CHAPTER XVII
Ramdam ko ang sakit ng aking dibdib na parang sasabog. Ngunit kinaya ko ang aking sarili. Minulat ko ang aking mata at nakita kong umiiyak si arbie. Pagkatapos noon ay tumayo na ako at bago ako umalis ay niyakap ko ulit si arbie.
“Salamat arbs. Hanggang sa susunod na tadhana” mahinang bulong ko sa kanya.
Inilatag ko na ang ring sa bench at umalis papalayo sa kanya. Narinig kong sumisigaw si arbie
“Bro!”
Ngunit hindi na ako lumingon pa at sumakay na ng taxi.
Umuwi na ako ng apartment at kinuha ang mga gamit. Sumakay ng inukupahang taxi at umuwi na sa amin.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dumaan ang ilang buwan at wala na akong communication kay Arbie. Iniba ko na rin ang aking number at hindi ko na ginagamit ang aking mga account sa internet. Pinaputol ko na rin ang landline namin at nag-apply ng panibagong number.
“Hijo, bukas makalawa na pala ang engagement niyo ni ava” si mama habang umiinom ng kape.
“Oo ma, excited na rin ako dahil magkikita na rin kami” sambit ko sa kanya na may bahid na lungkot.
“Ma, siya nga pala, pwede bang pupunta ako ng Iloilo ngayon? Gusto ko sang imbetahin ang ka banda ko e” mahinahong tanong ko kay mama.
“Oo sige hijo, at least makita rin naman nila ang roxas city” sagot ni mama.
Nagimpake ako at umalis na rin patungo sa Iloilo gamit ang family car.
Nang nakarating na ako sa Iloilo ay binisita ko muna ang ospital.
“Ma’am musta po kayo?”
“Oh, naparito ka? Anong balita? Namiss ka namin” sagot ng chief nurse.
“Ok naman po ako ma’am . Siya nga pala baka bakante kayo sa makalwa, may engagement party kasi sa amin. Gusto ko sanang pumunta kayo” paliwanag ko sa kanya.
“Ok sige, gagawan ko ng paraan ha?”
Umalis na rin ako sa ospital at hinanap ang kabanda ko.
Habang tinatahak ko ang daan ay namalayan ko naman na nasa tapat na pala ako ng hotel kung saan nagtatrabaho si Arbie. Parang gusto kong bumaba ngunit inisip ko na para ano pa?
Kaya tinungo ko na ang lugar kung saan kami magkikita ng banda ko.
“Pare! Na miss ka namin!” sambit ni carlo.
“Ako rin nga mga pare. Siya nga pala may engagement party ako sa makalawa. Pwede ba kayong lahat?” tanong ko sa kanila habang umiinom ng softdrinks.
“Sure pare! Ikaw pa! ang lakas mo sa amin.” Sambit ni Jon na drummer ng banda.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap at nabaling na man ang aking atensyon sa isang lalaki na siguro ay isang guro. Malungkot siya at parang nakikita ko sa kanya ang aking sarili.
Gusot ang damit, mukhang basang sisiw. Gusto ko sana siyang lapitan ngunit anong karapatan kong makisali sa buhay ng ibang tao. Nakita ko na lang na umalis ang lalaki.
Nagkuwentuhan pa rin kaming magbanda.
“Pare pwede bang mag gig tayo mamaya? Kahit for the last time pare” sambit ni Carlo.
“Oo naman, iyon nga rin ang isa pang purpose ko sa pagpunta dito. Kasi kahit bago umiba ang takbo ng buhay ko ay maenjoy ko rin for the last time ang pagiging single ko” mahabang paliwanag ko.
Naghiyawan rin naman ang aking mga kasamahan at napagdesisyunan namin na umalis at maglunch sa ibang restaurant.
Umalis kami sa aming table at nadaanan ko ang table ng lalaking nakita ko kanina.
May sulat na naiwan ito. Kinuha ko at inilagay sa bulsa. Baka kasi makita pa ng kasamahan ko kaya minabuti ko na itago nalang.
Nag lunch na rin kami pagkatapos ay nagjamming sa bahay ni carlo.
6 PM na ng natapos ang aming jamming at namahinga. Maya’t-maya ay dumating ang inorder naming pagkain for dinner. After dinner ay hinanda na namin ang aming sarili at pumunta ng pirates.
Naginuman muna kami pero konti lang kasi magpeperform pa mamaya.
Exactly 10PM na at naka ready na rin kami sa aming performance. Marami-rami na rin ang mga tao sa loob ng pirates ng kinuha naman ni carlo ang mic.
“Good Evening guys. Thanks for coming here tonight. Isang especial na gabi ito kasi makakasama ulit namin ang pinakamamahal naming vocalista. Although this will be his last night to perform with us pero at least magkakasama pa rin kaming lahat. Before anything else, I would like to take this opportunity to say thank you for your patronage. We will make this night a memorable one. Siya nga pala ibibigay ko na ang mic sa vocalist namin, pare.” Mahabang litanya ni Carlo.
Nahawakan ko na ang mic at magsisimulang magsalita ng nakita ko naman ang taong hindi ko inaasahan sa mga pagkakataong ito. Si Arbie.
Napalunok ako ng laway at sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay iba ang lumabas sa aking bibig.
“I would like to take this opportunity to extend my heartfelt gratitude for coming here. I would also like to say thank you to someone who taught me how to stand alone. Someone who let me feel the essence of love. Someone whom I dedicated my life but someone who chooses to break my heart. This song is for you” mahaba kong lintanya.
BINABASA MO ANG
Lucky I'm Inlove With My Bestfriend (boyxboy/yaoi/m2m)
Novela JuvenilIntroduction: Akala mo ba ayoko sa'yo? Well, nasasaktan din ako dahil hindi pwedeng maging tayo! Tangina mahal kita, ano ba?