CHAPTER XI

3.1K 60 1
                                    

CHAPTER XI

 

“As of now, nasa critical stage pa ang pasyente pero stable na rin ang kanyang vital signs. Iyon nga lang humahanap pa rin kami ng makukuha na dugo para isalin sa kanya. Maraming dugo ang nawala” sabi ng nurse.

“Ako! Willing ako magdonate ng dugo” mabilisang tugon ko sa kanya.

“Well, sige alam mo naman siguro kong saan at ano ang gagawin” tugon ng nurse.

Tinungo ko na ang laboratory department at nag paconsult sa residente.

“Doc, I’m willing to donate blood to patient Mr. A. Delgado sa ICU” tugon ko sa doctor.

Hindi na nagdalawang isip pa ang doctor at vinerify na niya ang mga impormasyon tungkol sa akin. Maya’t-maya ay tinest na ang blood type ko at sa awa ng Diyos ay nag crossmatch na man yong blood namin ni Arbie.

Pagkatapos noon ay pinahiga na ako sa bed at sinimulan ang blood extraction.

Medyo nahilo ako dahil mahigit 500mL ng dugo ang kinuha at isinalin sa blood bag. Pagkatapos ng blood extraction ay kaagad din naman akong tumayo.

Kahit nahihilo pa ako ay tinungo ko ulit ang laboratory.

“Sir, kelan po ba isasalin ang dugo kay Mr. Delgado sa ICU?” tanong ko sa medtech on duty.

“Pinaprocess na sir at isasalin din ito maya-maya” tugon ng medtech habang busy sa kanyang ginagawa.

Naghintay na lang ako sa labas ng laboratory. Naidlip ako dahil siguro sa pagkahilo ko na rin. Maya’t-maya ay lumabas na rin and resulta ng dugo at ok na para isalin kay Arbie.

Tinawagan ng medtech ang ICU nurse on duty at inirefer naman ito sa doctor.

Tinungo ko na rin ang ICU at hiniling kong pwede ba akong makapasok. Dahil kilala ko naman ang isang nurse aid doon at pinapasok na rin niya ako sa ICU.

Kitang-kita ko na nakaintubate si Arbie. Maya’t-maya ay dumating na rin ang nurse at isinalang ang dugo. Hinawakan ko lang ang kamay ni Arbie at naramdaman kong kumikirot ito. Alam kong ok si Arbie at naramdaman niya na hinahawakan ko ang kanyang kamay.

“Arbs, ako ito. Huwag kang mag-alala. Andito na ako sa tabi mo. Ako ang bahala sa iyo” mataimtim kong bulong sa kanya.

Nakita ko namang dumaloy ang kanyang luha sa mata.

“Arbs, gusto mo bang tawagan ko si mommy mo? Pisilin mo lang ang kamay ko kung ayaw mo at kung oo huwag mong pisilin ang kamay ko.” Tugon ko sa kanya habang hinahawakan ang kanyang kamay.

Maya’t-maya ay pinisil niya ang aking kamay sinyales na iyon na ayaw niyang ipag-paalam ko ang nangyari sa kanya.

Ako na ang nagbantay sa kaibigan ko. Lumabas na rin ang resulta ng kanyang CT scan at mabuti nalang ay wala namang tinamaan na maselang part ng katawan niya. Ng sumunod na araw ay tuluyan ng kinuha ang tubo. Ngunit isinalang pa rin si Arbie sa isang minor operation.

Pagkatapos ng operasyon ay itrinansfer si Arbie sa PACU at hindi na ako nakapasok.

Pinuntahan ko na rin ang Nursing Service Office na magleleave muna ako kasi kailangan ako ng kaibigan ko. Umalis ako ng ospital at nag withdraw ng pera para pangtustos sa mga gastusin ni Arbie sa ospital.

Pagbalik ko sa ospital ay natransout na si Arbie from PACU to ICU at doon na rin ako dumiretso. Nakahiga lang si Arbie at pawang natutulog gawa siguro ng anesthesia kaya ganun na lang kahimbing ang tulog niya. Hindi ko na rin inisip ang umalis at kumain dahil gusto kong bantayan si Arbie at gusto ko rin na sa pagmulat ng kanyang mata ay ako ang unang taong makikita niya.

Nang sumunod na araw ay nagising na rin si arbie.

“Bro, salamat ha? Hindi ko alam kong ano ang mangyayari sa akin kung wala ka.” Mahinang sambit ni Arbie.

“Ok lang iyon bro, and importante ay ok ka na.” tugon ko naman sa kanya habang hinahaplos ang kanyang ulo.

Napatingin rin ako sa mga nurse nakatingin sa amin. Hindi ko na sila pinansin dahil ang mas mahalaga ay maalagaan ko si Arbie ng mabuti.

Na transout na rin si Arbie from ICU to private room.

“Ayan ang pogi mo na ulit.” Tugon ko sa kanya habang binibihisan ng gown.

“Bro, siya nga pala sino ang may kagagawan nito?” tanong ko sa kanya.

“Hindi ko rin alam bro. kasi naka motorsiklo sila e” sagot ni Arbie habang nakahiga.

“Sino ba kasama mo noong gabing iyon?” tanong ko ulit sa kanya.

“Nakalimutan ko na ang pangalan bro kasi bago lang naman kami nag meet nun” sagot ni Arbie habang hinahaplos ang kanyang balikat na may cast pa rin.

“Iyan kasi bro, lesson na iyan sa iyo. Ibig sabihin niyan ay itigil mo na ang mga ginawaga mo” sambit ko sa kanya habang sinusuklay ang kanyang buhok.

Hindi na nakasalita si Arbie sa mga pinagsasabi ko.

“Bro, nagugutom ako” sambit ni Arbie na parang bata.

Kinuha ko ang food at sinubuan si Arbie.

“By the way, bro ikaw ba ang nag donate ng blood?” tanong ni Arbie.

Gusto ko sana siyang sagutin na OO pero pinili ko nalang na hindi.

“Bro, tumulong lang ako sa paghanap ng blood na pwedeng isalin sa iyo. Hindi kasi tayo nag crossmatch e” mahabang paliwanag ko sa kanya.

Hindi na rin siya nag tanong pa at patuloy na rin ako sa pagsusubo sa kanya.

Lucky I'm Inlove With My Bestfriend (boyxboy/yaoi/m2m)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon