inihanda ko nalang ang mga kakainin namin. Nasa kalagitnaan na kami ng inuman ng nakita ko namang naghaharutan ang dalawa.
Patuloy lang ako sa pag-iinum habang pinagmamasdan silang dalawa. Nagyayakapan, naghahalikan, at kong ano-ano pa.
Pinilit kong ilayo ang aking paningin sa kanilang dalawa pero naririnig ko pa rin ang kanilang harutan. Gustuhin ko mang umalis sa sitwasyong iyon kasi nasasaktan ako pero ano pa ba ang magagawa ko?
“Arbs, CR muna ako” maikling tugon ko kay Arbie.
Pumasok na ako sa CR at tumingin sa salamin. Doon ko inilabas ang sama ng loob ko.
Sinuntok ko ang dingding at pinaagos ang luha sa aking mga mata. Patuloy kong sinuntok ang wall at sa di inaasahang pagkakataon ay nakita ko si Arbie sa likod ko dahil sa reflection niya sa salamin.
Hindi ko napigilan ang aking sarili at niyakap ko siya at hinalikan.
“Arbs ako nalang please.” Mangiyak-ngiyak kong sambit sa kanya.
Ngunit pinilit niya akong itulak pero matindi pa rin ang pagkayakap ko at hinalikan sa bibig.
Namalayan ko nalang na si Raymun ay nakatingin sa amin.
“FUCK! Mga taksil kayo!” sigaw ni Raymun sa likuran.
BINABASA MO ANG
Lucky I'm Inlove With My Bestfriend (boyxboy/yaoi/m2m)
Novela JuvenilIntroduction: Akala mo ba ayoko sa'yo? Well, nasasaktan din ako dahil hindi pwedeng maging tayo! Tangina mahal kita, ano ba?