Sumakay kami ng tricycle at tumuloy na sa bahay namin. Nakarating na rin kami sa bahay at kitang-kita ko na si mama ay sobrang saya na nakauwi na ako.
“Ma, si Arbie nga pala. Best friend ko” pakilala ko kay Mama.
“Good afternoon Tita” sambit ni Arbie at humalik sa pisngi ni Mama.
“Good afternoon din hijo. Sige pumasok muna kayo. Alam kong pagod kayo sa biyahe. Anak, ano nga pala ang gusto mong kainin? Tanong ni Mama.
“Seafood nalang Ma kasi sawang-sawa na ako sa mga pork at beef.” Sagot ko kay Mama habang inaayos ang gamit papasok ng bahay.
“Good afternoon Pa” pagbati ko kay Papa sabay halik sa pisngi niya.
“Pa this is Arbie best friend ko” pakilala k okay Papa.
“Good afternoon Tito” sambit ni Arbie sabay halik sa pisngi ni Papa.
“Good afternoon hijo. Salamat naman at napag-isipan mo namang umuwi” sambit ni Papa habang nakatayo at inalalayan ang aming gamit.
“Nakapag-snacks ba kayo?” dagdag na tanong ni Papa habang inilatag an gaming gamit sa living room.
“Medyo busog pa po ako eh. Kaw Arbs?” tanong ko kay Arbie habang hinuhuban ang pang-itaas na damit.
Nakita ko naka tingin si Arbie sa katawan ko ngunit hindi ko na ito pinansin.
“Busog pa ako bro.” maikling tugon ni Arbie.
“Ganon? Eh di magpahinga nalang muna kayo sa kwarto” suhestiyon ni Papa.
“Sige po pa, pasok muna kami ng room” sambit ko kay Papa.
Pagpasok naming sa room ay humiga kaagad si Arbie.
“Ang ganda at ang linis ng room mo bro” sambit ni Arbie habang nakahiga.
“Pinalilinis kasi ni Mama ang room ko at least ka pag-umuwi ako, komportable naman ako” paliwanag ko sa kanya.
“Meron ka bang extra towel diyan?” tanong ni Arbie at kumilos paupo.
“Check mo na lang sa cabinet bro, eto ang susi.” sagot ko sa kanya habang kinukuha ang sintoron sa aking pantalon at itinapon ang susi sa kanya.
Ngunit sa di ko inaasahang pagkakataon ay naalala ko kaagad ang mga inilagay ko sa loob ng cabinet. Lintek na! Mga pictures pala ni Arbie ang nakatago doon. Mabilisan kong pipigilan sana si Arbie ngunit huli na ang lahat.
Nakatambad na sa kanya ang mga pictures na matagal ko nang tinago pa.
“Bro? do you still have this?” tanong ni Arbie na may konting kalituhan.
Wala na akong may maisagot pang mabuti kung hindi
“Yes bro”
iyon lang ang naisagot ko para hindi defensive ang dating. Ngunit hindi naman nag follow-up question si Arbie at kinuha na niya ang towel. Nasaktan din ako ng konte kasi kahit doon man lang ay sana naappreciate niya ang aking pagtreasure sa memories namin.
Ikinandado ko nga ang cabinet na iyon in case na pumasok si Mama or Papa. At least hindi nila makikita. Ngunit ito na nakita na mismo ni Arbie ang sekreto ko sa cabinet pero blunt affect lang siya.
Hinayaan ko nalang siya at nag-change ng shorts. Pumasok na rin si Arbie sa banyo at naligo.
5PM na nang niyaya ko si arbie na pumunta ng Panay Church.
“Arbs, punta tayo sa panay church. Gusto ko lang makita ulit ang pinaka-tanyag at pinaka-malaking church bell sa asya.” Suhestiyon k okay Arbie.
“Talaga lang ha. Detalyado ba naman ang pagdescribe mo doon!” sambit ni Arbie sa aking suhestiyon.
“Wala lang kasi. Na miss ko rin ang lugar na iyon” sagot ko naman sa kanya.
Nagpaalam muna kami kay Mama at Papa tapos pinuntahan na namin ang simbahan.
Nang nakarating na kami sa simbahan pinuntahan naming kaagad ang malaking church bell sa itaas. Pinagmasdan naming ang magandang tanawin nanakapalibot sa panay church or kilala bilang Sta. Monica Church. Nasa ganon kaming siste ng nagkatitigan kaming dalawa.
Hindi ko alam kong ano ang saloobin ni Arbie pero ramdam ko na may gusto siyang sabihin. Natahimik kaming dalawa at nakikipagramdaman.
Binasag ko ang katahimikan at kinausap si Arbie.
“Bro, in due time, dito ako ikakasal” sambit ko kay Arbie habang tumitingin sa magandang tanawin.
Hindi naka sagot si Arbie sa sinabi ko. Hindi na rin ako kumibo. Parang mistulang mga pepe kami sa ganoong sitwasyon. Lumipas ang ilang minuto at ganoon pa rin ang aming sitwasyon ng biglang umimik si Arbie.
“Masaya ka ba ngayon?” mahinang tanong ni Arbie.
![](https://img.wattpad.com/cover/5273603-288-k48812.jpg)
BINABASA MO ANG
Lucky I'm Inlove With My Bestfriend (boyxboy/yaoi/m2m)
Fiksi RemajaIntroduction: Akala mo ba ayoko sa'yo? Well, nasasaktan din ako dahil hindi pwedeng maging tayo! Tangina mahal kita, ano ba?