CHAPTER XIV
Sumisigaw-sigaw si raymun sa likuran namin at patuloy sa pagmumura.
“Bhe magpapaliwanag ako” si arbie habang itinulak ako papalayo sa kanya.
Mabilis na umalis si raymun sa apartment at hinabol naman siya ni arbie. Napatigil ako sa loob ng CR. Hindi ko alam kong bakit nagawa ko iyon. Nakaupo na ako sa sahig ng CR at umiiyak. Nakalipas ang ilang minuto at patuloy pa rin akong nakatingin sa ceiling ng CR. Nag-iisip ng malalim kung ano ang ginawa ko.
Alam ko na magagalit si arbie sa akin. Naisip ko na rin na baka ito na ang magiging katapusan ng aming pagkakaibigan ni arbie. Maya’t-maya ay narinig kong may dumating na tao. Sinilip ko kong sino at nakita ko si arbie na nakayuko.
Lumabas ako ng CR at hinarap si arbie
“Arbs, sorry hindi ko sinasadya. Patawarin mo na ako please..”
Ngunit nagulat ako ng hinarap ako ni arbie at sinuntok sa mukha. Tinangap ko ang suntok na iyon dahil sa nagawa kong kasalanan. Hindi na ako naghigante sa sakit na tinamo ko sa kanyang suntok.
“Arbs please. Sorry. Patawarin mo ako” pilit kong paliwanag sa kanya.
“Fuck you! Get out of my life! I’m leaving!” galit na sagot ni arbie.
Nakaluhod ako sa harapan niya at niyayakap-yakap ang kanyang tuhod. Pinipilit ni arbie ni itakwil ang pagkayakap ko sa tuhod niya hanggang sa natadyakan niya ako. Namilipit ako sa sakit at nakahandusay na sa sahig ngunit hindi pa rin ako ng higanti sa mga pasakit niya sa akin. Nasa ganoon akong sitwasyon ng nakita kong pumasok si arbie sa room.
Maya’t-maya ay lumabas siya hawak ang isang bag.
“Arbs please don’t leave me. Ikakamatay ko ang pag-alis mo.”
Patuloy pa rin ang pag-agos ng aking luha.
“Damn YOU! Putang-ina mo ka!” galit na sigaw ni arbie.
Lumabas siya sa apartment pero hinabol ko pa rin siya. Niyakap ko si arbie sa likod at nagmama-kaawa na bumalik na sa apartment ngunit itinulak niya ako. Napahandusay ulit ako sa lupa. Pinilit kong tumayo at patuloy pa rin ako sa pagmamakaawa kay arbie. Nasa kalagitnaan na kami ng daan at alam kong maraming tao ang nakatingin sa amin.
“ARBS PLEASE! Huwang mo akong iiwan.” Pagmamakaawa ko sa kanya.
Hindi pa rin siya humarap sa akin.
“ARBS luluhod ako dito. Isisigaw ko sa lahat na nakakarinig. Wala na akong pakialam kong ano ang sasabihin nila. ARBIE DELGADO! MAHAL KITA!” napatigil si arbie at hinarap niya ako.
“FUCK YOU! Ikakasal kana tapos nanglalalaki ka! BAKLA! Umalis ka sa buhay ko!” nagulat ako sa mga sinabi ni arbie at nakita kong pinagtatawanan ako ng mga tao.
“OO I admit bakla nga ako pero kahit ganito ako hindi ko ikinahihiya ang pagkatao ko at isinisigaw ko sa buong mundo na ikaw lang ang tanging laman ng puso ko” pasigaw kong sagot.
Ngunit hindi na humarap si arbie at nakita kong sumakay na ng taxi. Nasa ganoon akong sitwasyon at bumuhos ang napakalakas na ulan. Hindi na ako tumayo at sadyang niyakap ko na lang ang aking sarili. May mga taong sumisigaw na tumayo na ako at baka magkasakit pa. Ngunit hindi ko ito pinansin dahil kahit ano mang pisikal na sakit ang aking mararanasan ay hindi pa rin mahihigitan ang sakit na natamo ng puso ko.
Maya’t-maya ay may dumating na lalaki at inalalayan ako. Hindi ko na nasilayan ang kanyang mukha at tumayo na rin ako. Niyakap niya ako pero nakapikit lang ang aking mata. May ibinulong ang lalaki sa akin
“Pare tama na. Itigil mo na iyan” .
Tiningnan ko ang lalaki pero hindi ko siya kilala. Nagpasalamat ako sa kanya ngunit instead na umuwi ako sa apartment ay umalis ako. Lumalakad-lakad sa daan at nagmumuni-muni kung ano ang gagawin. Napatigil ako sa isang shed at patuloy pa rin sa pag-iiyak. Buo na ang isip ko. Pupuntahan ko si arbie.
Pumara ako ng taxi.
“Villa Anita boss” sambit ko sa driver.
Habang tinatahak naming ang daan patungo sa pad ni arbie ay patuloy pa rin sa pag-agos ng luha sa aking mata. Nakita ko rin na nakatingin sa akin ang driver ngunit hindi ko na siya pinansin. Maya’t-maya ay naglakas loob ang driver na magsalita.
“Sir pag-ibig ba ang dahilan?” sambit ng driver habang patuloy sa pagmamaneho.
Hindi ko siya pinansin at dumadaloy pa rin ang luha sa aking mata. Nasa ganoon akong sitwasyon habang patuloy pa rin sa pagsasalita ang driver.
“Sir, hindi naman bawal ang umibig ng isang tao. Ngunit nagiging mali lang ito kapag sobra-sobra na ang pagmamahal” sambit ng driver.
Hindi ko na kinaya ang mga pinag-sasabi ng driver kaya pinatulan ko na rin siya.
“Bakit? Ano ba ang alam mo sa lintek na pag-ibig na ito?” galit kong tugon sa driver.
“Sir, ang pag-ibig ay isang bagay na maari mong ikamatay kung isang tao lang ang gumaganap nito ngunit ang pag-ibig ay isa ring bagay na makakabuhay sa iyo kung ito ay ang pag-ibig na ginagampanan ng dalawang tao” mahabang paliwanag ng driver.
Hindi ko na siya pinansin dahil alam ko na may punto rin siya. Ngunit ito ang pinili ko. Alam ko naman na walang hahantungan ang pinipilit kong pag-ibig. Nasalabas na ako ng pad ni arbie. Binayaran ko na and driver at bago pa rin ako nakalabas ng pag-ibig ay may binitawang salita ang driver
“Sir, isipin mo rin ang sarili mo.”
Tuluyan ko nang isinara ang pintuan ng taxi at tinungo ang gate ng pad ni arbie.
“Arbs? Andito ako sa labas. Please kausapin mo naman ako” pasigaw kong sambit.
Pero wala akong natanggap na sagot. Ni hindi ko alam kong andito si arbie. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at nanginginig na ako sa lamig. Nilabanan ko ang lamig at patuloy pa rin ako sa pagtawag kay arbie. Lumipas ang ilang minuto at nakaupo na ako sa labas ng gate. Basang-basa na ako ng ulan at umaagos pa rin ang aking luha. Niyakap ko na lang ang aking sarili para mainitan ang aking katawan.

BINABASA MO ANG
Lucky I'm Inlove With My Bestfriend (boyxboy/yaoi/m2m)
Teen FictionIntroduction: Akala mo ba ayoko sa'yo? Well, nasasaktan din ako dahil hindi pwedeng maging tayo! Tangina mahal kita, ano ba?